*** UTOS #38 ***

349 6 0
                                    

.His (Haru) POV.

 Excited na akong umuwi sa Pinas. Matagal-tagal din akong hindi nakauwi doon. Kumusta na kaya si Kei? Sila Chief?

 

 

I wonder if SHE's doing fine there, too. Nahanap na kaya siya? Sana oo. Sana makita ko siya sa saglit kong pag-stay sa Pilipinas.

 

 

 

Sa pagbalik ko, naghanda ako sa hotel na tinutuluyan ko pansamantala --- birthday kasi namin ni Kei. Actually, isusurprise ko siya. Dati kasi nung birthday namin, hindi ako nakakauwi madalas sa Pinas dahil sa dami ng gawain at problema sa kompanya sa Italy, so ngayon, I know hindi na ineexpect ni Kei ang pagdating ko pero ang hindi niya alam, umuwi na ako ng Pinas. Baka kasi magtampo ang kakambal ko hahaha! xD

 

Anyway, buti na lang at masquerade ang theme ng party namin. Nakamaskara akong pumasok sa venue ng party. Walang ni isang nakakakilala sakin doon. Ilang saglit, habang umiinom ng cocktail drink, nakaramdam ako ng pangangailangang pumunta ng CR. You know, I need to pee. :D So nagpunta ako pero sa di inaasahang pangyayari, nagkabungguan kami ng isang babae. Unang tingin ko palang sa kanya, kahit nakamaskara, siguradong maganda siya. Saglit na saglit ko rin siyang pinagmasdan at pansin kong sobrang bumagay sa kanya ang puti niyang gown na may itim na laces lalo na ang nakataas niyang buhok na may konting mga nakalaylay sa may tenga niya.

Tinulungan ko siyang tumayo at chineck baka napano siya, "Are you alright miss?" Hindi siya sumagot; naisip kong baka hindi niya ako narinig, "Miss? Nabasa ka ba?"

"A-Ayos lang ako. Thanks."

"Sigurado ka?", Paninigurado ko kaso medyo natawa ako nung mapansin kong parang matutunaw ako sa titig niya. Is she checking up on me? xD "Haha! Are you interested in me? Matutunaw na kasi ako sa pagtitig mo eh.", Nakangisi ko siyang tinukso.

"HA?! Kapal mo din ah! Hindi ako interesado sayo! Hmph!", Pagtanggi niya sabay isnab sakin. Hahaha! Ito ang kakaiba sa kababaihan ng Pilipinas eh ---- they are pure and cute.

 

Hindi ko naiwasang tuksuhin pa siya dahil sa ka-cute-an niya kaya habang dali-dali siyang umalis papalayo sakin, "Hahaha! Buti naman, baka kasi magalit ang fiance ko eh. See you around na lang.", nakangiti kong parinig sa kanya habang paalis na din. Ahh~~ lagot ako nito sa fiance ko kapag nahuli niya akong nagfi-flirt sa iba. . . . pero nanukso lang naman ako. . . konti lang, hehe! xP

Medyo matagal akong naghintay sa start ng party, wala pa kasi siguro si Kei. Nagmasid ako at nakita ko ang parents ko na nakaupo sa isang mini-stage. Haaay~ Namiss ko din sila sobra. Kung hindi lang ako nagdesisyong magtago, tumakbo na ako para yakapin sila. Sobra akong nanabik sa kanila eh :). Hindi rin pala pahuhuli sa madaling makita ang fiance ko. Pano ba naman, lutang talaga ang Italian beauty niya dagdag pa na nakasuot siya ngayon ng red cocktail dress. Ah, her name is Alisha Bellini, 2nd daughter ng Bellini Group sa Italy. Kung bakit kami naging engaged ay dahil para kaming naging simbolo ng pag-memerge ng Mishima at Bellini Group of companies. At first, I never really cared. "Bakit pa?", sa isip-isip ko; alam ko na kasi ang tadhana ng panganay na anak (kahit pa kambal kami ni Kei) at tinanggap ko na lang since wala na akong koneksyon sa 'kanya'. Oo, naging malungkot ako nung hindi ko na 'siya' nakikita at nakakausap hanggang sa naglaon, kami ni Alisha ang naging close until we both fully accepted the engagement with all our hearts.

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon