*** UTOS #40 ***

427 6 0
                                    

.Her POV.

"Aya? Aya!"

Bigla akong nagising sa mababang boses ng lalaki na kanina pa pala ako tinatawag. Huh? Nakatulog pala ako sa pagbabasa ng libro dito sa garden. Tiningnan ko ang taong gumising sakin at napatayo nang makita ko nang malapitan si Haru --- as in ang lapit ng mukha niya!

"Ayos ka---"

"A-A-Ayos lang ako. Nakatulog lang sa pagbabasa hehe. S-Salamat.", Pagpapanic ko sa pagtitig niya.

"No, I meant kung ok ka lang kasi namumugto ang mga mata mo. Have you been crying?"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at agad na tinago ang itsura ko. "H-Hindi. Baka napuwing lang."

"Hahaha! Ang tindi naman ng pagkapuwing mo kung ganon. Be honest with me, Aya. Did you have a fight with Kei?", Bigla niyang tanong at patuloy pa rin sa pag-usisa. Kung alam lang niya na siya ang dahilan ng pamumugto ng mga mata ko.

Bahagya akong natawa pero hindi yung tawang natutuwa kundi tawang napipilitan para lang magmukhang okay. "Haha, bakit ko naman iiyakan ang taong yon? Lagi din naman kaming nagbabangayan haha. Ah, sige Haru, aakyat muna ako sa kwarto ko. Maiwan na muna kita ha."

"Okay, basta sabihin mo sakin kung nag-aaway kayo ni Kei. Ayoko kayong magkahiwalay eh, botong-boto pa naman ako sayo para sa kanya.", Pahabol niyang sabi sabay ngiti --- yung ngiting matagal ko nang gustong makita ulit. Nasaktan ako, sa totoo lang. He was pushing me towards another man. Magsasalita pa sana ako para klaruhin sa kanya ang lahat pero biglaang dumating si Kei na nagpaudlot naman sakin.

"Aya!", Tawag ni kumag sa akin mula sa sliding door ng garden habang papalapit samin ni Haru. "Pumunta ka mamaya sa kwarto ko. May ibibigay ako."

Pagkalapit niya, umalis agad ako without eye contact --- natatakot na baka mapansin din niya ang mga mata ko. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko, agad na humiga, at saka napatitig sa bukas na glass door sa may balcony. Ano kaya ang ginagawa ng kambal? Bumuntong hininga na lang ako sa pag-iisip. Hanggang kelan ba ako magpapaalala kay Haru na ako si Aya Saavedra? Kelan ko masasabing. . . .

* TOK TOK TOK *

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang magandang mukha ni Alisha na nakangiti. Ano kayang kelangan niya?

"Can we talk?"

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon