.Her POV.
For a few months, natapos na ang aming bakasyon at babalik na ulit kami sa university. Hehehe, and guess what?
Hindi na ako makapaghintay na makita ulit si Haru! :)
Umaasa akong doon siya mag-aaral kasama ko kaya sa unang araw ng klase, naupo ako sa pinakadulong upuan ng room at hinintay siya.
Nag-iba na ang ambience ng school. Dahil siguro naninibago lang ako as a college student, a Freshman. Pero, hindi nag-iba ang ambience ng mga bulungan tungkol sa'kin. Everyone still doesn't like me. . . . but I don't care, basta nasa tabi ko pa rin ang nag-iisa kong kaibigan. . . . ang lihim kong nagugustuhan.
RECESS at wala pa rin ang Mishima Twins. Hindi kaya bukas pa sila papasok? Ano naman kayang dahilan nila? Hmmm. . .
Pero, habang naglalakad sa hallway, saktong nakasagap ng impormasyon ang radar ko. Tungkol yon kay Haru.
"Nooo~! Hindi na daw dito papasok ang Mishima Twins!", Isang babae ang umaarteng umiiyak. Kaklase ko pala siya.
"Huwhat?! Magtatransfer na sila? Where?!"
Di ako makapaniwala sa narinig ko.
Walang nabanggit si Haru na hindi na siya papasok dito. Kung totoo nga 'to, kung ganon, saan na siya papasok?
"From what I heard, sa ibang bansa na daw sila mag-aaral eh."
"Abroad?! Noo~!!"
.Third POV.
Agad nilapitan ni Aya ang dalawang babaeng nag-uusap sa di kalayuan.
"E-Excuse me. Pwede ko bang malaman kung saang bansa magta-transfer si Haru?"
" 'Haru'?! Lakas naman ng loob mong banggitin ang pangalan niya! FC ka noh?! At bakit? You're going to sunud-sunod sa kanya abroad?"
"Huh! So you're what they call 'a hell of a stalker'. Sige, sundan mo siya. Sasabihin ko sayo kung saan."
"Sis?!"
"Talaga? Maraming salamat!", Tuwang-tuwa ang dalaga at masusundan niya na si Haru!
"Go try and find him in America. In New Jersey, to be exact."
"Maraming salamat ulit!"
Mabilis na umalis si Aya. Who knows kung saan siya pupunta?
Samantala, sa naiwang dalawang babae. . .
"Girl! Bakit mo naman sinabi?"
"Relax. Di ba ang sabi ko, 'Go try'? Of course I lied. It wasn't actually in America. Hehe! >:)"
.Her POV.
Di na ako nag-aksaya ng panahon at pinaki-usapan ko ang Papa at Mama ko na pag-aralin ako sa America. And of course, sino ba namang parents ang agad-agad papayag?
Syempre, dinadaan muna nila yan sa drama, di ba? :)
"AMERICA?!!", Aba, ayos ah, Nsync ba to?
(Author's note: Hindi talaga Nsync yun kasi Nsync is a boy band. It's actually "in sync". Ginamit ko lang kasi magkatunog. So therefore, I am making a joke! Heheh. :D Hindi kayo natawa?! Alright, pwede niyo na akong laitin, dear readers. (TT__TT) )
"May dahilan ka ba, Aya? Bakit ngayon ka lang nagsasabi? Dapat nung bakasyon pa.", Naging serious ang mukha ni Papa.
"Nakalimutan ko lang pong sabihin sa inyo."
BINABASA MO ANG
Pretty-Ugly
Teen FictionIto'y tipikal na kwento ng isang PANGET. Si Aya Saavedra, 22 y/o, ay laki sa yaman pero sa kabila ng yaman na yun ay ang "di kanais-nais" niyang itsura. Pero paano kung nawala na sa kanya lahat ng yamang yun? Ano na lang ngayon ang tingin sa kanya...