*** UTOS #20 ***

508 11 7
                                    

.Her POV.

The next day after ng photoshoot ni kumag sa aming dating vacation house, narito ako, as usual, taga-sunod ng kalat at utos ng aking pinakamasarap tirising amo. At kung mamalasin ka nga naman, nagdatingan bigla ang mga KAURI ni kumag. And it only equates to MORE SAKIT SA ULO!! Urghh~~! >x(

At eto ang pambungad sakin --- bastusan! Ang nanguna ay yung pulang-pulang mama katabi ni kumag! Ininsulto ang pimples ko --- well, ng FACE MASK ko actually. Aba, wag niyang maloko-loko ang pimples ko! Bunga kaya yan ng pag-ibig, di ba niya alam? Tss. . . .

Okay, ayun nga. Ininsulto niya ako, ininsulto ko din siya! Ganun lang kasimple, wag nang pahirapan ang buhay! An eye for an eye, a tooth for a tooth!

". . . Matanong ko lang, RED. . ."

"Sure, ask anything, babe.", Babe?!! Kapal din ng taba sa mukha ng taong 'to ah! Ginantihan ko nga.

"Curious lang ako, kampon ka ba ni Satanas? Pulang-pula ka kasi, para bang galing kang impyerno!"

Ano? Nganga ka ngayon! Wala pala siya sakin eh! Tinalikuran ko nga at baka di na mapigil ang bunganga ko kakabara sa kanya.

5 pm nandito pa rin ang mga kalahi niya. Ayun sa kwarto ni kumag at nagliliwaliw. At ako naman, masayang nakikipaglaro kay Mao. Close na kami eh. Natutuwa kasi ako sa Siberian Husky at mukhang natutuwa din naman sakin si Mao, kanina pa nga ako dinidilaan eh. Buti na lang at face mask lang ang mukhang 'to dahil kung hindi, baka matagal nang naimpeksyon ang mukha ko sa kadidila niya sa pimples ko.

"Aya, pinatatawag ka ni Master Kei."

"Okay, pupunta na ako."

Ano naman kaya ang kailangan nun?

Pagdating ko sa kwarto niya, nadatnan ko yung pulang mama na naglalaro ng PS3 kasama yung mukhang anghel na lalaki. Tapos yung mukhang tahimik na anti-social nakadapa sa kama at nagbabasa. Si kumag naman may katawagan sa cellphone. Malamang babae niya yun. Hinahalik-halikan niya pa kunwari yung cp eh! Yung parang 'mwah mwah chup chup'. Kadirdir! x[

"Pinatawa---"

"Yun oh! Tamang timing ka. Gusto namin ng drinks."

Hala? Ano daaaw???! Utusan ba ako eh di naman sila nagpatawag sakin! KUPAAAL!!

"A-Ahem!", Balak kong ituloy yung sasabihin ko kanina. "Pinatatawag mo daw ako, YOUNG MASTER?"

Pretty-UglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon