*** UTOS #15 ***

691 13 3
                                    

.Her POV.

Makaraan ang 2 linggo, heto, balik buhay-impyerno na naman ako. At ang may pakana? Ang hari ng kademonyohan, the devil himself. . . . . .

"Panget! Nagugutom na ako.", Bagong gising ang demonyito at nagdedemand na. Ganito na lang palagi ang routine ko araw-araw and I'm getting bored. Bawat araw lalo akong naaasar sa kumag na 'to kung di lang talaga kay Haru eh. (--__--)

"Kanina pa nga nakahanda ang breakfast sa baba."

"Sinong nagluto?"

"Ang chef malamang. May iba pa ba?", Tsch, minsan parang timang lang 'to eh.

"Ikaw ang magluto. Gusto ko ng ramen, I've been craving for it. Manonood lang ako. Ihatid mo dun afterwards."

Umalis na siya para pumwesto na sa salas at buksan ang TV. Panigurado manonood yun ng paborito at lagi niyang inaabangang palabas every 10 am, ang Kuroko no Basket. Isa yung anime tungkol sa pagbabasketball. Mahilig kasi siyang magbasketball. Sa tagal ko nang pagsisilbi dyan, marami-rami na rin akong nalalaman sa kanya.

♪♫ TV: Are ya ready kids? ♪♫

♪♫ Kei: Aye,aye, captain! ♪♫

♪♫ TV: I can't hear you. . . . ♪♫

♪♫ Kei: Aye,aye, captain! ♪♫

♪♫ TV: Oohh~ Who lives in a pineapple under the sea? ♪♫

♪♫ Kei: SPONGEBOB SQUAREPANTS! ♪♫

♪♫ TV: Absorbant and yellow and porous is he! ♪♫

♪♫ Kei: SPONGEBOB SQUAREPANTS! ♪♫

Ayan oh kita niyo? Kumakanta-kanta pa habang nanonood! Mukhang masaya pa siya sa ginagawa niya eh! Fan din kasi yang si Kei ng isang dilaw na scotchbrite. Tsss. . . . .

Nagtataka ka ba kung bakit yon ang opening song eh pang-spongebob yun at hindi pang-kuroko no basket? Eh syempre, sino bang nagsabing 10am na para sa peborit na anime ni Kei? Wala naman, di ba? Tss. . . . It's just 8am!

Ok, am I even making sense to you? Tsch, whatever! Balik na tayo sa inutos sakin.

Ramen daw ang gusto. Eh dahil wala ako sa mood magluto, instant noodles na lang. Nilagay ko na lang sa isang bowl tsaka dinagdagan ng onionsprings at fishcake saka ko hinatid sa magaling kong amo.

"Eto na ho ang ramen niyo."

"Good.", Binuksan niya ang takip ng bowl saka nilanghap-langhap ang amoy ng noodles. Too bad, instant lang yan. "Oh, nasan ang toasted bread ko?"

Whaa---! Talaga namang---! "Mag-totoast pa muna ho ako."

.His POV.

Mmm~~ In fairness, masarap siya magluto ah. Ano kayang ginawa niya para maging ganito 'to kasarap?

O.O

Ah, te-te-teka! Hindi ko siya pinupuri ah! What I'm trying to say is in reverse psychology, ok? Don't misunderstood! Walang dapat hangaan sa panget na yon! Lahat sa kanya panget! Hmph!

-----

*Ring Ringgg*

*Ring Ri---

"Yo! Bro? Uy! Tagal nating di nag-usap ah! Busy ba masyado dyan sa kompanya? Hahaha! Napatawag ka?"

Katatapos ko lang manood ng favorite kong anime nang napatawag ang kapatid ko. Wala lang naman ang napag-usapan namin, kumustahan tapos biglang may inutos sakin. Tsk, grabe talaga ang taong yun. Pinapacheck lang sakin yung darating dito sa mansyon na mga portrait, ang portrait niya, nila Dad & Mom at sakin syempre.

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon