Chapter 21

3.1K 110 8
                                    

Nang makapunta ako sa may pool ay agad na hinanap ng mga mata ko ang dalawang pakay ko at ilang saglit pa ay namataan ko na agad silang dalawa.

Nilapitan ko na agad ang dalawa na marahil ay tapos nang gumawa nang milagro pagkat naghaharutan na sina Seb at Sam sa may pool.

Huminga ako ng malalim at wala sa loob ko na nakapa ang bumukol sa may noo ko dala nang pagkakauntog ko sa hamba nang pinto dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Artemis kani kanina lang.

"Sam... Seb can I talk to the two of you?" Masakit ang ulo na pakiusap ko sa dalawa.

Natigilan ang dalawa at saka nagkatinginan.

"Sure Bro" nakangiting sagot sa akin ni Seb at saka iginiya paahon sa tubig si Sam na tila di makabasag pinggan.

Lihim na napaingos ako sa inaakto nang magaling na hipag ko.

Pag kaharap nya ang pinsan ko napaamo nya parang kaybait bait yung tipong di gagawa nang kalokohan.

Minsan tuloy naiisip ko alam kaya nang pinsan ko na maldita ang Girlfriend nya at alam kaya nya na ex fiancee ko si Sam at muntik na kaming magpakasal napurnada lang kasi nakita sya ni Samantha at naglandian silang dalawa?


"Anung sasabihin mo Marcus?" Napakurap ako at naputol ang iniisip ko sa tanong ni Seb sa akin na di ko namalayan na nakaahon na sa may pool at nakalapit na pala silang dalawa sa akin.

Huminga ako nang malalim para makaipon nang madaming lakas ng loob at saka muling dumilat at tinignan ang dalawa.


"Nakita kayo nang Asawa ko na may ginagawang milagro dito sa pool in broad daylight" simula ko.

Namula ang mga mukha ng dalawa sa tinuran ko.


"Marcus...." agad na umiling ako kay Seb nang tila tangka nya na ipaliwanag ang version nilang dalawa.


"Seb...walang kaso sa akin kahit anung gawin nyo natural lang yan sa magkarelasyon..." lihim na umantak sa sakit ang dibdib ko at dagling naalala nun kami pa dati ni Sam ni ayaw nga nito na magkaholding hands kami in public madalas din pag maglalambing ako dito itinutulak nya ako papalayo.....pero kay Seb dinaig pa nya ang mga nude model at pornstar sa sobrang intense ng pagpapakita nang pagkagusto kay Seb.

Di ako naiinggit....ni nagseselos ah!
Ang point ko lang ay napaka unfair lang na double standard talaga di lang ang mga lalaki pati na mga babae.....

Panu ko nasabi?

Wala lang feeling lang ito nang isang bitter sa mundo....at walang clue okay?

"Sana lang mag hold back kayo at magpigil sa mga intimate scenes nyo pag nandito kayo sa bahay kasi alam nyo naman ang kalagayan nang Asawa ko lalung lalo ka na Sam dahil kakambal mo si Artemis" wika ko sabay tingin kay Samantha na di na maipinta ang mukha marahil sa inis sa akin.


"I understand Marcus" tumatangong sagot ni Sebastian saka tumingin kay Sam na agad na nagbago ang mukha mula sa maldita mode ay naging Angelic mode na uli na nakangiting tumango din.



"Y---yeah....we understand my dear brother in law" malambing ang boses na sabi ni Sam sa akin.

Tango ang naging sagot ko sa dalawa at saka agad na nagpaalam sa mga ito na babalik na ako sa loob ng bahay.


Nang makapasok na ako nang bahay ay agad na pinuntahan ko si Artemis sa kitchen para makasalo nang kumain knowing Artemis baka nilalaro na naman nito ang pagkain kaya talagang kailangan na bantayan ito pag kumakain para masiguro na makakakain ito nang wasto at tama sa oras.


"Artemis...." nang makapasok na ako sa kitchen ay agad na hinagilap ng mga mata ko ang Asawa ko pero wala na ito sa pinag iwanan ko kanina.

Napailing na lamang ako at napakamot sa ulo.

Nakalimutan ko palang ibilin kay Manang na bantayan sa pagkain si Artemis.... naiiling na naisip ko at saka nagsimula nang humakbang papalabas nang kusina at tiyak ang mga hakbang na umakyat ako sa pangalawang palapag nang mansion at nang mapatapat ako sa kwarto naming mag asawa ay kumatok ako sa pinto.

"Artemis nandyan ka ba?" wika ko at nang wala akong madinig na sagot ay pinihit ko na ang seradura nang pintuan pabukas di naman ito naka lock kaya pumasok na ako.

"Artemis..." nagtatakang tawag ko sa Asawa ko lalo pa nang mapansin ko na madilim ang kwarto pagkat nakababa ang mga kurtina.

Pero walang tugon mula sa Asawa ko at sa halip tunog nang ni lock na pinto ang nadinig ko.

Pumihit ako paharap para tignan ito.

Marahil nasa labas ng pinto si Artemis at trip na makipag laro sa akin buti na lang nasa bulsa nang pantalon na suot ang susi ng kwarto namin kaya makakalabas ako.

Pero nagulat ako nang bigla ay may yumakap sa akin at hagkan ako sa labi ko.

Napaungol ako at tinangka na lumayo dito pero di ito nagpatinag at sa halip mas diniin nito ang pagkakalapat ng mga labi naming dalawa.

Madilim ang kabuuan nang kwarto pero naaaninag ko pa din ang pangahas na humahalik sa akin.

Nanlaki ang dalawang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito.

"Artemis...w---wait!" Nilayo ko ang mukha ko dito nang makahuma ako pero naramdaman ko na hinawakan ng dalawang palad nito ang ulo ko para di makalayo sa kanya at mas lalo pang nilaliman ang paghalik sa akin.....at ilang saglit pa natagpuan ko na lamang na tinutugon na din ang halik nito ......


Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon