*** UTOS #39 ***

374 4 0
                                    

.Her POV.

10am, nagising ako sa ingay ng mga sasakyan sa labas, dagdag pa ang tik-tilaok ng manok. Chineck ko ang cellphone ko sa walang kadahilanan, nasanay lang siguro ako sa palagiang pagtetext ni Kei sakin ng "Good morning" o kaya "Hi/Hello".

*sigh*

Pero ngayon, ilang linggo na rin ang nagdaan, wala na akong natatanggap na kahit anumang text mula sa kumag na yun. Itapon ko na lang kaya 'tong cellphone ko?

*BZZZT BZZZT*

"Ay kalabaw!", Dali-dali kong tiningnan ang nagva-vibrate kong cp. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit parang agad kong sinagot ang tawag niya.

~~~~ PHONELINE ~~~~

"Hello?", Kunwari asar ang tono ko.

[ Hello, Aya? ]

"Napatawag ka? Ang aga-aga?"

[ . . . . Nasan ka ngayon? ]

"Nasa trabaho ako ngayon. Wag kang istorbo.", Okay, nagsinungaling ako, pero ayoko lang kasing ipaalam sa kanya kung nasan talaga ako. . . . . para kasing may masama akong kutob sa tanong niya. (--__--")

[ Okay, I'm coming to get you. ]

"HA?! Wag---"

~~~~ BEEP BEEP BEEP ~~~~

Sinasabi ko na nga ba eh! Tama nga ang kutob ko. Tsk, ano na naman bang kelangan niya? Pero teka, hindi naman niya ako makikita sa trabaho ko kasi wala ako dun. . . . Hahaha! Ano bang pinag-aalala ko eh nandito ako sa apartment ko, hindi naman niya alam kung saan 'to. Haha! >:D

**** 1.5 hours later ****

Sssssssheeeeems! ANO BANG GINAGAWA KO?! (O.o)"

Yeah right, napunta ako sa tapat ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko, pero syempre nagtatago ako. Secret agent ang peg eh. Tsss. . . .  Ano ba kasing kelangan sakin ng mokong na yun? Wait, is he going to tell me na nasabi na niya kay Haru ang tunay kong pagkatao? :D Pero. . . . . anong naging reaksyon ni Haru?

"Aya?"

"Huh?", Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko. "Kuya Rein! Long time----"

"Anong ginagawa mo dyan sa poste?", Nagtatakang tanong niya habang titig na titig sa akin.

Oh sheez!!! Nagtatago nga pala ako! Mamaya baka makita na ako ni Ke---- waaaah!! Paktay ka diha! Nakatingin siya dito! Nakita na nga niya ako! Namaaaan! I better escape. Hello commander, this is agent Palyado, aborting mission. Urgh, ang malas namang talaga ng timing ni kuya Rein eh! Teka, san ako pupunta? San ulit ako magtatago? (>___<)"

"Oy.", Waaah, papalapit na siya! Dali-dali akong tumakbo papalayo pero hinahabol pa rin ako ni Kei. "OY! AYA!", Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo pero napatigil niya ako nang sabihin niyang. . . . . "AYA SAAVEDRA!!", Ngayon ko lang ulit narinig ang tawagin ako sa pangalang yun. Yamot akong humarap sa kanya habang tinititigan siyang tumatakbo papalapit sakin.

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon