Chapter 2

5.2K 118 0
                                    

Huminga muna sya nang malalim bago sya bumaba ng kotse at pumunta sa malaking gate at mahinang nag buzzer,
Ilang sandali pa ay may lumabas na kasambahay at pumunta sa gawi ko.

"Sino po sila?" Tanong nito at ngumiti ako dito.

"Ahm nandyan po ba si Mr. and Mrs. Samaniego?" Sa halip ay tanong ko.

"Opo"

"Pakisabi nandito si Yohan" sagot ko dito.

"Sige po sandali lang" anito at bumalik na mansion na matagal ko din na di nakita.
Nakakamiss pala lalong lalo na at tila wala itong pinagbago kung ano ang natatandaan ko na hitsura nito ganun na ganun pa dito ito after nang seven years mula nang naglayas ako.

Maya maya pa namataan ko na humahangos na lumabas yun katulong na napagtanungan ko at mabilis na pinagbuksan ako nang gate.

"Naku Senyorito ikaw pala yan naku pasensiya na po pasok pasok po kayo" natatarantang sabi nito sa akin.

"May Party po ba?" Tanong ko dito nang makapasok ako sa may loob at napansin ko ang maraming sasakyan sa may maluwang na garahe.

"Eh Anu po Senyorito nandito po yun kapatid ng Senor at yun pamilya po nya saka po ahm pasok na lang po kayo" medyo atubili ang boses nito at binuksan ang malaking pintuan at iginiya ako papasok sa loob.

Agad na pumasok ako at pumunta sa may salas at dun nakita ko ang mga magulang ko na sina Fabian at Glenda Samaniego na nakaupo kausap sina Tito Fernan at Tita Nette at isang banda naman ay nakita ko na nagtatawanan ang kapatid ko na si Beatriz at ang magkapatid Sebastian at Blanca na mga anak nina Tito Fernan at Tita Nette.

Di pa nila agad napansin ako kaya napamasdan ko ang mga magulang ko medyo grey na pala ang buhok ni Papa at si Mama naman ay golden brown ang kulay ng buhok at medyo napansin ko din na halata na ang edad ng mga ito.
Habang si Beatriz ay mas malaki ang kinaganda kaysa nun at as usual ang magkapatid na si Seb at Blanca ay ubod talaga ng gwapo at ganda.

Sila Seb at Blanca ay nasa modelling world at sikat na sikat talaga sila tama talaga ang sapantaha ko na magiging kilabot ng mga kababaihan itong si Seb.
Laging nababasa ko na kung sino sinong kasama na babae ni Seb gabi gabi at madalas nalilink pa ito sa mga artistang babae pati na sa mga anak na babae ng ilang mga pulitiko.
What a playboy!!!!
Mabuti na lang si Samantha ko kahit nasa modelling world din ay di nalilink kay Seb.

Napatikhim ako nang malakas at agad na napatigil ang mga ito sa pagkukwentuhan at tumingin sa gawi ko.

"Who you? At sinong nagpapasok sa yo dito?" Mataray na tanong ni Beatriz sa akin.
The same Beatriz Mariel Samaniego the ruthless spoiled brat na walang ibang kinikilalang kapatid kundi sina Seb at Blanca at ako na kuya nya ay kinahihiya na naging kapatid nya.
At araw araw mula nang magka isip ito ay di ito pumapalya na ipamukha sa akin yun pati na ang mga magulang ko.

"Hey Sis kamusta ka at Pa, Ma" lumapit ako sa mga magulang ko at akma na hahalikan ko sana ang pisngi ni Mama nang tinabig nya ako papalayo.

"Glenda are you okay?!" Agad na inalalayan ito ni Papa at inakap.
Matalim na tinitigan ako nina Papa at Beatriz at mapait na napangiti ako nang mapagtanto ko na di pa rin nila ako napapatawad sa kasalanan ko dati.

"I get it! It's that you Marcus Yohan right!" Napatingin ako kay Tito Fernan at tumango dito.

"Ako nga po Tito Fernan" napangiti ito nang maluwang at saka mabilis na tumayo ito at niyakap ako nang mahigpit.

"Oh god di kita agad nakilala kundi ka lang nagsalita di pa kita mabobosesan kamusta ka na matagal na kitang di nakikita ah how long na nga ba six seven years?" Natouched ako sa pinaramdam nito na kasiyahan pagkakita sa akin.
kahit nun pa ito at si Tita Nette pati na si Blanca ay mabait na sa akin.
Naisip ko pa nga na baka nagkapalit kami ni Seb ng mga magulang na baka ang mga ito ang magulang ko dahil mabuti pa ang mga ito may concern sa akin samantalang ang pamilya ko wala.

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon