*** UTOS #37 ***

384 11 3
                                    

.Her POV.

"Hey."

Tinawag niya ako nang may ngiti sa mga labi. Naalala ko tuloy nung mga panahong magkasama pa kami at naipapakita niya sakin ang ganyang ngiti.

 

"Oh. . . Uh, hi.", Pabalik na bati ko naman sa kanya.

"What're you doing out here? Bakit hindi ka kumain doon sa loob?", Tanong ni Haru sabay upo sa kahoy na bench katabi ko.

"Ah, eh, ang ganda kasi ng view dito. Parang ang sarap kumain habang nakatingin ka sa buwan eh."

"Hmm. . . Oo nga, ang ganda nga ng buwan.", Napatingin ako sa kanya at lihim na ngumiti habang siya naman ay nakatingin sa langit. Saglit na nagkaron ng katahimikan sa pagitan namin. Walang umiimik, parehong nakatingin sa itaas hanggang sa magkwento siya. "Kapag tumitingin ako sa buwan, naaalala ko ang isang pangyayari noon. I was watching two kids, a boy and a girl, watching stars together in a rose garden. Napapangiti ako everytime na naaalala ko yun kasi ang cute nilang tingnan na magkatabi at nagkakatuwaan. Kaya lang, it did not end up well.", Kasabay nang pagtatapos ng kwento niya, nakita ko ang down niyang expression.

"Bakit naman?"

"Nagkagalit din sila sa huli. Sobrang nagalit yung batang lalaki tapos iniwan niyang nag-iisa at umiiyak yung batang babae.", Nanahimik ako sa kwento niya. Hindi ko na tinanong ang dahilan nang pagkakagalit nila dahil naisip kong baka away-bata lang ang nangyari. Ilang sandali, ako naman ang nagkwento.

"Ako naman, may naaalala din kapag dumarating ang gabi.", Pagsisimula ko sa kwento na nakakuha ng atensyon ni Haru.

"Ano?"

"Naaalala ko yung pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Nung isayaw ako ng lalaking gustung-gusto ko nung mga oras na nalulungkot ako't umiiyak.", Kasabay nang pagkukwento ko, tumingin ako kay Haru na nakatingin sakin at nakikinig. Umaasa akong naalala niya pa ang pangyayaring yon at makilala niya ako pero nginitian niya lang ako at gustong ipagpatuloy ang kwento. Umiwas ako ng tingin at hindi na tinapos ang kwento.

"Hanggang doon na lang yon?", Tanong niya. Tumango-tango lang ako senyales na sinasabi kong 'oo'. Mukhang nabitin siya. "Anyway, alam ko na ang lahat."

Nabigla ako sa sinabi niya. Alam na niya ang lahat? Anong alam niya? "Huh?"

"You are Kei's personal maid, right?"

"I used to be pero nagresign na ako.", Tumungo ako, malungkot sa pag-aakalang kilala na niya ang tunay kong pagkatao.

"Bakit ka naman nagresign?", Gulat niyang tanong.

"Masama ugali niya. Arogante at mayabang. Gusto niya lahat ng bagay susunod sa kanya. At isa siyang malaking ugok.", Nakasimangot kong sinabi pero natawa si Haru. Bakit siya tumatawa?

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon