*** UTOS #22.1 ***

601 9 3
                                    

.Her POV.

1 linggo na ang nakakalipas nung nagkabati kami ng kumag na yun. Ngayon parang. . . . . . hmm. . . . MEDYO close na kami? Wow, akalain mo yun? Magkakasundo pa pala kaming dalawa? Well, not really, kasi nagbabangayan pa rin kami eh. . . . . di na nga lang siguro tulad ng dati na kulang na lang magpatayan kami.

Hahahaha! Patayan talaga? Di pwede, baka magalit sakin ang aking ONE and ONLY FIRST LOVE na si Haru. Ehehe, landuts! xD

Wednesday. 8am.

Tumutulong ako ngayon sa pag-aayos ng hapag-kainan nila kumag.

Yep. 'NILA'. Kasi may biglaan kaming bisita. After maayos ang mesa, nilapitan ko na sila sa salas.

"Young Master, nakahanda na ho ang breakfast niyo."

"Ah, sige.", Si kumag.

Nauna si kumag pati ang dalawa niyang bisita. Habang ako na nasa likod nila, biglang tinawag ni Kuya Rein.

"Psst, Aya!", Hinawakan ako ni Kuya Rein sa braso para pigilan.

"Bakit kuya?"

"Kumusta naman na kayo ni Kei?"

"Uh, okay lang?"

" 'Okay lang' lang? Wala bang. . . . . kahit anong nakakakiliti or what?"

Tinitigan ko lang siya nang nakataas ang kilay sa right. Anong pinagsasasabi nitong si kuya?

"Anong sinasabi mo kuya?", Medyo nangingiti-ngiti kong sabi. "Alam mo, gutom lang yan. Ang aga-aga mo kasing pumunta dito eh."

Nginitian lang niya ako saka tumawa, "Hahahahaha!! Oo nga, nakalam-kalam na nga tiyan ko eh. Hehehe. Concerned sakin ah. . . ."

"Oo naman kuya. Kaibigan na kita, kuya-kuyahan pa! Hehehe! Bakit, ayaw pa?"

"Hahahaha! Hind---"

"HOY!!", Pagpuputol ni kumag sa sasabihin ni Kuya Rein. "Anong tinatawa-tawa niyo dyan, HA?!"

"Wala.", Sabay naming sagot ni kuya kaya napatingin kami sa isa't isa tapos natawa.

"Psh. Rein! Tinatawag ka ata ng manager ni Lili! Puntahan mo dali."

"Oh? Okay, sige.", Nagmadali nga si kuya.

Sinundan ko ng tingin si kuya papaalis at nakita kong ganun din si kumag. Then maya-maya, nung nawala na sa paningin namin si kuya, bumaling naman ang tingin sakin ni kumag. At di lang basta tingin! Nakatitig siyang magkasalubong ang kilay.

"Oh? Tinitingin-tingin mo?", Magkasalubong din ang kilay ko.

". . . . .", Speechless naman siya.

"Bahala ka nga dyan."

"Kelan pa kayo naging magkalandian? Lalandi niyo eh."

"Inggit ka, edi makipaglandi ka rin! Wag nga lang samin.", Binelatan ko siya sabay walk-out.

Inunahan ko na siya papunta sa Dining Area tapos di ko na alam kung ano na nangyari dun.

Sa Dining Area, nakapila kaming mga katulong at trabahador sa mansyon. Magpapakilala kasi ang dalawa naming bisita.

"Hi! I'm Lili Lumiere Vishconn! And this is my manager, Kyle Beato.", Pakilala ng katabi ni kumag na isang CUTE NA CUTE na girl. Dark brown hair na nakapigtail-hairstyle, white complexion, hazel brown eyes at cute-cute-cute niyang ngiti! Sarap pisilin ang pisngi ih!

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon