*** UTOS #23 ***

482 9 3
                                    

.Her POV.

"Nnn. . . .", Huh? Umaga na pala? Tsch, bakit parang ang sikiii~~ ih?!! Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa gilid ko --- katawan ng lalaki, amoy lalaki at higit sa lahat, ang pinaka-ayaw kong makatabing lalaki!!

Teka, teka! Ano at pano naman ako napapunta dito sa kama katabi niya? Anong nangyari?!

Balak ko na sanang dahan-dahan tumayo nang di siya nagigising pero sa gulat ko, niyakap niya ako mula sa likod! At dahil sa nakapulupot niyang braso sakin, wala na akong pakealam kung magising ang ugok na 'to!

"HiyAAAAAAHHH~~~~!!!"

-------

"Aga-aga nanggigising ka! Tss. . .", Nagkamot siya ng ulo niya habang papunta ng banyo niya.

Ako naman, nakasimangot na nag-aayos ng pinaghigaan namin--- este, NIYA. "Eh kung subukan mo kayang alalahanin kung anong ginawa mo sakin para mapunta ako sa kama mo!", Sigaw ko pabalik sa kanya. "Nako, nako, kung di lang kita amo. . . . mm! Baka naano na kita. . . ", Bulong ko.

 " 'Naano'? Aber?", Shit, bigla-bigla na lang sumusulpot! Nasa likod ko siya agad kaya naman paglingon ko, ayun, magkalapit mga mukha namin! Tss, ang aga-aga, minamalas ako!! (>///<) At anong balak nito? Rape-in ako? Makaharang naman ng braso niya sakin!

"A-Ano bang gina---"

"Easy, easy. Kala mo naman. . . . ", Lumapit bigla yung mukha niya sakin kaya naman ako, napaurong at parang nandidiri and itsura. ". . . . kala mo naman type kita. Huh! Dream on, baby. Kukunin ko lang yung brief ko dito oh.", Sabay kindat tapos "Tsk tsk tsk tsk tsk. . .", Kasama pa ang hand gesture.

SHEEEETEEEE~~!! Kung alam ko lang na ganito ang side effect 'pag inalagaan siya, edi sana hinayaan ko na lang siyang hilata at bedridden forever! Takte! x(

"Heh.", Nginisian ko siya and as usual, laging kasunod ng ganung ngisi ko is suntok sa tiyan o sipa sa *toot* *toot* niya. Hahaha!

"Op, op, op. . . . Hindi ka na makaka-iskor ulit sakin, Aya. I already know your moves.", Siya naman ngayon ang ngumingisi ng nakakaloko.

Tumungo na ulit siya sa banyo habang sinasabing, "I'll show you what true MOVES are, Aya. It's my turn naman. Hahaha!", Whatever that supposed to mean. Tss. . . 

-----

.His POV.

Time for some MOVES! Ahahaha!! xDD

Wala lang, ang saya ko lang. . . . First thing in the morning, naka-chansing agad ako kay Aya. Hahahah! Imbyerna nga lang yung freckles and blockheads niya. Tsss, remind me to bring her to a dermatologists, okay guys? Hehehe. . . 

Anyways, here I am, sa banyo. Syempre naliligo. Pero nagmumuni-muni din. Damn! Bago yun sakin ah! Nagmumuni-muni? Di bagay sakin dati yun eh. Hahahah!! Oh well, para naman 'to sa date namin ngayon ni Aya. Pumayag siya kagabi, remember?

I wonder kung sasaya siya ngayon sa date namin?? Iiihh, nakakabakla naman 'to eh! Bakit kinikilig ako!?? (>///<)

Sa Living Room.

"Keiii~~!!!", Si Lili, as usual, makayakap wagas.

"Ugh, Lili. Kagagaling ko lang sa sakit di ba?", Pagpapaalala ko sa kanya. Agad naman siyang bumitaw at humingi ng sorry.

"So, how are you feeling today?"

"I'm great. Excited, maybe?", Nagkibit-balikat ako at pinipigilang ngumiti.

"Hmmm~~~ I smell something fishy is about to happen.", Naniningkit na tanong ni Lili. Umiwas naman agad ako sa tinging 'yon at nag-focus sa TV. "What is it, Kei! Tell me!"

"Don't you have work today?", Pag-iiba ko ng topic.

"NO! It's a weekend. I must have fun today! Say, why don't we go---"

"No.", (--__--)

"But---"

"No buts. I have plans today.", Sabay tayo. Hahanapin ko na lang si Aya.

"WAAAHH~~! How cruel.", Tss, brat talaga 'tong batang 'to.

Sa labas ng mansyon, nakita ko si Aya at Mao.

"Aya!", Napatingin siya saka lumapit.

"Ano yun?"

"Magbihis ka after lunch. And meet me here at 3pm.", Saka ako nagmadaling umalis. Ayoko na ng mga follow-up questions niya. Baka matulala na lang ako sa sinabi ko.

Shit, I'm really asking a girl out for the FIRST TIME! Tsk. . . . (>///<)

----------

2: 30 pm. Napaaga ba ng konti ang paghihintay ko sa kanya dito? Ok, check ko na lang muna ang sarili ko.

Hair. CHECK!

Face. CHECK!

Outfit. CHECK!

Shoes. CHECK!

Accessories. CHECK!

Big bike. CHECK!

Ok, I'm all set. Tiningnan ko ang wristwatch ko. 3 pm. "Tsk, nasan na ba ang babaeng yon? Kahit kelan talaga ang kupad."

"Sinong makupad, ha?", Nakasimangot.

Napanga-nga na lang ako sa itsura niya. (O__O)

Is she kidding me?!

TO BE CONTINUED. . . .

>> Oops, bitin??? Comment "MORE" Hahahaha!! xDD

>> Eto na lang ang preview:

"Ano yang itsura mo?"

"Oh, bakit? Pang-alis ko."

>> That's it. hahaha!! Thanks sa continuous support to Pretty-Ugly. . . . (^_^)

>> Sensya na din sa veryyyyy late update ko. Heheh. . . :)

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon