"Picture ko..." maingat na dinikit ko ang hawak ko na picture sa wall pagkatapos ay kumuha ako ulit.
"Picture Maya..." muli ay nagdikit ako sa wall.
"Picture namin!" Nakangiting pinagmasdan ko ang mga larawan namin ni Maya na dinikit ko sa wall.
"Perfect!" Pumapalakpak na hinila ko ang stool at dumekwatrong umupo dun.
"My God Artemis!" Tumitiling sabi nung papasok na kapatid ko.
Nag rolled eyes na lamang ako at nakanguso na humarap dito.
"Bakit ka nandito Sam Sam? Bawal ka dito! Tsu tsu!" Pagpapalayas ko dito.
Ayaw ko talaga na nandito sya sa bahay kasi nagagalit sya lagi tapos sumisigaw pa sya baka mamaya mabingi na ako tapos matulad ako sa Yaya ko na laging nagugulat....
Hmm....kahit na madalas ako yung gumugulat kay Yaya...pero kahit na!
Pero dahil kapatid ko eto tapos kamukha ko pa wala naman akong choice kundi patuluyin sya sa bahay namin ni Maya....
"Aba't!" Akma na babatukan ako nito pero hindi na nito tinuloy at sa halip ay humalukipkip.
"Dali na alis na!" Muli ay pagtataboy ko dito at pumadyak pa ako.
Nakataas ang kilay na lumapit ito sa akin at dinutdot ang noo ko.
"Aray!" Nakangiwing daing ko.
"You know what Artemis tigilan mo na ako sa mga kaartehan mo at pag aastang bata!" Sabi nito.
"My God napupundi na ako sa iyo!""Bakit ilaw ka ba?" Nakasimangot na tanong ko dito.
"You dimwit!" Piningot ako nito sa tainga ko.
"Aray naman Sam Sam!" Daing ko at nagsisimula na akong maasar sa pananakit nito kaya naman malakas na tinulak ko ito na hindi yata nito na kinabigla nito at hindi napaghandaan kaya naman natumba ito sa sahig.
"Samantha!"
"Artemis!"
Mula sa pinto timing na timing naman ang pagpasok nina Sebastian at Maya.
Agad na dinaluhan ni Sebastian si Samantha at itinayo ito.
"Artemis what happen?" Nag aalalang tanong ni Maya sa akin.
"Eh kasi sya nipingot nya ako eh!" Naiinis na sagot ko kay Maya at itinuro si Samantha na kasalukuyan na tinatayo na ni Sebastian.
"Of course not!" Umiiling na tanggi ni Samatha at umiiyak na yumakap kay Sebastian.
"I'm just scolding her...na bad na magdidikit sya ng mga pictures sa mga wall....yun lang tapos tinulak na nya ako" humihikbing sagot ni Samantha.
"Hush Darling stop crying" pag aalo ni Sebastian dito habang hinahagod ang likod nito.
"That's not true!" Sabi ko dito.
Nagtaas ako ng tingin kay Maya na ngumiti lang at tumango sa akin.Yung klase ng ngiti na naniniwala sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Liningon ni Maya sina Samathat at Sebastian.
"Samantha you know how delicate the condition of your twin, dapat mas habaan mo pa ang pasensiya mo" ani Maya dito.
"Marcus!"
"Sebastian stop meddling in them" sansala ni Maya kay Sebastian.
Inakbayan ako nito at iginiya papalabas ng kuwarto na yun.
"Maya ayaw ko pang alis magdidikit pa ako ng mga pictures natin sa wall" pagtanggi ko.
Ngumiti si Maya sa akin.
"Bumili ako ng mga album Artemis dun ka na lang magdikit ng mga pictures natin,okay ba?" Anito.
Na excite ako sa sinabi nito.
"Talaga Maya?" Namimilog ang mga mata ko na nagpatiuna na ako at hinila na ito papalabas ng kuwarto na yun.....
_________
"Marcus!" Nagulat ako ng may mabigat na palad na sumampal sa mukha ko.
Nasapo ko na lamang ang pisngi ko na tila namaga sa lakas ng pagkakasampal ni Samantha.
"How dare you!" Nanggigigil na sabi nito.
"Samantha stop being a Bitch" pormal ang mukha na akma na sanang lalagpasan ko ito nang hawakan nito ang braso ko.
"Hindi bagay sa magandang mukha mo" nakangiting sabi ko."How dare you calling me a Bitch?!"
"Why? Hindi ba dapat na yun ang itawag ko sa iyo?"
"Asshole!"
"Wait how about being a Whore and a two timing Bitch mas maganda yun at perfect-----" muli ay malakas na sinampal ako nito
"Damn you!" Ngumisi ito at pinasadahan ako ng tingin."If I know Bitter ka pa rin dahil hindi ako sumipot sa Kasal nating dalawa at Girlfriend ng Pinsan mo na angat na angat sa iyo sa Lahat"
This time ako naman ang napangisi dito.
"Why Oh why being sarcastic Samantha....please stop acting like an innocent victim sa akin Samantha, kung ngayon naloloko mo pa ang lahat including Sebastian wag kang mag alala wala akong pakialam" nilagpasan ko ito pero may bigla man akong naalala kaya naman humarap ulit ako dito.
"You know what? Bagay na Bagay talaga kayo ng pinsan ko... A Bitch and A Womanizer....A match made in Hell" nakangising tinalikuran ko na ito.
"Damn you Marcus!"