*** UTOS #17 ***

563 7 0
                                    

.Her POV.

Hi. Ako si Aya Saavedra na ngayon ay Aya Delos Reyes na. Aged 22.

Occupation: Personal Maid

Nakahiga ako ngayon at natutulog na sana pero may asungot sa peaceful sleep ko. Isang demonyito at purkit personal maid niya ako, kahit anong oras inuutusan niya ako. . . . tulad na lang ngayon.

2:15 am, binulabog ako ng isang lintik na walky-talky.

"Aya. . . . Aya. . . .", Paulit-ulit ang nasa kabilang linya at halatang antok ang tono ng boses niya.

Inaamin ko, nung una, natakot ako. Ang creepy kaya! Madilim tapos may tumatawag sa pangalan mo at ang background music pa ay yung parang nagtutuning na radyo! Pero natauhan din naman ako.

"Aya. . . . . . Nnn, panget!", Kainis! Natutulog na yung tao eh, ginigising pa! Konting-konti na lang magiging zombieng kwago na ako! Hindi kasi ito ang unang beses na binulabog niya ang tulog ko para lang sa mga walang kwentang utos niya.

"Bakit na naman? Tatae ka? Pwede ba, malaki ka na para ako pa ang maghugas ng pwet mo ah.", Antok na antok kong sabi sa kanya.

"Pumunta ka na lang. Dali---"

*sigh*

Okay lang, Aya. Mabilis lang yun. Makakabalik ka rin sa naudlot mong tulog.

Pagkarating ko sa kwarto niya, hihingi lang pala siya ng tubig! Ay sos, yon laang pala eh! So, agad akong kumuha ng isang basong tubig pero pagbalik ko sa kwarto niya, tulog na ang kumag. Magaling! Talagang napakagaling! Napabuntong-hininga ako at nagdesisyon na lang na imisin ang mga nakakalat niyang damit sa sahig. Ano bang ginawa nito at nagkalat nang ganito ang mga damit niya? Hindi naman siya siguro nag-uwi ng babae dito.

Anyway, habang nagliligpit ako ng konti, sa sobrang antok ko siguro'y nakatulog ako.

*chirp*

*chirp*

*chirp*

Nagising ako sa sikat ng araw na tumagos sa bintana ng kwarto at dahil may something wet akong nararamdaman sa daliri ko. Minulat ko nang konti ang mga mata ko at bumungad sakin ang isang pares ng asul na mga mata.

"Woof woof!"

"Ah, ikaw pala Mao. . ."

Few seconds, tuluyan nang nagising ang antok kong mga mata. Nanlaki bigla ang mata ko. Hindi ko kwarto 'to. . . . . (--__--)zZ ---> (O.O)

"T-Teka, san 'to?", Tanong ko sa sarili ko.

Iba ang kulay ng kisame. Wala ako sa kama ko. Nasa sofa ako which my room doesn't have. Andito si Mao. At higit sa lahat. . . . .

(--__--)zZ ---> (O.O) ---> (O///O)

Shit. Ano 'tong nakikita ko?! Nakatalikod na hubad si kumag at ngayon lang nagbibihis!

Uyy~~ Alam ko iniisip niyo. Napaghahalataang GM kayo ah! Half-naked lang naman siya. Pasensya na kung ganito ako ka-OA magreact ah. Dakilang V ako eh at ngayon lang ako nakakita ng ganito. May saplot naman yung babang part niya pero towel nga lang yun. TOWEL lang ah!

"San pa? Edi sa kwarto ko."

". . . . . .", Tiningnan ko siya pati ang sarili ko and then, "HAAA!!!"

I cried out loud. Pinalibot ko ang mga braso ko sa katawan ko at saka tumingin ng masamang-masama sa kanya. Humarap siya sakin na may annoyed look.

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon