Guys, sorry for the late update.
Dito nagsisimula ang pinakakwento...
Yung mga nauna ay nakaraan lang. Eto ang simula. Sana magustuhan niyo..
------------------------
.Her POV.
------- 5 Years After -------
Year xxxx.
5 taon na ang nakakalipas ng maulila ako. 1st year college palang ako nang mawala ang pamilya ko. Noong una'y hiindi ko akalaing sa pag-uwi ko galing America, ang sasalubong sa'kin ay mga bangkay nila ate, Papa at Mama.
Marami na ang nangyari pagkatapos ng malagim na balita.
~~~~~ FLASHBACK ~~~~~~~
"Huhuhuhuhu. . . . Mama. . . . Papa. . . .", Wala akong tigil sa pag-iyak.
Isang araw iyon ng mahamog at maulang panahon. Maraming tao ang naka-itim at ang iba ay patuloy na umiiyak tulad ko.
Lahat sila'y may dalang mga bulaklak ng puting amarylis at sa destinasyong kanilang pupuntahan ay may limang kabaong.
Narito ako, nagtatago sa pamilyang alam kong nais kunin ang mamanahin ko balang araw. I don't want them using my family's money for themselves. Kaya kahit gustung-gusto ko nang lapitan ang 5 kabaong ng aking nawalang pamilya, hindi ko magagawa.
Kasama ko ngayon ang loyal naming butler. Siya lang ang nakakaalam na nagtatago ako at siya lang ang nakakilala sakin kahit malaki ang pinagbago ng itsura ko.
"Miss Aya, oras na po. Hinihintay na po kayo ng lawyer ni Master Jun sa mansyon para sa Last Will and Testament."
"Opo, sige, umalis na tayo."
~~~~~~ END OF FLASHBACK ~~~~~~~
"Aya, sa table #3 etong Chocolate Parfait!"
"Okay."
Ngayong 22 years old na ako, nagtatrabaho ako sa isang family restaurant.
Kung nagtataka kayo bakit narito ako kahit minanahan ako ng malaki ni Papa eh dahil binigay ko ang 1/4 ng mana sa mga mahihirap, Home For The Aged, at sa mga bahay-ampunan. The other 1/4 ay napunta sa mga paaralang pampubliko at ang natitirang 1/2 ay para sa pag-aaral ko noon.
Nagtapos ako sa isang public university.
Hindi ko gustong i-succeed ang kompanya ni Papa. Hindi naman sa ayaw ko, pero kasi I'm not really into business at ayoko namang sirain ang pangalan ng kompanyang pinaghirapan ni Papang buuin dahil lang sa pagka-incompetent ko. Right now, ang tanging magagawa ko lang ay work hard at tumayo sa sarili kong mga paa.
Wala na ang mansyon at 5 taon na ang nakalilipas nang huli kong makita ang loyal butler namin.
Now, I'm on my own.
Pero stable naman ang buhay ko. I've got 2 part-time jobs (talyer at convenience store) at 1 regular job (family restaurant).
Hanggang sa. . . . .
"Yo, sexy!"
*witiwiw*
"Snob si sexy oh. . . "
"Uy, gusto mo bang magkita mamayang gabi sa ---"
"Shut up, idiots!"
Natigilan ang lahat ng nandoon sa restaurant.
BINABASA MO ANG
Pretty-Ugly
Teen FictionIto'y tipikal na kwento ng isang PANGET. Si Aya Saavedra, 22 y/o, ay laki sa yaman pero sa kabila ng yaman na yun ay ang "di kanais-nais" niyang itsura. Pero paano kung nawala na sa kanya lahat ng yamang yun? Ano na lang ngayon ang tingin sa kanya...