"Maya gutom na ko handa mo ko pagkain" ungot ko kay Maya na nagbabasa na naman ulit ng mga makakapal na mga papers.
Di ba s'ya napapagod kakabasa?
Kasi ako naaawa na sa Maya ko lagi na lang sya nakaupo baka dumikit na ang puwit nya sa upuan di na sya makatayo pa.
Nagtanggal muna ito nang salamin sa mga mata nito bago ito nag angat ng tingin sa akin.
"Ang Yaya mo Artemis nasaan dapat sa kanya ka magpahanda ng pagkai----" sunod sunod na napailing ako dito.
"Ayaw ko kay Yaya, Maya gusto ikaw handa food ko now na Maya" sagot ko dito.
Ito naman ang napailing.
"Okay wait ka na lang dito okay?" Anito saka tumayo na sa upuan at ginulo ang buhok ko pagkatapos ay naglakad na papunta sa may kitchen.
Nakangiti na tumango ako dito.
Nang mawala na si Maya sa paningin ko ay inangat ko sa ere gamit ang dalawang braso ko ang hawak hawak kong Teddy Bear.
"Maya number2" umpisa ko.
Maya number2 kasi pag nami miss ko si Maya ang Teddy Bear na regalo nya sa akin ang madalas niyayakap ko pag nami miss ko si Maya at pinapunch ko pag nagta trantrums ako hehehe.Kawawa naman kasi ang Maya ko pag pinunch ko sya at saka di ko kayang makita na ma hurt ang Maya ko.
"Ang bait talaga ni Maya nuh? Kaya love love ko Maya ko wala nang iba pa ah pati pala sina Papa at Mama love ko din" wika ko dito at pinisil pisil ko ang teddy bear saka inihagis sa ere.
Napalakas yata ang hagis ko kasi tumilapon ito papunta sa may swimming pool.
"Wait lang Maya number2!" Tumakbo ako papunta sa may swimming pool at agad na tinawid ang distansiya namin ni Maya number2 at agad na dinampot ito.
Pinagpag ko ito para mawala ang mga dumi na dumikit dito at nang makita ko na malinis na ito ay akma na sanang aalis nang makarinig ako ng mga ungol kaya naman dala ng kuryosidad ay lumapit ako sa pinanggagalingan ng mga boses at tinignan.
Napatakip ako ng bibig ko gamit ang kamay ko nang makita ko si Sam na nasa ibabaw nun Seb at naghohorseback riding.
Naglalaro silang dalawa? Napasibi ako at naningkit ang dalawang mata ko.
Pinagmasdan ko silang dalawa at unti unti ay naaasar ako malamang kasi sila naglalaro at nag eenjoy sa pinaggagagawa nila kahit pawisan na sila.
Dapat yayain ko din Maya ko dito tapos yayain ko syang maglaro nang katulad ng ginagawa nina Sam at Seb.
Tama...tama ayaw ko sa iba gusto ko kami ni Maya gagawin din yun tapos di ko papayagan Maya ko gawin yun sa iba dapat ako lang kalaro n'ya! Sunod sunod na napatango ako at pagkatapos ay patakbo na akong pumasok sa house at pumunta kung saan nandun ang Maya ko."Maya!" Tawag ko agad dito.
Nang lumingon ito sa akin ay agad na lumapit ako dito at hinila ang braso nito.
"Bakit Artemis?" Nagtataka nitong tanong sa akin.
Naglalagay na ito ng mga plato sa lamesa.
"Maya gusto mag play din tayo kapares ng laro na ginagawa nina Sam at Seb sa may swimming pool" nakangiti kong sagot dito.
Napansin ko na natigilan ito at pagkatapos parang nag clench ang mga teeth nya tapos nag dark ang face nya.
"Anung nakita mo na ginagawa nilang dalawa?" Ayaw ko man pero parang natakot ako sa mga mata ni Maya kasi parang angry sya.
Sa akin kaya?
Kasi nakukulitan sya sa akin?
Kung 'yun,yun ayaw ko na mangyari yun malulungkot ako pag nawala si Maya sa akin.
"Dun sa pool nag kakabayo silang dalawa" sagot ko dito sabay sa pinto na pinasukan ko.
"Maya angry ka ba? Kung angry ka wag sa akin please wala akong alam promise nikita ko lang silang dalawa nagpa play inggit ako Maya gusto ko din gawin yun pero gusto ko ikaw lang kalaro ko kasi love kita" sabi ko dito.Namula ang buong mukha nito sa mga sinabi ko na kinataka ko na naman ulit.
Napatakip ito ng mukha at nag iwas ng tingin sa akin pagkatapos ay tumikhim ito ng ilang beses bago tumingin ulit sa akin at hinawakan ako ng dalawang kamay nito sa magkabilang balikat ko.
"Dito ka na lang muna Artemis at kumain di ba gutom ka sabi mo kanina?" Sunod sunod na napatango ako dito.
"Good now behave eating at may gagawin lang ako sandali may kailangan lang ako na gawin okay?""Babalik ka agad Maya?" Tanong ko dito.
Nakangiti na tumango ito.
Kaya naman umupo na ako sa upuan at nagsimula nang maghanda para kumain.
Nang akma na susubo na ako ay may naalala ako at saka lumingon kay Maya na naglalakad na papalabas nang kitchen.
"Maya balik ka agad ha maglalaro pa tayo ng horsey horsey!" Sabi ko dito.
Di lumingon sa akin si Maya kasi nauntog na pala sya sa pinto ng kusina!!