Okay, dahil wala pang vote ni isa, ito na ang next chapter! hahaha! xD
Kakalungkot naman. . . Pero okay lang, the story must go on! Char! xD ENJOY!! :)
----------
.Her POV.
Nung magising ako sa pagkakatulog nung Dec. 25 kakahintay kina Lili na makauwi, nagulat ako dahil wala na sa harap ko ang family picture namin. May kumuha kaya nito? Pinasok ba ako dito nung tulog ako o nalaglag sa labas? May nakapulot kaya nito? Natangay kaya ng hangin? ARGHHH! Hindi ko pwedeng mawala yun. Yun na nga lang ang naiwang memory sakin nila Papa. Tsk, hinanap ko yun buong araw sa mansyon, ipinagtanong at nagsumiksik sa mga sulok-sulok. Wala na lang akong nagawa nung malaman kong nasunog na daw ata ni Manong Hardinero kaninang madaling araw. Kainis, ang engot-engot ko naman kasi! Wala na akong magagawa. . . .
Nung 26 naman, binigyan ako ni Lili ng isang gown! Grabe ang ganda! Ang tagal ko na ding hindi nakakapagsuot ng mga ganun. Pero ngayong niregaluhan ako ni Lili, sinabi niyang magagamit ko yun sa party --- birthday party ni Kei at Haru. Parang dati lang nung bata pa ako. Sa birthday party nila dati kami nagkakilala. Pero ngayon, iba na, magiging date ako ni Kei sa party-ng yun. Napaisip ako nung nalaman ko yun. . . . . ibig sabihin ba nito makikita ko na rin sa wakas si Haru? Parang naging weird ang pakiramdam ng tiyan ko, parang kinakabahan just thinking about our meeting once again.
Nung hapong din yun, umakyat ako sa kwarto ni Kei. Balak ko na kasing ibigay yung regalo ko sa kanya. Bahala na kung magugustuhan niya o hindi! Hmp, pasalamat pa nga siya at bibigyan ko pa siya. So eto na, nasa harap na ako ng pinto niya. . . . Pero parang medyo kinakabahan ako. Timang! Bakit ka naman kakabahan?! Tss. . . . Eto na, kumatok na ako. Ilang segundong paghihintay, walang sumagot. Kumatok ulit ako, pero wala pa ring nasagot. Tsk, di ba umakyat siya kanina kaya dapat nandito siya. Nagdecide na lang akong pumasok at ayun, nakita ko ang mokong nasa loob lang pala! Psh, at ano namang pinagkakaabalahan nito?
Paglapit ko sa kanya, nakita ko siyang ngingiti-ngiti sa kawalan. Pagkatanong ko naman, bigla siyang nagulat. Hahaha! Epic itsura eh!
"Ano bang ipinunta mo dito? Ang manggulo?", Tanong niya sakin sabay talikod para siguro ayusin yung package na padala daw ni Haru.
Hindi ko alam kung papano ibibigay yung regalo ko kaya bigla ko na lang binato sa kanya sabay takbo palabas. Pagkalabas ko naman, ang bilis ng tibok ng puso ko. Chuserang puso, bakit nagkakaganito?! Pero sana magustuhan niya, habang pumipili kasi ako ng ireregalo sa kanya, iniisip kong lalo siyang gugwapo sa bonnet na yun.
Damn, napapangiti ako! =) Ki-kinikilig ba ako?! NOOO WAY! (>__<)
Meanwhile, nung hapong ding yun, siguro mga 5:30 pm, may dumating na babae. . . . At mukha siyang model. Sobrang ganda niya, ang puti-puti, brown-haired at ang haba ng buhok niya hanggang bewang at kulot ang dulo. Pinagbuksan ko siya ng pinto at hindi ko alam na malaki ang idudulot niyang sakit sakin. I welcomed pain ikanga.
"Umm. . . S-Sino po sila?", Tanong ko sa mala-dyosang kumatok sa pintuan. Manghang-mangha pa rin talaga ako lalo na nung ngitian niya ako. Sino itong nakakasilaw na magandang nilalang? (>.<)
"Hi, I'm looking for K---- KEI!", Dali-daling pumasok yung babae nung makita niya si Kei. Nakita ko rin kung panu niya yakapin bigla-bigla si Kei. Nagulat ako sa ginawa niya! WHO IS THIS WOMAN? (O__O)
"WHA---! YOU?! G-Get off, you woman!", Pagtataboy naman ni Kei sa kanya.
"Hahahaha! Same old Kei! Ang sungit mo pa rin sakin kahit kailan.", Tatawa-tawang sabi nung babae sabay bitaw kay Kei.
BINABASA MO ANG
Pretty-Ugly
Teen FictionIto'y tipikal na kwento ng isang PANGET. Si Aya Saavedra, 22 y/o, ay laki sa yaman pero sa kabila ng yaman na yun ay ang "di kanais-nais" niyang itsura. Pero paano kung nawala na sa kanya lahat ng yamang yun? Ano na lang ngayon ang tingin sa kanya...