Chapter 23

2.3K 110 5
                                    

"Ba't di ka pa nakabihis?" Nakataas ang kilay at nakapameywang pa na tanong ni Sam sam sa akin.

Natigil ako sa pagkukulay sa coloring book na pasalubong ni Maya sa akin kahapon.

"Eh? May damit naman ako Sam Sam ah! Malabo yata mga eyes mo dapat eyeglass suot ka" Sagot ko dito at pinagpag pa ang laylayan ng bestida na suot ko.

"Shut up! Dimwit! You're such a brat" bulalas nito.

"Mas brat ka din!" Sagot ko dito na kinataka ko kasi hindi ko naman alam ang ibig sabihin nun.

Hen kaya yun? O chicks?

Nanlaki ang mga mata nito at nagsimangot tapos akala ko nga lalapit sa akin si Sam Sam pero ngumiti sya at pagkatapos may kinuha sa paper bag at inihagis sa akin.

"Stand up and get dressed may pupuntahan tayo" utos nito na kinanguso ko.

"Ayaw ko nga kundi kay Maya ang punta natin di ako sama" nakaingos na sagot ko dito.

Naningkit ang mga mata ni Sam Sam... ah mas maliit pa nga sa tsinita na mga mata ni Darla, yung bagong yaya ko,

Pero mukhang gusto ni Sam Sam na magmake face ngayon kasi paiba iba sya ng hitsura...nakangiti, nakangiwi, nakanguso....

Buti na lang talaga kamukha ko sya kundi ang ugly nya promise!!!

"Kay Marcus nga tayo pupunta" sabi nito na naging dahilan para magpatalon talon na naman ang heart ko.

"Really Sam Sam? Punta tayo kay Maya?" Excited na tanong ko dito.

Tumango ito kaya naman napapalakpak ako at tumayo na.

"Wait lang Sam sam, magbibihis na ako para punta na tayo Maya" yun lang at sabik na pumasok na ako sa room ko at nagpalit na ng damit.

____________

"Get out!" Utos ni Sam sam sa akin pagkatapos nyang buksan ang pinto ng kotse nya.

Nag ikot ang dalawang mata ko kasi nagtaka ako pagkat hindi pamilyar ang lugar kung saan inihinto ni Sam sam ang car.

"Eh Sam sam parang hindi naman ata eto office ni Maya ah" napapakamot na angal ko.

Madami kasing lights sa paligid tapos patay sindi pa.

Parang nakakatakot na, ayaw ko nang bumaba.

Nagulat pa ako ng hilahin ako ni Sam sam.

"Bumaba ka na ang dami mo pang angal eh" angil nito.

"Pero Sam----"

"You stay here" putol nito sa pagpropotesta ko.
"Ang sabi ni Maya dito ka nya pupuntahan" dagdag pa nito at sumakay na ulit ito ng sasakyan.

Ewan ko ba pero kumabog ng malakas ang dibdib ko parang natatakot ako.

"Ayoko Sam sa---"

Pero usok na lamang ng tambutso ang naiwan pagkat agad na pinasibad ni Sam sam ang car nya.

_______________

"Darla si Artemis pakitawag sabihin mo nandito na ako" utos ko sa kasambahay na naabutan ko.

Nilapag ko agad ang pasalubong ko kay Artemis sa center table.

"Eh Sir Marcus wala po si Artemis umalis kasama ni Mam Samantha" sagot nito na kinataka ko.

Si Samantha umalis kasama si Artemis?

"Ha? Eh saan daw pupunta?" Naupo na ako sa sofa medyo pagod na ako kasi ang dami kong kailangan matapos na mga proposals at pinag aralan kung kaya ng kumpanya ang hinihingi ng unyon na dagdag sahod.

"Ang nadinig ko po Sir, sa inyo daw po" muntik na akong mahulog sa sofa sa sinagot nito.

"What?" Sukat sa sinabi nito ay dali daling dinampot ko ang cellphone ko at tinawagan agad si Samantha.

Pero nakailang tawag na ako ay hindi pa din sinasagot ng huli ang tawag ko.

"Damn!" Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.

Nag aalala talaga ako kay Artemis,

Baka kung saan dinala ni Samantha ang huli.

Nang hindi na ako makatiis ay agad na dinampot ko ang susi ng sasakyan ko at nagmamadaling umalis na ako.

_____________

"Miss ayos ka lang?" Nakasibing tumingala ako sa lalaking nagtanong sa akin.

"Kasi si Maya ko kanina ko antay wala pa din" sagot ko dito.

Napailing ito at nagulat ako ng bigla ako nitong akbayan.

"Eh di Miss samahan na muna kita dito" sabi nito.

Akma na sana akong kakawala dito ng may biglang humablot sa akin.

Paglingon ko sa humablot sa akin ay agad na napangiti ako nang makilala ko agad ito.

"Maya!" Sabik na yumakap ako dito.
"Kanina pa kita antay tagal mo!" Angal ko dito.

"S---sorry Artemis kung nag antay ka ng matagal pero andito na ako" humihingal na sagot nito at niyakap ako nito nang ubod ng higpit.

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon