*** UTOS #36 ***

387 5 0
                                    

.His (Kei) POV.

"Leave me alone.", Asar kong sabi sa kanya kahit sinusubukan kong maging kalmado.

"Ayoko. Tumingin ka nga sakin.", Sabi naman niya.

". . . . . . .", But I remained silent. Pero sa totoo lang, gusto ko siyang harapin pero ayaw ng utak ko.

"Mag-reresign na ako bilang Personal Maid mo. Aalis na din ako sa mansyon after this day, gusto ko lang ipaalam sayo since ikaw ang boss ko."

Ano daw? Aalis na daw siya?

Yun ang huli kong conversation sa kanya. Nung sumunod na araw kasi, hindi ko na siya naabutan. Chief told me she left early in the morning.

"Ayaw na nga pong magpasabi sa inyo, Young master.", Kwento sakin ni Chief nung mapansin niyang hinahanap ko si Aya. "Ano ho bang nangyari, Master Kei? Hindi ba naging maganda ang party niyo kahapon? Kumusta nga pala si Master Haru? Hindi daw ba siya uuwi?"

"Tsk, ang dami niyo namang tanong agad-agad Chief. Kung pinapakain niyo muna kaya ako? Pinuputakan niyo na naman ako eh.", Pabalang na pabiro kong reklamo sa kanya. Pero ang totoo niyan, ayoko munang alalahanin yung mga nangyari kagabi.

---------

11 noon, sa bar ni Red, kasama ko ang tropa.

"AHHH~~ Saraaaap! Namiss kong uminom grabe!", Hiyaw ko pagkatapos kong tunggain ang isang basong alak.

"Dude, what's gotten into you?", Tanong ni Zack na parang may concerned na tono.

"Ha? Nothing. Namiss ko lang uminom. Hindi kasi ako makapag-bar dahil sa peste kong Personal Maid. Pero ngayong wala na siya, I can do anything I want FOR ALL I CARE! Hahahahah!", I'm still sober at pakiramdam ko para akong tanga sa ginagawa ko ngayon.

"KAYA NAMAN PALA!", Sigaw ni Red.

"Iniwan pala ng kapartner na lovebird!", Gatong ni Zack kay Red. "Nako, sooner or later, mamamatay na yang kaibigan natin."

"I don't get it. What happened, Kei?", Tanong ni Keith.

"Simple lang yan, Keith. Umalis si Aya SAAVEDRA dahil ayaw nga siyang makita ni Kei. Remember their past? Pareho silang inis sa isa't isa. Now that Kei knows she really is Saavedra, di niya kayang tiising maki---"

"I'm mad because I fell in love with a woman who loves somebody else. At nasasaktan ako thinking what expression she'll make after seeing Haru and his fiance! THAT'S WHY!"

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. I really am feeling so bad right now lalo na't umalis na nga siya at hindi ko na makikita pa.

Natahimik silang lahat pati yung ibang taong nag-iinuman at nagsasayawan sa bar. Ramdam ko ang mga tingin nila sakin kaya isang lagukan kong ininom ang alak na nasa kamay ko at agad na nag-walk out.

"Hey, where are you going, dude?", Sigaw ni Zack pero hindi ko na sila pinansin. Pakiramdam ko lalo lang lalala tong sakit na nararamdaman ko kapag kinuwento ko pa sa kanila. Uuwi na lang ako.

Pagkarating ko sa mansyon, di ko inaasahang uuwi na si Haru doon. . . at sinama niya pa yung fiance niya. Mas lalo tuloy akong nainis! Tsk.

"Kei! San ka nanggaling? Bakit----", Sinubukan niya akong yakapin pero napahinto siya, "Were you drinking? At this hour?"

"Bawal na ba akong uminom? I'm 23 now at pwedeng-pwede na di ba?", Ngumisi ako sa kanya para lang hindi mapakitang naasar ako ngayon.

Napatitig lang sakin si Haru. And I knew what those stares meant --- nagtataka siya. "Badtrip lang ako.", Nagwalk-out ulit para tumungo sa kwarto ko.

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon