San kaya ako makakahanap ng pera?
Sana makapulot ako ng pera sa road tapos uuwi na ako!
Kanina pa ako lakad lakad wala naman akong nararating!Tapos ang heels ko ang laki sakit na ng foot ko!
Kanina pa ako lakad ng lakad, uhaw na ako, gutom na ako,
Huhuhu....uwi na ako!
"Uwi na ako, Maya san ka na!" Sigaw ko sa kawalan habang nagpapahid ng mga luha ko.
You know bitch, hindi darating si Maya kasi hindi naman nya alam na umalis ka kaya dapat umuwi ka na! Natigilan ako sa biglang nagsalita.
Lumingon pa nga ako sa likod ko pero wala naman akong nakita.
Di kaya may Ghost! Agad akong nakadama ng takot.
I'm not a ghost, I want to go back and I want my husband! Muli ay may nagsalita na naman.
Yie, may ghost nga! Sukat sa isipin na yun ay mabilis na tumakbo ako nang tumakbo na nakapikit ang mga mata kasi baka makita ko yung ghost hanggang sa may maramdaman ako na matigas na bagay na tumama sa mukha ko.
"Aray ang sakit!" Naiiyak na kinapa ko ang noo ko na tila may namumuo nang bukol
Masama ang tingin na ipinukol ko sa bumangga sa akin na malaking poste."Ang bad mo nibangga mo ako!" Sigaw ko dito tapos binigyan ko sya ng isang flying kick.
"Huhuhu, sakit ulo ko!""Ayan ang bagay sa iyo, next time wag kang tumayo sa daan, you have to walk, it's healthy for the health, you know" nangingiting payo ko sa poste at naglakad na papalayo dito.
'''''''''''''''''''''''''''''
Kuh, Gutom na talaga ako! Himas himas ang tiyan na luminga linga ako sa kapaligiran ko at baka sakali ay makakita ako ng tree na may fruit tapos aakyat ako dun para manguha pero wala eh,
Puro mga malalaking house ang nakikita ko sa paligid ko.
Nakasibi na kinamot ko ang buhok ko, buti na lang at nakatirintas yun kundi mukha na siguro akong witch ngayon.
Akma na sanang maglalakad ako ulit ng makita ko ang likod ni.....
"Maya ko..." nanlalaki ang mga mata na akma ko sanang susundan ang lalaking nakita ko ng may bumangga sa akin dahilan para mapaupo ako sa malamig na semendo.
Nang mag angat ako ng tingin ay nabahala ako ng di ko na makita si Maya.
"Maya...." agad agad na tumayo ako at muling lumingap sa paligid ko.
"Maya!" Hindi na din ako nakatiis at isinigaw ko na ang pangalan nya.
"Maya....." nawawalan na ako ng pag asa nang makita ko muli ang likod ni Maya at nasa loob na pala ito ng malaking house na puro ilaw tapos madaming tao kaya naman nagmamadali akong sumabay sa agos ng mga taong papasok sa lugar na yun para mapuntahan ko na sya at makauwi na kami.
''''''''''''''''
Napangiti ako ng dahan dahan na makalapit ako dito at bago pa ito makapiglas ay niyakap ko ito mula sa likuran nito.
"Maya!" Tila nanigas bigla ang katawan nito.
Marahil nagulat ito kasi nakita ko sya!
"Miss sorry nagkakamali ka----" tinangka ni Maya nawalisin ang mga kamay ko na nakayapos na sa beywang nya na kinataranta ko.
"Maya sorry na di ko na uulit, di na ako maglalagay nang mga butike sa mga food di na ako maglalagay ng mga palaka sa stairs pati na holen at saka mga ants sa bed ni Sam Sam uwi ka na please" naiiyak na pakiusap ko dito.
"Ahm.....Miss nagkakamali ka nang kinakausap di ako si Maya na binabanggit mo" paliwanag pa nito na kinasibi ko at tuluyan ng naiyak ako.
Kasi bakit nya tinatanggi na sya si Maya?
Siguro...baka ayaw na talaga nito sa akin.
"Maya ikaw si Maya! Maya!" Niyugyog ko nang sunod sunod para maalala nya na ako.
"Teka Kenneth sino yang pinaiiyak mo?" Natigilan ako sa ginagawa ko kay Maya nun may lalaking lumapit at nagtanong dito.
"Ewan ko di ko naman sya kilala!" sagot nito na kinainis ko.
Mukhang kulang pa ang pag alog ko maulit nga!
"Maya bad ka ako to Asawa mo kaya ko!"
"Maya as in Bird" narinig ko na wika nun lalaki na inirapan ko lang.
"Mavix!" Tawag nito sa lalaki at naramadaman ko na lamang na pumagitna ito sa amin ni Maya at pinaghiwalay kami.
Tapos matiim akong tinitigan.
"Woah! Artemis ikaw ba yan?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa tanong nito.
Bakit kaya ako kilala ng panget na lalaking ito?
"I don't talk to ugly man at mukhang drug addict don't talk to me shoo shoo" pagtataboy ko dito pero di naman ito sumunod sa halip ay inakbayan nito si Maya at naupo pa sa tabi nito
"Di pwede Mahal ko kasi" anito tapos hinila pa nya palapit sa kanya si Maya. "Ang kay Kat Kat kay Kat Kat at ang kay Art Art ay di ko pa nga kilala at magagalit si Kat Kat kay Art Art pag nalaman nya na ang Asawa nya na pinakamamahal ay inaaangkin ni Art Art" paliwanag nito na kinainis ko kaya naman nagpapapadyak ako sa sahig.
"Di totoo yan Maya sya Maya loloko mo ako!" Angil ko sa lalakeng panget.
"Ay Ewan ko sa iyo Mahal ko nag amerika ka lang nag isip bata ka na" lumapit ito at pinatayo ako.
"Pero sya si Maya!" Giit ko dito.
"Kung sya si Maya eh di ako mismo ang magsasauli sa iyo kaso di nga sya at saka Asawa sya ni Kat Kat na friend natin eh di si Kat Kat naman ang iiyak pag inagaw mo sa kanya si Ken Ken gusto mo ba yun ha" paliwanag pa nito na at saka pinunasan nito ang mukha ko.
"Ayaw ko"
"Then tahan na hahanapin na lang natin si Maya baka nga hinahanap ka na nun at umiiyak na din yun kasi nawawala" anito na kinasigla ko.
Yehey makakauwi na din ako!
"Mavix nandito na kami woah Artemis!" Narinig ko na may tumili at ng lumingon ako ay nakita ko ang tatlo pang mga babae na papalapit sa amin nina Maya.
"Uy si Artemis nga oy Kat Kat oh" turo nun isa.
Kilala nila ako, pero hindi ko sila kilala?