*** SIDE STORY ***

612 18 9
                                    

8:30 PM, hinanap ko siya. Kailangang makausap ko siya ngayon. Hindi ko kayang ipagpabukas pa to, gusto ko nang malaman mula mismo sa kanya.

Hindi pa huli ang lahat, Aya.

Puntahan mo siya.

Tanungin mo mismo sa kanya ang lahat.

(A/N: Please play the video attached para DAMA! >:D -----> )

Matapos ang pag-uusap namin ni Haru, sinabi niya sakin ang mga posibilidad na nararamdaman ni Kei --- mga nararamdaman niya na tinago niya sakin. Ang galing din maglihim ng kumag na yon! Now that everything has been cleared out, gusto kong makausap si Kei. Hindi ko alam pero baka. . . . baka. . . . 

. . . may nararamdaman siya para sayo.

"KEI!", Wala akong nadatnan sa kwarto niya. Hinanap ko siya sa buong mansyon pero wala. Nasan na siya? Bumalik ako sa kwarto niya only to find na konti na lang ang mga damit na nandoon. Natakot ako sa mga pumapasok sa isip ko --- wala na ba siya dito? Umalis ba siya?

"Kung ang Young Master ang hinahanap mo, wala na siya dito, Aya.", Dumating si Chief Maid sa kwarto. Anong ibig niyang sabihin? Na umalis na si Kei?

"H-Hindi na siya babalik?", Medyo nauutal kong tanong at parang maiiyak pa.

". . . .", Hindi agad nakasagot si Chief. "Hindi niya sinabi."

"A-Ah. . . ", Yun na lang ang nasabi ko at nagdesisyong bumalik sa kwarto ko. Aalis na lang din ako dito sa mansyon. Iniwanan na din naman ako ng lalaking yun.

"Nasa NAIA siya ngayon. Hindi niya pinasabi sa iba pero maabutan mo pa siya kung aalis ka na ngayon.", Sabi ni Chief na ikinaliwanag ng mukha ko. "9:15 ang alis ng eroplano, madali ka."

May pag-asa pa. Maaabutan ko pa siya.

Nagmadali ako sa NAIA. Ilang beses kong pinagdarasal na sana hindi pa siya nakakaalis, pero pagkarating ko doon, kahit ilang beses ko siyang tawagin at hagilapin, wala na akong naabutan. Tiningnan ko ulit ang puting relo sa kamay ko at nanghina sa oras na nakita ko.

9:50 PM. Magkahalong inis at hinayang ang nararamdaman ko ngayon. Sa gitna ng maraming taong nagmamadali, naroon lang ako --- nakatayo at nakayuko. Ayokong makita ng mga taong narito ang lungkot na nararamdaman ko hanggang sa mabuhayan ako ng loob nung may tumawag sa pangalan ko.

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon