*** UTOS #29 ***

451 12 1
                                    

.Her POV.

B U Z Z !!    B U Z Z !!

"Hmm?", Nagvavibrate ang cellphone na binigay ni kumag. At pagtingin ko. . . .

~~~~~ YOU HAVE 1 NEW MSG ~~~~~

Fr: Kei (kumag)

Da sun is up!

What a beautiful morning. . . pero wla ng mas ga2nda p s taong nagba2sa nito. . . hehe

Morning Aya! >:D

~~~~~~~~~~~~~~~

Talaga namang ang aga-aga nambubulabog agad. Ang korny pa ng text. Psh. . . . . Nambola pa. Sigurado akong RECYCLE na ang message na to ---- marami nang pinagdaanan!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pero bakit ako napapangiti?! (O.o) GAAAAH!! Hindi pwede to. . . .  Ang korny-korny kaya, so bakit ako matutuwa? Letsugas!! Iling-iling. . . . *sigh*

Habang naglalakad ako sa corridor ng 2nd floor, nadaanan ko ang kwarto ni kumag. Napasilip ako at nakita siya. Ngumiti siya sakin --- yung pilyo pero cute. At omaygulay, nagmamadali akong umiwas bigla! Bakit ko ginawa yun??

"Magandang umaga, Chief!", Bati ko kay Chief Maid na bumababa din ng staircases.

"Oh, good morning, Miss Delos Rey---"

"Morning, Chief!", Pagkarinig ko ng boses na yun, dali-dali akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina. Alam kong nagtataka si Chief. Anong magagawa ko eh biglang nagmadali yung mga paa ko? Pasaway na paa ito eh! (>__<)

Nung oras na ng almusal, habang pinagsisilbihan ko sila Kei at Lili sa hapag kainan, nabanggit ni Lili ang Christmas Shopping week.

*snap fingers* Tsk! Oo nga pala! Almost Christmas na!! Ano kayang gagawin ko sa araw na yon? (-__-)

"Kei, let's go SHOPPING~!", Bakas sa tono ni Lili ang excitement.

"Ipagawa mo na lang yan sa mga maids. Isa pa, masisira lang ang balat ko sa lamig sa labas noh.", Sabi naman ng kumag na 'to. Hindi talaga marunong bumasa ng tao eh.

"Ehh?? Isn't it supposed to be me who should buy gifts since I'm the one giving it? I hate you Kei! Hmph!", Nagmukmok tuloy si Lili. Haay nako, kapag patuloy kong pinanood ang eksena nilang dalawa baka lalo akong mainis.

"Pwede kitang samahan, Lili.", Napatingin siya sakin bigla saka ko siya nginitian. Nagliwanag naman ang itsura niya sa sinabi ko. :)

"Really?"

"Hind---", Alam kong sasabihin to ni Kei kaya sinapawan ko siya. Hm!

"Oo naman! Sinong nagsabing hindi pwede?", Patuloy akong nakangiti kay Lili.

"Ako---", Sasabat na naman ang bruho na ito.

"So? Go na tayo?", Baling ko kay Lili.

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon