*** UTOS #21 ***

612 8 3
                                    

.His POV.

"Whoo, pre, pinasaya mo ang araw ko!", Sabi ni Keith sabay akbay sakin.

"Oo nga, mangiyak-ngiyak ako sa tawa eh.", Pagsang-ayon ni Zack. "Kung makakembot siya parang ilang years di nagalaw ang bewang! Wahahahaha!"

"Grabe, ngayon lang ako nakakita ng babae na ang panget magsexy-dance! Damn, pag naaalala ko natatawa na naman ako!", Si Red.

"She sucks, I know. Now, kelan niyo ba balak umalis sa pamamahay ko?", Nakacross-arms kong sabi.

"Sungit ah. Oo na aalis na kami. Beh!", Si Zack sabay belat sakin. Ano siya, 5 yrs. old? Tss. . . . .

"Kei, sa susunod ipahiram mo sakin yung katulong mo ah. Hahahaha!"

"Oo na Red. Alis na. Chupi!", At pinagtulakan ko na nga siya.

Hay salamat! Wala na rin sa wakas ang mga mokong! Balik na ulit sa tahimik ang buhay ko.

"Mao, let's go."

"Woof!"

"Aya, prepare my hot bath!"

". . . . . . . ."

Nang walang sumasagot, sinilip ko siya sa dining area. Aba, parang walang narinig eh sinigaw ko na yung utos ko?

"Aya! I said---"

"Huh? MAY SINABI KA BA, PAT?", Nakita kong binulungan siya ng kausap niyang maid pero inirapan niya lang ako.

"Doon naman tayo maglinis, Pat. May MASAMANG HANGIN akong nasasagap eh."

Grrr!! Ah, ganyanan pala ang gusto ng tomboy na 'to? Pwes, pagbibigyan ko siya!

Sa hallway papunta sa kwarto ko, may nakita akong maid. Inutusan ko siyang papuntahin sa kwarto ko si Aya. At kapag ayaw sundin ni Aya. . . . . .

.Her POV.

"Aya, tatanggalin daw ako ni Master Kei sa trabaho kapag di ka pumunta dun. Ayoko namang mawalan ng trabaho."

Nagmamakaawa bigla ang isa kong katrabaho sakin. Ano na naman ba ang balak ipagawa sakin ng kumag na yon?! Bwiset eh!

"Aya, kung magkaaway kayo ng Master, wala na sanang madamay na iba."

"Wag kang mag-alala, pupuntahan ko na.", At tinungo ko na nga ang kwarto niya.

Bwiset! Naiirita na talaga ako sa kumag na 'yon!!

Kumatok ako at di na inintay ang permiso niya kaya pumasok na ako dahil nagagawa ko na rin naman 'to noon pa. Alam ko na ang ipagagawa sakin ng lalaking 'to kaya dumiretso na ako ng banyo niya at hinandaan siya nang mainit na pampaligo. Nang matapos ako, nagdesisyon na akong umalis pero tinawag niya ako.

"Buti naman at nandito ka na.", Nakadekwatro siyang nakaupo sa upuang kapartner ng computer table. Alam niyo na, yung naiikot.

Tinaasan ko siya ng kilay pero dahil nakakapagtimpi pa ako, yinukuan ko siya. Yun nga lang, habang nakayuko ako, mine-make face ko siya habang ginagaya ang sinabi niya.

"Handa na ho ang pampaligo niyo. Excuse me."

"Teka. Hindi pa ako tapos sayo."

"May ipag-uutos ka pa?"

"Aba oo. . . . . . . . MA.RA.MI."

". . . . . . . ."

"Say, alam mo bang nagustuhan ka ni Red? Hahaha! In fact, hinihiram ka nga niya sakin eh at syempre hindi ako tumanggi. Hihiramin ka lang naman niya para i-entertain siya, ibabalik ka rin naman sakin."

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon