"Wow ang anda mo naman Sam Sam san lamay?" Nakangiting tanong ko kay Sam sam pagkakita ko na magandang maganda ang suot nito tapos mukha s'yang payaso,
Kapal kapal kasi ng harina sa mukha ni Sam Sam mukha na syang espasol tapos ang pulam pula pa ng labi tapos ang sakit sa ilong nung pabango nya,
Yun damit din nya mukhang umurong, ang ikli kasi eh,Eh yan tuloy nagmumukha na syang clown.
Nilapag ko ang teddy bear na yakap yakap ko at lumapit dito para mas mabistahan ko pa ito ng malapitan.
"Pwede ba Artemis kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang!" Singhal nito sa akin at nakapameywang pa.
Napanguso ako at inirapan ito.
"Totoo naman Sam sam ah kala mo ba nagla lie ako? bad yun Sam sam, magagalit si God" wika ko dito.
Inikutan ako nito ng mga mata at saka tinalikuran ako.
"Whatever Artemis, just stop pestering me!"
Napakunot noo ako at inisip kung anung ibig sabihin nito.
"Pes---peste.... Sam Sam I know na! Wait lang!" Nagmamadali na pumunta ako sa may kitchen tapos agad na kinuha sa may huling cabinet malapit sa may sink yun baygon at bumalik agad kay Sam sam.
"Sam sam!" Nakangiti na tawag ko dito.
Agad na lumingon ito.
"What!" Nakatikwas ang kilay na tanong nito sa akin.
"This is what you need Sam sam!" Wika ko at mula sa likuran ko ay inilabas ko ang hawak ko at agad na inispray dito.
"Oh my God! Oh my God!" Nagtitiling tinulak ako nito.
At dahil sa nagulat ako ay napasalampak ako sa sahig.
"Damn you Artemis!" hinila nito ang buhok ko na nakapony tail lang.
"A---aray masakit!" Daing ko at pilit na hinahawakan ang kamay ni Sam sam na sumasabunot sa akin.
"Kahit kailan Artemis, magmula pa dati you always never ever fail to ruined everything for me!" Gigil na sabi pa nito."Masyado kang papansin kay Papa at Mama, sa mga kaibigan ko, and damn them they always choose you over me" dagdag pa nito na di ko alam kung anong ibig nitong sabihin.
Natural lang yun sina Mama At Papa pipiliin ako!
Hello anak kaya nila ako! Alangan naman na si Mang Temyong yun hardinero ang anakin nila,
Saka kaibigan?
May friend ba si Samantha na friend ko din?
Tatanong ko nga kay Maya ko pagdating nya,
Umalis na naman kasi si Maya at nagpunta kung saan hindi man lang ako isinama!Bad si Maya!
Lagot sya sa akin mam'ya!
Ramdam ko na ang pananakit nang mga anit ko.
"Samantha stop it!" boses ni Maya ko at ilang saglit pa ay naramdaman ko na na nakawala na ang buhok ko sa pagkakahawak ni Sam Sam.
"Maya!" Naiiyak na agad na yumakap ako dito.
"Maya sabunot ni Sam sam buhok ko, Maya!"Naggalawang ang mga muscles sa mukha ni Maya at sa tingin ko cute nya, crush ko na siya talaga....
--------------------
"Samantha how could you?" Nagtatagis ang mga bagang na tanong ko dito.
Kararating ko lang buhat sa pakikipag meeting sa kliyente at sakto nakita ko na sinasaktan ni Samantha si Artemis.
Nakakatakot isipin kung papaano kung hindi ako dumating,
Sino ang pipigil kay Samantha?
"So ano 'to kakampihan mo agad agad yan tatanga tangang isip bata na kakambal ko na yan at di mo man lang itatanong ang ginawa nya sa akin?" Napapalatak na dinuro nito si Artemis.
Mas lalo ko naman na niyakap ang huli.
Hindi ko mapapayagan pa na masaktan si Artemis.
"So what did my wife did to you?"
"She spray an insecticide to me Marcus!"sagot nito.
Di ko mapigilan na di mapangisi sa kapilyahan na nagawa na naman ng Asawa ko.
"Yun lang, nagawa mo nang saktan ang kapatid mo? Ikaw dapat ang magpasensiya because you know her conditions" sagot ko dito.
Kahit mali man ang ginawa nito ay wala pa din karapatan na manakit si Samantha.Di makapaniwalang napailing ito.
"Yun lang? Damn you Marcus at mas lalo ka na!" Nanggagalaiting tinangka ni Samantha na muling duriin ito pero iniiwas ko muli si Artemis.
"Magsama kayong dalawang tanga!" Yun lang at nagmamartsa na itong pumanhik sa itaas."Maya?" Ani Artemis at kinalabit pa ako.
"Hmm?"
"Bango na nga Sam Sam galit pa sya sa atin di ba dapat thank you ang sabihin nya? Kawawa naman si Sam Sam lumaki sya na eng eng" wika pa ni Artemis at inikot ikot ang hintuturo sa kaliwang sentido nito.
Di ko na napigilan ang sarili ko na di mapatawa ng malakas sa sinabi nito.
Nayakap ko ito nang mahigpit na lamang si Artemis.