*** UTOS #30 ***

499 8 4
                                    

Hello sa inyo mga magigiting na mambabasa!! Hoho~ (^o^)

Etong chapter na to is Kei's POV sa last chapter.. :)

Oh well, enjoy!

-----

.His POV.

"Nnn~", Nag-unat-unat ako ng katawan pagkagising. Ang sarap ng tulog ko!!

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa sidetable at nagtext. Sino pa bang itetext ko? Syempre walang iba kundi ang tomboy na nagpapatibok ng puso ko!! (Achuchu!! Ampode!! Hahaha!!)

Pagkatapos ko siyang itext, binuksan ko ang pinto para palabasin si Mao sa kwarto ko. Balak ko sanang paglaruin muna siya sa arawan. Alam niyo na. . . Vitamins din yun! :DD Ehehe Hindi ko na rin inaasahang magrereply si Aya sa text ko. Kilala ko na siya, she doesn't really pay attention sakin. *sigh* What's new? Pero hindi ako susuko. I'll just have to make her fall for me.

Bumalik ako sa loob para ako na ang magtabi ng mga kurtina sa bawat bintana ng kwarto ko. Pagkatapos, napansin kong dumaan si Aya. Napasilip yata siya sa kwarto ko kaya nginitian ko lang siya. Eh dahil masayang-masaya ako ngayon, abot tenga ang ngiti ko! Ehihihi~ (^__^)

Umiwas bigla siya ng tingin. . . . Anong problema nun? Aga-aga ang sungit. *pout*

Matapos kong maligo at magbihis, bumaba na ako. Nakita ko si Chief. . . at si Aya. Binati ko muna si Chief Maid. Pero as soon as nagsalita ako, dali-dali namang bumaba si Aya. Nu nangyari dun?

"Ah, good morning din, Young Master Kei. Maganda yata ang gising niyo ngayon ah.", Hahaha! Si Chief talaga, napaka-observant. :D

"Hahaha! Oo, Chief. Masayang-masaya ako ngayon eh. :D", Pasipol-sipol pa ako na ikinangiti naman ni Chief.

Pagkatapos ng saglit na batian namin ni Chief ay nagtungo na ako sa Dining Area. Nakita ko si Lili na nakaupo na doon habang naglalaro sa iPad niya at pinaghahandaan ni Aya. Habang kumakain kami. . . .

"Kei, let's go SHOPPING~!"

". . . . Ipagawa mo na lang yan sa mga maids. Isa pa, masisira lang ang balat ko sa lamig sa labas noh.", Kawawa naman ang kutis ko kung masisira lang sa lamig noh. Di ba niya alam na ito ang isa sa mga pinagkakaguluhan ng mga FANS ko? All caps para alam niyong sikat na sikat ako!! >:D

"Ehh?? Isn't it supposed to be me who should buy gifts since I'm the one giving it? I hate you Kei! Hmph!", Pout-pout-pout pa ang bubwit na to. Kung alam ko lang, nagpapaawa to para pagalitan ako ni Aya. Nakuu~ Sarap kutusan eh!!

"Pwede kitang samahan, Lili.", Facepalm! Eto na nga bang sinasabi ko eh. Nagpapaawa para mapansin ni Aya. Tsch. . . Ganyan na ba talaga kapapansin ang mga babae sa mundo?!

"Really?"

Ako na dapat ang tatanggi para kay Aya kaso. . . "Hind---", Sinapawan ako bigla ni Aya. (-__-)

"Oo naman! Sinong nagsabing hindi pwede?"

"Ako---"

"So? Go na tayo?", Baling niya kay Lili.

"Yeah! I'll go get dressed!!"

Tss. . . She didn't even let me finish a single sentence! WTH?! Talaga bang mas kinakampihan niya na si Lili kesa sakin na master niya?

Matapos kong kumain, nilapitan ko si Aya na kasalukuyang nagliligpit ng pinagkainan. Tumayo lang ako sa tabi niya at. . . 

"Oy."

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon