Chapter 9

3.4K 103 3
                                    

"Marcus....." napalingon ako sa pamilyar na boses lalakeng tumawag sa akin.

Nandito ako sa isang toy store nang isang mall para ibili nang barbie doll si Artemis.

Agad na napangiti ako nang mapagsino ito.

"Tito Fernan!" Agad na lumapit ako dito at saka nakipagtapikan nang balikat dito.

"You look great Marcus" nangingiting puna ni Tito Fernan sa akin. "Marriage suit you hijo you look happy"

"Di naman po Tito Fernan" napapakamot ang ulo na tugon ko dito.

Umiling iling ito at saka pumunta kami sa Isang fastfood nang inaya ako ni Tito Fernan na magmeryenda.

"Kayo lamang po ba ang nandito sa Mall?" Agad na tanong ko nang makaupo na kami matapos na mag order ito.

"Yes kasi naman tumitingin ako nang ireregalo ko sa Tita Nette mo malapit na kasi ang kaarawan nya tapos nakita nga kita dito" sagot nito sa akin.

"Oo nga po pala Tito Fernan next week na po pala ang birthday ni Tita Nette"

"At pumunta ka ha isama mo na din ang Asawa mo at may munting salu salo sa bahay tayo tayo lang na pamilya para naman makilala namin ang nakabihag sa puso nang paborito kong pamangkin" nakangiting anyaya nito sa akin.

Alanganin ang ngiti na sumilay sa labi ko nang maalala na ni hindi man lang sumipot ang Pamilya ko sa kasal ko buti pa sina Tito Fernan at Tita Nette nagpunta yun nga lang di na sila nakapunta sa reception pagkat may hinahabol pa silang flight papunta sa kung saan nakalimutan ko na yun sinabi nilang place paano ba naman kasi nga di ba may nangyaring Switch sa Bride ko that day....

"Eh kasi Tito Fernan....." umilap ang mga mata ko dito.

Gusto ko na pumunta at isama si Artemis pero di ko kaya pang harapin ang mga magulang ko at lalong lalo na si Sebastian paano kung isama nya si Samantha?

Ang sakit lang nun sa puso ko.....

Yun harap harapan na ipamukha sa mukha mo na di ka naman nya gusto, na sinagot ka lamang nya para pagbigyan ang mga magulang nya at nang magkaroon sya nang pagkakataon ay tumakas sya at sumama sa talagang gusto nya....

At ako eto naka stack sa kakambal nyang Isip bata.....

"Marcus hijo if inaalala mo ang mga magulang mo akong bahala isa pa namimiss ka na talaga nina Nette at Blanca" tukoy nito sa Mag ina nito.

"Tito Fernan....kasi naman po...."

"Pakiusap Marcus di mo ba ako mapagbibigyan?" Nagdaramdam ang mukha nito na tumitig sa akin.

Kaya naman napalunok ako at wala na akong nagawa kundi mapatango na lamang.

"Thanks hijo" nakangiting sabi nito at ilang saglit pa lamang ay dumating na ang inorder naming dalawa.

------------------


"Maya!" Agad na tili ni Artemis nang makita ako na papasok pa lamang ako sa may pintuan.

"Artemis-----" nagulat at napasinghap ako nang bigla ay daluhungin ako nang yakap ni Artemis.


"Pasalubong ko Maya!" Ungot agad ni Artemis habang hinihila ako papasok sa may sala.

"Eto oh" nakangiting pinakita ko dito ang kahon nang dala kong Barbie Doll.

"Wow Barbie doll!" Nangingiting pumalakpak pa si Artemis saka kinuha na sa akin ang kahon at sabik na binuksan ito.

"Sandali Artemis naligo ka na ba?" Tanong ko dito.

"Kanina pa Maya"

"Eh kumain ka na ba?" Muling tanong ko dito.

"Hindi pa Intay kita eh" sagot nito at saka nang nabuksan na nito ang box at inilabas na ang Barbie.
"Wow ganda Maya thank you" nakangiting baling nito sa akin.

Napangiti ako at tinapik tapik ang ulo nito.

Namula naman ang mukha nito at napangiti pa lalo nang pagkatamis tamis sa akin.

Na kinahigit nang hininga ko.

Damn it!

Agad na tinalikuran ko ito para pahupain ang pagririgodon nang dibdib ko.

"Eh....Maya kain na tayong dalawa" yaya nito sa akin.

Humabol pa ito sa likuran ko at sa pagkagulat ko ay niyapos nya ako mula sa likuran ko.

At mas lalong nagrigodon ang mga daga sa dibdib ko dahil sa aksiyon na ginawa ni Artemis.


"Magbibihis lang ako Artemis after that babalik agad ako at sabay na tayong kakain na tayong dalawa" sagot ko dito at marahan binaklas ang dalawang kamay nito sa pagkakayapos nito sa akin.

"Ah okay bilisan mo ha intay kita para sabay na tayong kakain ha" muling ungot nito sa akin kaya naman tumango agad ako dito at saka patakbong umakyat sa may hagdan at pumasok sa kwarto namin ni Artemis.

Shit! Shit! Shit talaga!!!

Pinagpapawisan na napasandal ako sa may likod nang pinto pagkasara ko at napahawak ako sa dibdib ko.

Napakalakas pa din ang pagrigodon nang dibdib ko....

Masama na ito.....malamang may sakit na ako sa puso......
Mukhang kailangan ko nang magpatingin sa doktor nito dahil pag hindi agad ako umaksiyon....

Malamang sa hindi ma heart attack ako dahil kay Artemis.....

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon