.Third POV.
Middle of January. Year xxxx.
Sa klase nila Aya, biglaan ang pag-aarrange ng seating arrangements. Marami ang nainis, marami ang nagreklamo pero marami naman ang natuwa kasi katabi na nila ang mga crush nila.
At sila Aya at Haru? Naglalandian na --- ah este, nagkakatuwaan na. Mas close na yata sila ngayon.
"Haru! Galing ako sa Principal's Office, pinatatawag ka doon."
Isang classmate nila ang tinawag si Haru.
"Ah, sige. Thanks."
.Her POV.
Hayy~ January na. 2 months more at Graduation na naming mga 4th year highschool kaya naman sinusulit ko na ang mga araw ko dito sa St. Nichola Univ.
Pero. . . I have one worry.
Pano kung pagdating ng college eh magkahiwalay na kami ni Haru? Pano kung hindi na kami magkikita ulit?
No! Hindi, hindi, hindi! Hindi mangyayari yun! Let's not think about it anymore.
"Hi, Aya."
"Ah, hello, Haru.", Magkatabi na kami!
"So we're seatmates now, I guess. Let's get along, okay?"
* blah blah blah blah *
Si Haru ang kaisa-isa kong kaibigan sa classroom. These past few years, nagbago ako physically. And so does Haru. . . . mas gumwapo, mas tumangkad, at naging mas mabait at gentleman siya. Parang naging matured siya in and out.
Habang nagsasalita siya ngayon sa harap ko, hindi ko mapigilang matulala sa kanya. Para talaga siyang prinsipe --- ang aking prinsipe!
Ok, tama na 'yang hallucination!
"Ah, Aya, tinatawag ako sa Office. M-Mamaya ko na itutuloy ang sinasabi ko kanina. Antayin mo ako ha. See ya!"
![](https://img.wattpad.com/cover/1834774-288-k197276.jpg)
BINABASA MO ANG
Pretty-Ugly
أدب المراهقينIto'y tipikal na kwento ng isang PANGET. Si Aya Saavedra, 22 y/o, ay laki sa yaman pero sa kabila ng yaman na yun ay ang "di kanais-nais" niyang itsura. Pero paano kung nawala na sa kanya lahat ng yamang yun? Ano na lang ngayon ang tingin sa kanya...