"Maya...." napangiti ako sa pagtawag ni Artemis sa pangalan ko.
Alam ko na ang susunod nito.
Muli mangungulit na naman ito sa akin at magtatanong ng mga bagay bagay na di ko alam kung papaano ipapaliwanag na hindi ito mahihirapan na intindihin.
Yes she have a body of a beautiful, gorgeous lady,
But a mind of a seven year old,And apparently she is my Wife...
"Yes?" Tumitig ako sa repleksiyon naming dalawa sa salamin.
Saka muling pinagpatuloy ang pagsusuklay ko sa mahaba at malambot na buhok nito.Ngumuso ito at nilagay ang hintuturo nito sa bibig nito saka marahan na kinagat.
Lihim na natigilan ako kasi parang may mga bulate na nagsirkuhan na naman ulit sa tiyan ko.
Lagi ko na lamang itong nararamdaman pag may mga ginagawa at kinikilos si Artemis.
"Pano gawa nang baby?" Tanong nito na kinatigas nang katawan ko at nagpamanhid sa kamay ko dahilan para mabitiwan ko ang hairbrush na hawak hawak ko.
Pagkalapat nang hairbrush sa malambot na carpet na lumikha ng ingay ay agad na natauhan ako at nagmamadali na pinulot agad ang hairbrush.
"Maya?" Nilingon ako nito.
"Ahm....b---bakit mo naman natanong yan Artemis?" Balik tanong ko dito at saka marahan na tumayo na at nakipagtitigan dito.
"Eh kasi....." Napakamot ito sa sentido nito.
"Auntie Bettina said the dork will deliver it na lang daw sa doorstep natin,Mama said naman na when two people love each other a baby is born kasi daw proof daw yun na they love each other and....." huminto ito at nilaro laro ang mga daliri nito."And?"
"I heard my Yayas the other day.....they were talking that sex is good, will take you to heaven but a protection is needed para daw wag buntis agad" nakangusong sabi nito.
"Di ba Maya ang buntis pag iningles pregnant, so saan ba gawa ang baby? San sya talaga galing?, lilito na si Artemis kakaisip Maya laki na ulo ko oh" turo pa nito sa sentido nito.Napatampal ako sa mukha ako at nakagat ko ang lower lip ko para di ako matawa.
Despite what she ask, I can't help but feel happy,
The way she say kasi yun ay nakakatawa and you can pick it up as silly jokes if you don't know Artemis and her condition.
I need to remind our maids to shut it their mouth.... sa isip isip ko na gagawin ko mamaya pag nakaligtas na ako kay Artemis at sa mga tanong nya na daig pa ang test paper sa sobrang hirap sagutin.
Nag iingat nga ako sa mga sasabihin at ikikilos ko sa harap ni Artemis tapos yun mga kasama ko sa mansion pa pala ang mangunguna sa kalokohan di man direkta pero ganun pa din ang resulta.
Nangunguna na dun yun kakambal nya.
Dahil sa nakita ni Artemis na ginagawa nila ni Seb sa may swimming pool ayun na curios ang Asawa ko at muntik na akong papakin.Mabuti na lamang at nakapagpigil pa ako dahil naisip ko ang sitwasyon at kalagayan ni Artemis.
Napatikhim ako at ilang saglit na nag isip kung papaano ko ipapaliwanag kay Artemis ang maselan na usapin na yun.
"Ahm...Artemis tama naman lahat yun mga sinabi nina Auntie Bettina at ni Tita Sabrina" umpisa ko at saka kinuha ang palad nito na nakapatong sa armrest ng kinauupuan nito at marahan na ginagap.
Di ko mailarawan ang damdamin na lumulukob sa dibdib ko pag napagmmamasdan ko ang wedding ring nya na kahit na makalat sya sa lahat ng mga gamit nya at pirme nyang nawawala....
Ang wedding ring nya ay laging nakasuot sa daliri nya maliligo man o hanggang sa pagtulog.
"And about what you heard the other day na pinag uusapan ng mga Yaya mo... well remember yung story na the flower and the bees na kinuwento ko sa iyo?" tanong ko dito na kagyat naman na tinanguan nito.
"Well... lahat nang yun tama kasi ahm....basta pag matanda ka na malalaman mo na din yun and next time don't eavesdropping that is bad manner Artemis" nahihirapan na paliwanag/pag iwas ko dito.
Pag tumanda na ang Isip mo.... bulong ko na lang.
Kumunot ang noo nito at tinaasan ako ng kilay na tila di naniniwala sa akin.
"Okay Maya..." sabi nito kaya naman tumayo na ako at saka marahan na pinat ito sa ulo pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad papunta sa bathroom.
Nang tawagin ulit ako ni Artemis na kinalingon ko.
"Eh what is Sex Maya masarap ba yun? Laro ba yun? Gusto ko yun! Maya gawin natin yun!" Sunod sunod na wika nito na kinagulat ko kaya naman di ko napansin na di ko pa pala nabubuksan ang pinto kaya naman pagkaharap na pagkaharap ko ay nauntog ang mukha ko sa pinto."Maya!" Narinig ko pa ang pagsinghap ni Artemis pero nagdidilim na ang paningin ko at naramdaman ko na lamang na natumba na ako at napatihaya na nang higa ako sa malambot na carpet.
buti na lang talaga malambot ang carpet kundi..... nagdidilim ang paningin na napangiti na lamang na ako at nawalan na ako nang malay....