*** UTOS #19 ***

554 8 0
                                    

.His POV.

"ANONG GINAGAWA NIYO?"

Andito kami ngayon sa temporary dressing room ko sa old vacation house ng mga Saavedra. Ah, ang kausap ko? Walang iba kundi ang magaling ko lang naman na manager! Kung galit ako? Ewan. Siguro.

"Like I said, naglalaro lang kami. Ano bang problema mo? Ten times ka nang nagtatanong ah!"

"At bakit kayo naglalaro? Hindi ito araw para maglaro!", I know, I'm being pathetic right now. Di ko din alam kung bakit eh! Naaasar na nga ako!

"Taray mo naman. Papaalala ko lang ah, you dragged her here at since masama ang loob niya, I just tried to cheer her up. Ginawan pa nga kita ng pabor eh dahil kapag galit pa rin siya, masisira't masisira lang ang araw niyong pareho. Mag-aaway lang kayo.", Sus, nanermon pa.

Inisnab ko lang siya at nag-cross arms. Dapat ko nga bang ipagpasalamat yun? Tsaka kung tutuusin, UTOS ko yun kaya wala siyang karapatang magalit o magreklamo dun!

"De? Anong nilalaro niyo?", WAAAH~~! Ano ba tong tinatanong ko?!

Di siya sumasagot kaya humarap ako. At pagtingin ko naman, nakatingin lang siya pero hindi ordinaryong tingin lang. Nang-aasar na tingin!

"Ohhhh? Bakit mo gustong malaman? Ha? Ha? Ha?"

"Tsk. Gusto ko lang, bakit ba? Daming tanong eh! Kung ayaw mong sagutin edi wag. Hmph!", Pawalk-out na sana ako nang biglang nagperk-up yung tenga ko sa sinabi niya.

"Sungit! Pinicture-an ko lang naman si Ayaaaa. Stolen nga langgg. Pero maganda namaaan! Gawin ko kayang wallpape----"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Bigla na lang kasing hinablot ng magagaling kong mga kamay ang cp ni Rein. Tapos lumayo ako sa kanya para tingnan yung sinasabi niya na picture ni Aya.

"Sus. Maganda na 'to sayo? Ponget ponget nomon eh!"

Shit! Tell me I'm not pouting! I've never pouted before!

"Kung gano'n, akin na yang phone ko."

"Hm! O!", Slight kong binato pabalik sa kanya. Muntik-muntikan nga niyang di masambot kaya kabado.

"Ano ka ba! Alam mo ba yung salitang 'pag-abot nang maayos'?! Muntikan nang bumagsak eh!"

"Tss. . . . Magkano ba ang sinusweldo mo sa pagiging manager ng isang pinakasikat na model? Kung makapag-ingat ka sa isang hamak na cp mo kala mo ang liit ng sinusweldo mo! Gusto mo bilhan pa kita ng bago. Tsk. Makaalis na nga."

"Grabe ka talaga! Sayang, may naisip pa naman ako na baka ikatuwa mo!"

Tss. . . . .Nagperk-up na naman ang tenga ko. May problema na yata ang mga tengang 'to eh!

Humarap ako unti-unti sa kanya na may nangungusap na mata. Powtek! Nangungusap? Makata na rin ba career ko?

Curious ako kung ano naman ang naisip niya, "Ano na naman ba 'to? Mga pakulo mo eh!"

"Naisip ko lang naman na picture-an ko kayong dalawa ni Aya. Yung para lang sa inyo. Remembrance lang siguro ng araw na maganda siya?", Tiningnan niya ako mula sa gilid ng mga mata niya pero di siya nakaharap.

"YUN LANG?! Cheap mo naman Rein! No thanks.", Akma na akong aalis nang pigilan na naman niya ako.

"Sure ka?? Chance din 'to para magkaron ng progress ang challenge sayo, sige ka."

-----

"Ok, guys. 1, 2, cheese!"

Pumayag na rin ako sa huli na magpapicture kasama ang panget na katulong ko. Pagbigyan na, inaasam-asam niya rin naman na makasama ako sa isang picture. Bwahahahaha!!

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon