Chapter 19

3.4K 114 0
                                    

"May tatlong bibe akong nakita, mataba mapayat mga bibe.... mga... ngunit.....uhm...Maya nakalimutan ko na lyrics anung kasunod!" Sigaw ni Artemis sa may Bathtub.

Kanina pa sya dun ah...naiiling na naibulong ko.
Halos magdadalawang oras na syang nakalublob at laro nang laro tapos kanta nang kanta....hay napaka hyper!

"Maya!" Muling untag nito sa akin.

"Di ko alam Artemis mainam pa tapusin mo na yang paliligo mo tapos titignan ulit natin sa YouTube" umiiling na sagot ko habang namimili nang isusuot ni Artemis.

"Eh? Maya ayaw ko pa!" Angal nito.

"Di puwede kanina ka pa d'yan baka sipunin ka na tumayo ka na dyan" sagot ko.

Nakapili na ako nang Pantay at Bra damit na lang na isusuot nya ang hinahanap ko madalas kasi si Artemis ubod nang burara pag pinabayaan ko syang siya na lang ang mamili nagkakalat tapos madalas pang makalimutan ang bra eh ang laki laki nang hinaharap nya parang papaya sa laki.

"Maya tapos na ako palit mo na ako nang damit!" Mula sa Bathroom ay lumabas si Artemis na walang saplot at di man lang nagpunas kaya tumutulo ang tubig sa katawan nito.

Napatulala ako at nalunok ko ang laway ko pagkakita ko sa maganda at makurbang katawan ni Artemis.

Ngumisi ito at nameywang.

"Ganda ko Maya no?" Tanong ni Artemis na tila nagpabalik sa wisyo ko.

Napaubo ako at dagling kumurap saka namumulang magbaba nang tingin.

"M--magbihis ka na Artemis pero punasan mo muna yang katawan mo basang basa" nakayuko pa din na inabot ko dito ang tuwalyang hinanda ko.

Pero nagulat ako nang yakapin ako nito sa likuran ko tapos madama ko ang libo libong boltahe nang kuryente sa simpleng pagkakadikit nang hubad at basa nyang katawan sa likuran ko.

"Ayaw to gusto to ikaw ang magpunas sa akin tapot bihis" hiling nito.

Napahingal ako sa tila pangangapur nang oxygen sa katawan ko dulot nang sinabi nya.
Ramdam ko din ang pagragasa nang di maipaliwanag na init sa katawan ko lalo lalong na sa gitnang bahagi nang katawan ko.

Get a grip Marcus! Isip bata yang kausap mo wag kang maglagay nang malisya sa mga pinagsasasabi n'yan Asawa mo.... sukat sa isipin na yun ay inipon ko lahat nang lakas nang loob at determinasyon ko saka mabilis na kinuha ang towel at humarap dito at nakapikit na pinunasan ito at nang maramdaman ko na na tuyo na ang katawan nito ay dali daling binalot ko sa katawan nito ang towel at saka mabilis na kinuha ang panty at muli pikit mata na sinuotan nito at sinunod ko agad ang bra nito at sumunod na dito ang damit na hinanda ko para dito and after kong matapos ay tila maiiyak na ako sa galak na napatingala.

Isa na naman accomplishment ang nagawa mo Marcus! Mabuhay! Mabuhay! Lihim na pagdidiwang nang kalooban ko....

"Maya hair ko suklay mo" ungot ulit ni Artemis sa akin kaya naman dali daling kinuha ko ang brush at blower para simulan nang tuyuin ang buhok nito at ayusin....

Pagkatapos na mabihisan at maayusan ko si Artemis ay nangulit ito na manood nang Anime.

Kaya naman para magtigil na ito sa pangungulit sa akin ay pumayag na din ako at eto na at kinakalikot na ni Artemis ang remote at walang patid sa paglipat lipat nang channel hanggang magpirme na ito sa channel na puro naman bisikleta ang nakikita ko pero mukhang engrossed na engrossed naman si Artemis kaya naman natagpuan ko ang na lamang ang sarili ko nanonood na din sa Anime.

"Gusto ko din Maya na mag bike parang masaya" agad na nanlaki ang dalawang mata ko pagkadinig sa sinabi nito.

Alanganin na ngumiti ako dito.

"A--ah okay may bike ka ba?" Tanong ko dito.

Malungkot na Umiling ito sa akin.

"Ayaw Auntie Bettina mag bike ako baka daw magasgasan skin ko" dagling pinagpawisan ako kasi parang alam ko na kung saan papunta ito.

"Artemis?"

"Bakit Maya?"

"Ahm......marunong ka bang magbisikleta?" Maingat na tanong ko dito.

Ngumuso ito sa akin.

"Ayaw nga Auntie Bettina gamit ako bike di ba? Paano tuto Art wala naman bike gana gana naman minsan minsan utak Maya" angal nito sa akin.

Sinasabi ko na nga ba....

Tumawa ako nang mahina at tinapik tapik ang ulo nito.

"Gusto mong bumile tayong dalawa nang bike tapos tuturuan kita na mamiksikleta?" Malambing na tanong ko dito.

Agad na umaliwalas ang mukha nito at niyakap ako nang mahigpit at dahil nagulat ako ay napatihaya ako nang higa at kinubabawan nito at sa pagkagulat ko ay pinugpog ako nang halik sa mukha ko.

"Thank you Maya!" Tuwang tuwa na bigkas nito.

Tinanguan ko lamang ito at nginitian saka inisip kung may libre nga ba akong oras bukas at sa linggo para matutukan ko nang mabuti si Artemis....

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon