Napahinga ako nang malalim pagkakita sa mga paperworks na dapat ko pang gawin pero muli ulit akong napatingin sa orasan at nakita ko na isang oras na lang bago mag ala singko nang hapon.
Kailangan ko nang makaalis nang maaga at bumili nang pasalubong para di na mangulit si Artemis sa akin pag inuwi ko ang trabaho ko sa bahay.
No choice naman kasi ako napailalim ang mga importanteng papeles na ito sa tambak na mga dapat kong basahin, suriin at pirmahan kaya eto kailangan na magdusa.
Bago pa mag four thirty ay umalis na ako at pumunta sa mall para makabili nang laruan sa toystore na paborito ni Artemis nang may mamataan ako na dalawang tao na pamilyar sa akin.
Bumagal ang paghakbang ko kasi parang sumikip ang Dibdib ko sa masayang tanawin sa harap ko.
Sina Sebastian at Samantha magkayakap at nagtatawanan pa habang nakapila sa may sinehan tila manonood yata silang dalawa.
Ang sakit at kirot sa dibdib ko nandun pa din pero di na kasing sakit nun dati marahil dala nang tanggap ko na na di naman talaga ako ang gusto ni Samantha kundi si Sebastian dangan lamang ay napilitan ito na pakasalan ako para mapasaya ang mga magulang nito pero sa huli nanaig pa din ang damdamin nya at kanyang sinunod.
Habang ako... Heto kasal sa kakambal nya...
Pwede ko bang sabihin na miserable ako ngayon at naaawa ako sa sarili ko?Napunta ako sa sitwasyon na kailangan ako ang pirmeng nagbibigay....nagpaparaya....
nagkukunwaring masaya kahit hindi naman,
Na ngumingiti ako kahit na gusto ko nang magwala kasi nasasaktan ako pag nakikita ko sina Seb At Samantha na masaya...Life is unfair...
Kasi sa mga romance novel at movie madalas ang theme ay love at first sight at madalas ang dalawang protagonist na unang nagkakilala at nagkaibigan sa bandang huli ay nagkakatuluyan pero bakit sa amin ni Samantha kabaligtaran ang nangyari?
Fate is teasing me....
Napakurap at napatungo na lang ako nang wala akong makapang sagot sa utak ko.
At nang muling tinapunan ko nang tingin sina Seb at Samantha ay wala na sila sa kinatatayuan nila marahil nakapasok na sila nang sinehan.
Muli napabuga na lang ako nang hangin at nagsimula nang maglakad ulit papunta sa Toystore para ibili nang pasalubong ang Asawa ko....
I want to give up but I can't I have Artemis to mind and care...
With her at my side I feel alive,
I feel that I still needed...
I feel that I'm still Important.....-------------------
"Maya pasalubong?" Malaki ang ngiti na agad na salubong ni Artemis sa akin.
Napangiti naman ako at nilagay sa nakalahad nyang mga palad ang coloring books na nabili ko.
Awtomatikong napasimangot naman ito pagkakita sa pasalubong ko kaya natawa ako nang mahina dahil napagtanto ko na di nya nagustuhan ang pasalubong ko sa kanya.
"Eh Maya coloring tooks ayaw ko nyang Maya boying naman yan kuyay kuyay lang gawa ko upo upo pa sakit puwet ko ayaw ko nyan ayaw ko nyan" angal ni Artemis sa akin.
Napakamot na lang ako nang ulo at napailing.
"Sorry Artemis pero kasi wala pang bagong laruan akong nakita sa toystore halos lahat nabili ko na itong mga coloring books na lang ang bago dun kaya eto ang binili ko na lang" nakangiting ginulo ko ang buhok nito. "Next time na lang Artemis ako bibili nang laruan mo promise" pangako ko dito.
Nakasibing tumango ito sa akin.
"Okay lang Maya peyo Maya di lang laruan nabubuhay Art pag walang new toys bili ka na lang cakes tapot ice cream gusto ni Art yun kahit nuuulit mo pa bili di sasawa Art" anito na kinatawa ko nang malakas.
"Fine tatandaan ko yan,anyway dun muna ako sa library kasi kailangan na tapusin ko ang mga paperworks ko para bukas iba naman ang maasikaso ko okay lang ba?" Lumabi ito at tila nag isip pa bago nakangising tumango.
At di ko gusto ang pagkakangisi nya.
After namin kumain na dalawa ay agad na nagpunta ako sa library para tapusin na ang nakabinbin kong trabaho.
Ang buong konsentrasyon ko ay nakatuon sa mga binabasa ko nang walang anu ano'y pumasok si Artemis na umiiyak.
Ewan ko lang kung totoo yun madalas kasi nagkukunwari lang si Artemis na umiiyak pag may gustong makuha.
"Maya bunggo ako hagdan look oh bukol na" anito pero di ako lumingon dito.
"Punta ka na lang kay Manang palagyan mo nang Ice yan para mawala" utos ko dito habang sinasalansan ko ang mga papeles na hawak hawak.
Naramdaman ko na lang na lumabas na ito kaya tumayo na ako para buksan ang computer nang muling pumasok si Artemis.
"Maya wala Yaya sa kitchen ako na lang kuha nang Ice pero nung aabot ko na hulog ulo ni Art box nang frenchfried sakit ulo Art" angal nito.
Napabuntunghininga na lang ako pero di ko pa din ito nilingon.
"Baka nandun sila sa may dirty kitchen at kumakain sige na Artemis busy ako" pagtataboy ko dito.
Muli naramdaman ko na lang na lumabas na ito nang library kaya naman sinimulan ko nang mag type sa computer nang muling pumasok si Artemis this time umiiyak na sya talaga na pang totoo na pero di pa din ako lumilingon.
"Maya wawa Art dulas Art papunta kitchen untog ulit Art pelo sa mesa na Maya may bukol na Art kapa ko na" umiiyak na sumbong nito sa akin pero tuloy pa din ako sa pagta type.
"Pumunta ka na ba sa may servants quarter baka nandun sila at nanonood" pagtataboy ko dito.
Nagulat pa ako nang madinig ko ang malakas na paglagabog nang pintuan mukhang napalakas ata si Artemis sa pagsasara.
Pinagkibit balikat ko na lamang ito at muling tinuon ang pansin sa ginagawa ko kasi patapos na naman ako kaya minadala ko na.
Inaayos ko na ang mga papeles na nai scan ko bumukas ang pinto at muling pumasok si Artemis saka binato ako nang hawak nyang coloring books.
"Aww! Ang sakit nun Artemis bakit ka ba namamato?" Nakangiwing angal ko dito.
"Mamili ka Maya si Art o si Kommuter pili ka pag pili mo kommuter babato ko sya swimming pool pag ako bati na tayo Maya di na ako galit" nakataas ang ulo na sabi nito.
Ang tagal kong nakatanga sa kanya bago mag sink in sa utak ko ang mga pinagsasasabi ni Artemis.
Napailing na lang ako at napatawa nang malakas saka lumapit kay Artemis at niyakap ito.
"Syempre mas pipiliin ko si Artemis kasi mas mahalaga sya sa akin kaysa sa computer" wika ko dito.
Dagling nagliwang ang mukha nito at sa pagkagulat ko ay dumampi ang malambot na labi nito sa labi ko na ikinakabog nang malakas nang dibdib ko.
"kay tera na ligo na Art baho na Art kaya gusto ko ligo ako ni Maya" anito sabay hila sa kamay ko.
"Ha? T---teka sandali---" pero wala na akong nagawa kundi ang sundin sya.
At muli ako na naman ang nagpaligo sa kanya.....