Chapter 17

3.4K 111 7
                                    

"Artemis please behave okay?" Bilin ni Maya ko sa akin.

Nakasuot na naman kasi nung may kurbata katulad nang kay Papa kaya alam ko na mawawala na naman sya at pupunta dun sa malaking opisina.

"Artemis" muling untag ni Maya ko pero naiinis ako kaya iniripan ko nga sya.

Ako pa ang sasabihan nya nang behave?

Ang bait bait ko kaya pwede na akong putungan nang korona sa sobrang bait ko tapos bebehave pa ako?

Anu na lang matitira sa akin?

Maganda ako matalino mabait tapos bebehave pa ako.

Hmmp! Ang saya naman ni Maya pag pinagbigyan ko sya sa gusto nyang mangyari.

"Artemis please makinig ka naman sa akin" nagulat pa ako nang hawakan nang dalawang kamay nya ang balikat ko.

Napalunok ako kasi parang may umikot ikot nang butike sa tiyan ko.

Napatitig tuloy ako sa mukha nang Maya ko.

"Please Artemis magpaka behave ka at wag mo nang gawan nang kapilyahan ang kapatid mo" ewan ko pero nainis ako bigla kay Maya.

Gusto nya behave ako kay Sam Sam.

"Peyo Maya!" Tangka ko sanang umayaw pero yung isang daliri nya nilagay nya sa bibig ko di ko naituloy yun mga sasabihin ko pa.

"Para din sa'yo Artemis kasi di ako mapapalagay sa trabaho ko kakaisip na baka gawan mo na naman nang..." napailing ito saka napabuntunghininga.

"Listen Artemis play with Manang and to the other maids but not Samantha okay....wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka sa galit nang kapatid mo pag nilambing mo naman sya at dahil dun di ako mapapalagay at baka maapektuhan ang trabaho ko at magkamali mali ako gusto mo ba yun ha?" Umiling ako dito kaya ngumiti ito at hinaplos ang pisngi ko saka hinalikan nang lips nya ang noo ko.

Pagkatapos ay hinawakan nya ang baba ko.
"Then behave and I promise to you uuwi ako nang maaga para makapaglaro tayong dalawa" pangako nito.

Nagliwanag ang mukha ko sa nadinig ko at niyakap ito.

"Otay bait na Art Art batta uwi aga Maya tapot laru tayo dalwa" natawa naman nang mahina ito at hinaplos haplos ang buhok ko.

Pagkatapos nun hinatid ko na sya sa kotse at kumaway pa ako sa Maya ko hanggang makalabas na ito sa malaking gate.

Nang mawala na ito sa paningin ko ay lakad talon ang ginawa ko pabalik sa house namin.

Natigilan ako pagkakita ko agad kay Sam Sam na may hawak hawak na baso na may lamang juice.

Nilapitan ko agad ito.

"Good Morning Sam Sam" nakangiting bati ko dito.

Umirap ito sa akin at saka ako tinalikuran.

Nainis tuloy akong bigla pero naalala ko ang bilin ni Maya sa akin kanina.

"Artemis Behave" yun ang bilin nya at nangako ako kaya wala tuloy akong choice.

Kaya di ko na lang pinansin si Sam Sam sa kaartehan nya.

Kasi nga tulad nang bilin ni Yaya ko Igalang ang mga matatanda kaya pakialam ko kay Sam Sam.

Pupunta na sana sa garden para manghuli nang butterfly nang may biglang mga strong arms ang humawak sa waist ko tapos may basang skin na dumapo sa face ko na kinagulat ko kaya naman mabilis na humarap ako dun tapos nanlaki na lamang ang dalawang eyes ko nang may nag dampi nang basang skin sa lips ko.

Nanlalaki pa din ang mga mata ko alam ko malapit na akong magmukhang freak kasi feeling ko luluwa na ang mga eyeballs ko sa mga eyes ko tapos na froze pa ako at di ko alam ang gagawin ko.

May Face na nakapikit tapos nidadampi nya yung basa nyang lips sa lips ko.

Nadinig ko na lang na may nabasag na glass kaya natigil yung pag kiss nun Mama tapos sabay pa kaming napalingon kay Sam Sam na ang puti puti na nang face mukha na syang ghost promise.

"S---seb why are you kissing Artemis?" Tanong ni Sam Sam dito sa lalaking nakahawak pa din sa waist ko.

Nangunot ang noo nun Guy tapos nagpalinga linga pa sa amin ni Sam Sam mukha na syang sira.

Sarap matawa promise kaya lang bad yun sabi ni Tita kaya di ko na lang gagawin.

Lumapit na sa akin si Sam Sam tapos pinaglayo kami nung Guy na tanga tapos nun niyakap nya ito at kumuha nang tissue paper tapos pinunasan yung lips ni tangang Guy.

Nag crossed arm na lang ako sa kanilang dalawa.

Naiinis kasi lalo ako kasi yung pagpunas nya nang lips ni Tangang Guy para na din nyang sinabi na may germs ang lips ko eh kaka toothbrush ko lang kani kanina.

"Are you Seb----"

Seb? Hmm....parang familiar sya sa akin.

Napapitik ako nang daliri ko nang maalala ko na nakita ko na pala sya.

Tama! Sya yung Guy na pinsan ni Maya ko!

"I'm sorry akala ko ikaw sya napagkamalan ko sya na ikaw" namumulang sabi ulit nung tangang Guy kay Sam Sam.

"May eyes kasi di naman ginagamit tanga tanga lang" bulong ko.

"Halika na Seb sa loob tayo may nakahanda nang breakfast kumain ka muna" yaya ni Sam Sam dun sa tangang Guy.

Tapos pumasok na sila sa house at naiwan muli ako sa labas nang house.

Hmm.....Seb pala name nya kaya itatawag ko sa kanya ay Seb na tanga.
Tama.....Tama Seb tanga.... napahagikhik tuloy ako sa naisip ko.

Pero nang maisip ko ang ginawa ni Seb Tanga na pagdampi nang yucky nyang lips sa lips ko ay napadura ako tapos pumunta ako sa may swimming pool saka tumalon dun nang mabasa na ako ay umahon agad ako tapos pumunta ako sa itaas papunta nang kwarto namin ni Maya at pumasok at agad na hinagilap ang Alkohol tapos kumuha ako ng bulak at pagkatapos na mag apply sa bulak ay pinahid ko na sa lips ko at nang masiyahan ako pumunta naman ako sa bathroom at kinuha ang toothbrush at saka nagsepilyo nang ngipin ko.

Nang matapos na ako sa pagsesepilyo nang mga ngipin ko ay pumunta naman ako sa may Cabinet para kumuha nang damit para pagkatapos kong maligo ay makapagpalit na ako nang makarinig ako nang malakas na sigaw ni Sam Sam.

Kaya naman agad akong napatakbo sa may pinto at sumilip at kitang kita ko si Sam Sam na nakadapa sa floor na basa at inaalalayan patayo nina Yaya..


"Ooopppsss....." dahan dahan na muli kong sinara ang pinto tapos nagtuloy na agad ako sa shower room para maligo.

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon