*** UTOS #11 ***

612 8 4
                                    

.Third POV.

5:00 ng umaga, sabay na naglalakad si Aya at ang Chief Maid sa corridors ng mansyon. Iniinstruct niya ito sa mga gawain araw-araw kabilang na ang mga kailangan niyang malaman sa magiging (nag-iisang) amo niya na darating sa susunod na linggo.

Syempre, curious ang bida natin sa magiging amo niya.

Habang naglalakad sa corridors, napansin ni Aya na parang may kulang sa mansyon --- mga pictures or paintings ng itsura ng magiging amo niya.

"Umm, excuse me, Chief. Matanong ko lang po, bakit wala pong mga pictures or portrait dito?"

"Miss delos Reyes, I'm sure pagdating ng amo mo, sasabihin niyang 'Mind your own business' tulad ng gusto kong sabihin sayo ngayon.", Sabay tuloy sa paglakad ang matanda.

"Sungit. . . ", Pabulong na sinabi ni Aya sa sarili habang nakamangot ang mga nguso.

Tuloy ang pagbibigay instructions kay Aya tungkol sa mga DOs and DONTs sa mansyon. Nariyan ang bawal magtatakbo sa corridors, bawal ang makipag-tsismisan sa gitna ng trabaho at wag na wag magpapahuli sa Chief na may ginagawang masama kundi malilintikan talaga siya.

Tinuro din ni Chief ang magiging kwarto niya sa Maids' Lounge. Habang nag-aayos ng gamit. . . . 

"Oh, muntikan ko nang makalimutan, hindi ba may 2 ka pang part-time job?"

"Opo, Chief. Bakit?", Nagtatakang sinabi ni Aya habang medyo nakataas ang isang kilay.

"I want you to leave those jobs."

"WHAT?! I-I mean, PO?! Bakit ho?"

"Pag dumating na ang Young Master, as much as possible, nakatuon ka sa pagseserve sa kanya. Ayokong may maka-distract sayo sa trabaho."

"Pero---", Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil binigyan siya ng Chief ng "May-Angal-Ka" look.

"Tandaan mo, Miss delos Reyes, prayoridad mo ang Young Master.", At saka siya umalis.

Ngumiwi si Aya sabay gaya sa pagkakasabi ni Chief kanina. Ano pa nga bang magagawa niya kundi sumunod kundi mawawala nang tuluyan sa kanya ang trabahong to.

Kaya kinabukasan, Sabado nang hapon, 5:10 pm, kung kelan lang pinayagan si Aya na pumunta sa 2 niyang part-time jobs at mag-resign, saka naman tumawag si Chief at pinapauwi siya ng 6:00 pm, ORA MISMO.

Asar na asar si Aya. Ni hindi sinabi ang dahilan ng pagmamadali sa kanya ni Chief tapos kamalas-malas pa ng araw niya, na-stuck pa siya sa traffic! How bad can this get?!

6:00 pm, umuulan, ayun si Aya at hingal na hingal na tumatakbo.

"Asar!! 6 na! Late na ako. Ayaw na ayaw pa naman ng tanda ng mga nalelate!! Bwise---- Ah!"

Sa gulat ni Aya ay may humarurot pang White Nissan 350z na nababalot sa gothic vinyls. Hindi lang yon ang kinainis niya, aba't kasabay ng pagharurot ng mayabang eh natalsikan si Aya ng putik?!

Sinong di maiinis?! Mahangin! >: [

"Oh, no, no, no, no. You don't do that to me.", Sinigawan niya ang driver ng kotse, "HOY! WALANGYA! BUMABA KA DYAN!"

Tumigil nga bigla ang kotse at sa madilim na kalye, na may isang poste lang ng ilaw na kukurap-kurap, bumaba ang driver at sumandal sa kotse niyang pagkagwapo-gwapo. Lalaki ang driver, 6 ft. ang taas, maputi, nakasuot ng unbuttoned long sleeves kung saan kitang-kita na ang chest line nito. . . . . . at di mapagkakailang SEXY at YUMMY siya.

Pero hindi, walangya pa rin siya!

Kumunot ang noo ni Aya, hindi niya kasi makita ang itsura ng mayabang na lalaki. Dagdag pa ang ilaw na tila pundido, ibabang parte lang ng mukha ng driver ang natatanaw. At ang kinainis niya lalo? Aba, nagawa nitong ngumisi na parang nang-aasar!

"Aba, nakakaloko ka---", Natigil ang sasabihin ni Aya nang humarurot papaalis ang lintik na driver.

"SHOCKS!!! Nakakainis! Hindi man lang nagawang mag-sorry! Humanda ka sa'kin, may araw ka rin!", Balak gantihan ni Aya ang driver na yon. Inisip niyang baka taga-rito lang din yon kaya aabangan niya to. And take note, AABANGAN niya talaga yon sa kanto!

6:45 pm, dumating si Aya sa mansyon at doon sa doorstep ng bahay, naabutan niya ang Chief na tinatap-tap-tap ang kanang paa niya habang naka-crossed arms at nakataas ang isang kilay.

"Kanina pa siguro to naghihintay.", Sinabi ni Aya sa sarili.

Ay hindi Aya, ngayon ngayon lang yan naghintay. Ayan oh, mukhang asar na asar nga sau! Tsss. . . . 

Ano pa nga bang sumunod na nangyari? Edi binungangaan siya!

"Bakit ngayon ka lang?! Di ba ang sabi ko eksatong 6 pm? Anong oras na?!"

"6:45 ho. Pasensya na Chief, natraffic ako eh tapos ---" 

"Wag ka nang magsalita. Dali at magpalit ka na ng uniform, ang dumi-dumi mo! Saan ka ba nagsususuksok?!"

Sabay na nagpunta si Aya at Chief sa Maids' Lounge. Nagpalit si Aya ng kanyang usual na uniform at lumabas kung saan naghihintay si Chief.

"Dalian mo at nandito na ang Young Master.", Hinigit siya ni Chief sa kanang braso.

"Ang Young Master ho?!", Mukhang nagulat si Aya sa biglaang balita sa kanya. Nagpanic tuloy siya sa gagawin at ikikilos sa harap ng amo niya. Ano kayang itsura niya? Anong klaseng tao siya? Nakakatakot ba? Strikto ba? Mabagsik ba? O kaya naman tinitira niya ang magagandang babaeng tulad niya?

Oops. Sorry, hindi pala siya maganda sa lagay niya ngayon. FYI, suot-suot niya ang face mask na ginawa sa kanya ni Miss Jenny (dermatologist sa USA) simula pa noong nagpabago siya ng pangalan at identity.

"Chief, bakit biglaan yata ang pagdating niya? Akala ko po ba---"

"Hindi ko ba nasabing gano'ng klaseng tao siya? Pabigla-bigla. Kahit kami nagulat at kanina lang siya tumawag."

Tumigil sila sa double doors ng kwarto ng magiging amo ni Aya at sa unang pagkakataon, bigla siyang kinabahan. Mabilis ang tibok ng puso niya na parang nakikipagkarera sa pulso niya. Nang bubuksan na ni Chief ang pinto, sa di malamang dahilan ay napapikit si Aya.

"Young Master, narito na po ang magiging Personal Maid niyo."

Inaasahan ni Aya na sasagot ang isang taong may malalim at tila matandang boses na parang makapangyarihan pero. . . . . ang di niya inaasahang maririnig ay hilik.

Tama, hilik as in HILIK ng natutulog na tao! What an unexpected turn of events!

TO BE CONTINUED. . . . 

>> SHOCKS! Nakakaasar yung ganun, ang taas ng expectations mo tapos malalaman-laman mong parang may mali sa inaasahan mo. (>.<)

>> Anyway, you like it? VOTE. You wanna say something? COMMENT. You love me? hehehe, BE A FAN! <3 I LOVE YOU!! (>_<)

>> Moving on to UTOS #12 ------>

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon