Chapter 12

3.4K 109 9
                                    

Ang mahiwagang holen bow...

Ang mahiwagang holen pag pinagmasdan mo nang mabuti ay di mo maiiwasan  di mamangha kung papaano na ang isang bilog at walang pinto na marbel ay naglalaman ng mga magagandang disenyo sa loob nito,

At pag iniangat mo gamit ang kamay at itapat sa araw di mo maiiwasan na di mapangiti,

Hawak ko sya lagi, lagi ko din syang gamit para paglaruan..
Pag nilalaro ko sya at pag pumasok sya sa mga ila ilalim tulad nang sofa nakakakita ako ng mga alikabok at dahil dun pag nakita ako ni Mama na madumi ay pinapagalitan niya lagi ang Yaya ko at pag sa ilalim naman nang kama naman napunta ang holen ko nakakakapa ako ng mga magazine na may mga babaeng walang bra ang nakadisplay kaya naman pag nakita ni Mama na hawak hawak ko ang mga magazine na yun....
Si Papa sa sala na namin natutulog....

Kaya naman ayaw na ayaw ni Papa na hahawak ako ng holen kaya naman itatago muna kita sa kahon na ito kalakip ang puso ko at di ko kayo malilimutan mga mahal kong mga holen....

P.S.

Pag  wala na lang si Papa ko kayo lalaruin KJ talaga yun eh.....

                                              A. M.

Di ko alam kung matatawa ako o mapapailing na lang pagkabasa sa sulat na nakita ko sa isang magandang kahon na nakapailalim sa mga damit  ni Artemis sa closet nang kwarto namin mag asawa.

Si Artemis kasi pagkagising ay gusto nang maligo at pumunta nga agad sa Closet at pinagkakalat ang mga damit nya at pagkatapos na makapamili ito nang damit ay dire diretsong pumunta na sa bathroom kaya ako na ang nag ayos ng mga damit na kinalat nya.

At eto nga nakita ko ang kahon na ito at dala nang kuryosidad ay binuksan ko ito at nakakita ako ng mga holen, isang teddy bear mga larawan nang isang binatilyo at apat na dalagita isa dito ang batang kamukha nang nakausap ko nun seven years ago....

Di ko masabi kung si Samantha ba talaga ang batang nakausap ko noon....

Parang mas tanggap pa nang dibdib ko kung si Artemis ang dalagitang yun.....

Pinilig pilig ko ang ulo ko at  binaling ko sa iba ang atensiyon ko,
Kaya pinagpatuloy ko ang pakikialam sa mga laman nang kahon, isang tali na kulay pink, isang pulang supil, mga seashells at ang panghuli ay mga sulat at nakakatihan ko nga na basahin yun isa at nang matapos ko itong basahin ibabalik ko na sana sya sa kahon nang maisip ko yung initials na A at M at naisip ko bigla yun sulat na pinakaiingat ingatan ko.

Pinagmasdan ko itong maigi.

"A M katulad nang sa sulat na natanggap ko seven years ago posible kayang?"

"Maya tapos na ako shower!" Mula sa bumukas na pinto nang bathroom ay lumabas si Artemis na nakaroba na pero tumutulo pa ang tubig sa di pa napupunasan na buhok nito.

Natatarantang agad na inilagay ko ang sulat na hawak hawak ko sa box at isiniksik uli sa Closet.

"Uy...tapos ka na pala Artemis" tila muntik nang  mahuli ako sa isang kasalanan ang nararamdaman ko ngayong kaharap si Artemis.

"Uh, uh" sunod sunod na tumango si Artemis sa akin at sa pagkataranta ko yumakap ito sa akin.

"T--teka Artemis mababasa ako" natatarantang agad na hinawakan ko ang magkabilang balikat nito at inilayo sa katawan ko.

"Maya....Maya...." namimilog ang mga mata at nakangiti pa din ito na kumapit ang mga daliri nito sa Tshirt na suot suot ko.

"Why?"  Agad na dumagundong na naman ang dibdib ko at nagsimula na naman akong kabahan pagkat tila alam ko na ang susunod na sasabihin nya.

"Iblower mo hair ko Maya" lambing nito.

Tama nga ang nasa sa isip ko.....

"Okay....punta ka muna sa may dresser at umupo ka muna dun kukunin ko lang ang blower" nakangiting utos ko dito.

"Yes Sir!" Sumaludo pa ito sa akin at saka nagmamadaling pumunta na sa may dresser.

Naiiling na sinara  ko na ang closet at kinuha ang blower saka towel para mapunasan ang tumutulong buhok nito at pumunta na sa naghihintay na si Artemis.

Sinimulan ko nang punasan ang basang buhok nito.

"Artemis....." tawag ko kay Artemis.

"Hmm...." huminga muna ako nang malalim bago muling nagsalita.

"May pupuntahan tayo na dinner mamaya at sana mag behave ka ha" bilin ko dito.

"Wahhh Party? Sama ako Maya" natutuwang agad na pumalakpak ito.

"Yes tama ka pero maliit na party lang yun kaya sana wag masyado na galawgaw ka at-----"

"Party! Party!" Anito at sa pagkabigla ko ay tumayo ito mula sa kinauupuan nito at pumunta sa may Closet at binuksan ito.

"T--teka Artemis"

"Party Party dapat pretty si Artemis" anito at nagsimula ulit na magkalat ng mga damit na kakaayos ko lang!

"Naman Oo, kakaligpit ko lang magliligpit na naman ako..." bagsak ang balikat na napahilamos na lang ako nang mukha ko....

"Naku  Marcus kaya mo yan!!!!" Pagsi cheer nang utak ko....

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon