Dahan dahan na sumilip ako sa may likod ng pinto kung saan ako nakatago.
Kitang kita ko mula sa pwesto ko sina
Sam Sam at yun Boyfriend daw nya tapos si Maya.Namumula ang mukha ni Sam Sam na nakapagpalit na ng damit habang inaalo ito nun si Seb Seb.
May sinasabi si Maya sa mga ito pero sa sobrang hina ng boses nito ay hindi ko madinig.
"Artemis?" Nag angat ako ng tingin at napangiti pagkakita sa pinsan ko.
"Anung ginagawa mo d'yan bakit ka nakatago?""Kuya Bernard!" tumuwid ako ng tayo at kumuyapit sa leeg nito.
"Hey, mukhang na miss ako nang favorite na pinsan ko ah" nakangising puna nito.
"Opo Kuya Bernard, next to Maya si Benedict tapos ikaw ang pinakahuling favorite ko na boy" tumatangong sagot ko dito.
"Really dapat bang malungkot ako kasi panghuli ako sa list of favorite mo?" Animo nasasaktan na tanong nito.
"No Kuya Bernard don't be sad panget ka nga mas lalo kang papanget" umiiling na salungat ko.
"Bernard why are you here and where's Kuya Benedict, I expect him because he texted me na pupunta daw sya dito" Mula sa likod namin ay tanong ni Sam Sam.
"Sorry Samantha" lumapit at humalik agad si Kuya Bernard kay Sam Sam tapos nakipagkamay kay Maya at Seb Seb.
"Bernard Dela Rama"
"Sebastian Samaniego" ani Seb kay Kuya Bernard na lumingon kay Maya.
"Are you two relatives?" Tanong pa nito kay Maya."Yes we're cousins" sagot ni Maya kay Kuya Bernard.
"Kuya Bernard, Kuya Bernard" agaw ko sa pansin ni Kuya Bernard.
"Please Artemis magtigil ka na nga katatawag ng Kuya kay Bernard mas matanda pa tayo dyan ng dalawang taon eh!" Sikmat ni Sam Sam.
"No it's okay, anyway yun nga kaya ako narito kasi ako na lang ang pinapunta ni Kuya Benedict kasi malapit ng manganak si Jemma at ayaw ni Kuya na iwan ang Asawa nya kaya ako ang pinapunta nya dito" sagot nito.
"Really Kuya Bernard malapit ka nang maging Uncle?" Namimilog ang mga mata na tanong ko dito.
"Yes and it also applies to you kasi mag pinsan tayo at yun nga ulitin ko ulit kaya ako na ang pinapunta ni Kuya kasi importante nga daw ang Business Proposal na nilapit ni Marcus sa amin...and I'm here to discuss it with Marcus" baling ni Kuya Bernard kay Maya ko.
"Wait lang Mr. Dela Rama, I just talk to my Wife" ani Maya dito at hinawakan ako papalayo sa tatlo.
"Maya why may secret ka bang sasabihin sa akin?" Nanlaki ang mga mata ko at napapalakpak pa.
Umiling ito.
"No Art....dissapointed ako sa iyo Artemis"
"Ha? Dissa? Pizza?" Naguguluhan talaga ako sa salita na yun.
"No...What I mean is Artemis say sorry sa kapatid mo hindi na yun maganda na nakakasakit ka na, di kayo dapat nagkakasakitan magkapatid kayo"pangaral nito.
"Pero....yung first di ko yun kasalanan talaga kasi you know yung egg lumipad papunta sa dress nya tapos sumunod yung mga jolens ko ayaw nilang maiwan kaya ayun pati sila nipatid at nidulas ang mga feet ni Sam Sam...It's not my fault Maya!" Pakiwanag ko dito.
Napahilamos ito ng mukha.
Mukhang kulang pa yata ang mga pinaliwanag ko wait...dagdagan ko pa palang idagdag....
"Tapos sabi nya may utang daw ako sa kanya" nanlalaki ang mga mata ko na hinawakan ito sa braso.
"Maya wala akong pera pambayad bayaran mo muna sya pleaseee!""Okay...." umiling ito na kinapanic ko.
"No Maya kailangan bayadan ko si Sam Sam kundi magagalit na naman sya sa akin!" Tinantang ko ang braso nito.
"Artemis don't mind it and just reflect your sin----"
"Ayaw!" Napasimangot ako at nagmamartsang lumayo dito.
"Artemis wait san ka pupunta?!" Habol na tanong nito.
"Sa malayo ...." anang isip ko.
"Sa playroom lang po!"Kailangan ko ng bayadan si Sam Sam, mukha kasing galit din kasi si Maya sa akin dahil nagkautang ako eh alam ko wala naman akong inuutang kay Sam Sam tapos ngayon meron na?
May pagka ewan din ang kapatid ko eh!
Tapos nisumbong pa nya si Maya galit na tuloy si Maya sa akin?! Sukat sa naisip ko ay nagmamadali akong lumabas ng gate.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero kailangan ko na makahanap ng pera para di na magalit sina Sam Sam at Maya sa akin.