Hello readers!
Just want to inform you that if you ever find this story somewhat similar to any story, it's purely coincidence. I did not copy anything. I wrote this story when I was in highschool and just rewrote it here in wattpad when I discovered this site. Please don't judge. Thank You! :)
-----------
.Her POV.
“Umalis ka dito, panget!”
“Alis! Alis! Alis!”
“Ampanget-panget mo Aya!! ‘Di ka bagay dito!”
7 years old. Matalino. Matiyaga. At nag-aaral sa prestihiyoso at kilalang paaralan sa Maynila, ang St. Nichola University, anak ako ng kilalang businessman sa Pilipinas at ng isang sikat na aktres sa buong Asya. Ako si Saavedra Aya at ako ang “panget” na tinutukoy nila.
“Hoy!”
“Huhuhu. Ate. . . ”
“Takbo! Andyan na si tomboy!”
“Tahan na Aya. Ayos ka lang ba? Di ka ba nila sinaktan?”, nag-aalalang tanong ng ate ko.
Curious ba kayo kung bakit tinutukso ako ng mga classmate ko?
Sa kabila kasi ng pagiging anak ng sikat na mag-asawa at sa kabila ng pagkakaroon ng 3 pang magagandang kapatid, naiiba ako sa miyembro ng aking pamilya. Mataba, naka-round glasses, nerd, ma-freckles, oily-faced, dry-skinned at hindi maganda. Ito na ang mga nakasanayan kong description sa’kin. Lahat na yata ng negativity nasa’kin na!
Sabi nila ‘di ako tulad ng mga kapatid ko na simula nang ipinanganak ay sadyang maganda na. Para daw wala akong minanang qualities kina Mama at Papa. May nagsasabi pa ngang baka sinumpa si Mama nung ipinagbubuntis pa niya ako. OA na siguro ‘yun.
“Luna! Mahiya ka nga sa suot mo. Birthday Party ng mga anak ng kaibigan ni Papa ang pupuntahan, hindi sarili mong Fashion Show!”
“Oh ssh, Lara. Mind your own business.”
“Alright. Tama na ‘yan. Luna, get a decent dress and Lara, don’t wear dark black.”
BINABASA MO ANG
Pretty-Ugly
Teen FictionIto'y tipikal na kwento ng isang PANGET. Si Aya Saavedra, 22 y/o, ay laki sa yaman pero sa kabila ng yaman na yun ay ang "di kanais-nais" niyang itsura. Pero paano kung nawala na sa kanya lahat ng yamang yun? Ano na lang ngayon ang tingin sa kanya...