*** UTOS #35.2 ***

407 10 5
                                    

.Her POV.

"It's Aya, sir. . . . . . . . . Aya Saavedra."

Inamin at isiniwalat ko na sa mag-asawang Mishima ang tunay kong pagkatao dahil sa mga sinasabi pa lang ni Mr. Mishima ay di ko maiwasang itago pa ang identity ko. Nararamdaman ko kasing unti-unti na nila akong nahuhuli.

At pagkasabi ko nga ng pangalan ko, nakita ko sa mukha nila ang isang ngiti, bakit naman kaya? Baka dahil sa nalaman nilang ako ang natitirang Saavedra. Pero sa isang banda naman ay ang biglaang pagtahimik ni Kei. Nakita kong nakayuko ang ulo niya at tila nakatitig sa sahig. Well, di ko siya masisisi kasi di niya inakalang ako si Aya Saavedra, na ako ang babaeng ininsulto, pinagtitripan, at kinamumuhian niya noon. He's shocked, of course, kaya dali-dali niya ring inexcuse ang sarili niya samin para umalis. Bakit ganon, parang nalulungkot ako? Parang. . . . . . . . . . . kumikirot ang puso ko pag nakikita kong ganun si Kei?

Nagtataka man ang mag-asawang Mishima sa pag-alis ni Kei, binaling pa rin nila ang atensyon sakin.

"I knew you are a Saavedra. But why do you have to hide it?", Tanong ni Mr. Mishima. Pero naudlot ito nang dumating ang misteryosang babae sa mansyon nung isang araw. Teka, close ba siya sa mga Mishima?

"Excuse me, tito."

"Oh, Alisha! Nice to see you again!", Tumayo si Mrs. Mishima at nagbeso kay 'Alisha' daw.

Napansin niya ako at medyo nagtataka ang itsura niya. Malamang sa alamang --- este, malamang --- iba na kaya ang feslak ko, hindi yung dating mukha nung una kaming magkakilala. "Hello, I'm Alisha Bellini.", Inabot niya ang kamay niya sakin for a handshake. "I'm sorry uncle. May kausap po pala kayo."

Nakipagkamay ako sa kanya. Bago ko pa man mapakilala ang sarili ko, inunahan na ako ni Mr. Mishima sa pagpapakilala kay Alisha. Pero ang ikinagulat ko ay nung sabihin niyang isa lang ako sa mga bisita niya. Ayaw niya bang malaman ng iba ang tungkol sakin?

"Oh, i see. By the way uncle, he said HE's here.", Rinig kong sabi niya sa mag-asawa.

"Umm, excuse me, I'll go back to our table now, Mr. & Mrs. Mishima. Nice meeting you.", Palusot ko para makaalis na doon. Tsaka kelangan kong makausap si Kei.

"We'll see you next time, then.", Paalam ni Mrs. Mishima. Yinukuan ko siya nang konti at bumaling sa asawa niya.

"Don't worry. You have my word.", Nag-aalala kasi ako na baka malaman na nang marami ang sikreto ko.

Pagbaba ko ng mini-stage, sinalubong ako ni Lili.

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon