.Her POV.
2nd day ng stay nila Lili at ng manager niyang si Sir Kyle. Wala silang dalawa ngayon dahil may individual project si Lili.
So heto ako ngayon, palihim na inaalagaan ang mga white and red roses sa secret garden kung san kami unang nagkita ni Haru.
" *sigh* So ibig sabihin pala, mali ang binigay na information sakin noon. Di pala sa America, sa Italy pala sila nagcollege. Nakooo~~ Kapag nakita ko ang babaeng yon, uupakan ko siya! Kainis!"
Kaya ako nagsasalita mag-isa dito kasi naikwento ni Lili na sa Italy nagcollege ang kambal tapos naikwento niya rin ang naging buhay nila doon. Andun pala daw kasi ang 2nd Branch ng kumpanya nila at doon daw pag-aaralan ng kambal ang pagpapatakbo ng kumpanya nila kaso eto nga, nagmodel si kumag kaya si Haru na lang ang nagpapatakbo nun ngayon. Kaya pala hindi makauwi si Haru dito. Sayang naman. . . . . (--__--)
Nga pala, natanong ko kay Lili kung ano nang itsura ni Haru. At alam niyo ba ang sabi niya? Iiiihh~~ Nikikilig akoo~~ *hiya epek*
Okay, ehem, ang sabi niya. . . . . . SUUUPER GWAPO daw! KYAAAAHH~! At di lang yun! MATURED at NAPAKAGALING HUMANDLE NG TRABAHO! Oh di ba ang cool talaga ng first love ko? YAAAAHH~~!
"Hoy! Gusto mong talian ko yang paa't kamay mo at ilagay ka sa stick?! Kung makairit naman."
Ah, ang kumag lang pala. (--__--) Nakarating ako ng salas na nag-iirit siguro.
Teka! Ibig niya bang sabihin dun eh tutuhugin niya ako sa stick!? Ano ako baboy?! x[
"Eh kung ikaw kaya ang pagpira-pirasuhin ko ang braso at binti dyan?", Asar kong sagot. Panira ka ng kilig moment ko eh!
"Aba! Lala--- *cough* *cough* Ehem. . ."
"Yan, karma ka agad tuloy. Maiwan na nga kita dyan. Marami pa akong gagawin."
". . . . . ."
Nautusan ako ni Chief na maggrocery kasama si Mang Ben, ang driver ng pamilya.
Habang naggogrocery, nakita ko sa kabila ng supermarket ang isang botika. Naisip ko bigla si kumag. Naubo siya kanina eh. Matagal akong natitig sa botika pero naibalik ko agad ang tingin sa mga pinamimili ko.
"Hmph! Wag na lang."
Papauwi na kami ni Mang Ben. Madami-dami rin ang naipamili ko.
At yung botika-something-something ko kanina? *sigh* Alright, binili ko nga. Strepsils dahil malamang nangangati lalamunan nun, then gamot sa ubo. Yun lang. Oh, walang malisya ah! I'm just doing my job. xP
Nang makarating na kami sa mansyon, dali-daling pumunta sakin si Chief. Ano naman kaya ang meron?
"Chief, bakit? Nasan ang sunog?"
Napalo ako ni Chief sa braso. "Puro ka biro, ikaw na bata ka! Dali, at puntahan mo ang young master! Ayun at siya ang inaapoy sa lagnat."
"Eh bakit di niyo pa nilunasan?", Sabi ko habang naglalakad papunta sa kwarto ni kumag.
"Eh ikaw ang gusto niya eh."
Napablush ako nang di oras. (o///o) Luh! Ano tong pinagsasasabi ko?!
I'm sure nag-iinarte lang ang lalaking yun. Tss. . . .
Pero pagdating ko sa kwarto niya, totoo ngang inaapoy siya ng lagnat. Nilapitan ko siya agad.
"Ang taas nga ng lagnat niya. Chief, kelangan natin ng medyo malamig na tubig at saka ---"
"Okay, ako na ang bahala.", At agad nga siyang umalis.
BINABASA MO ANG
Pretty-Ugly
Teen FictionIto'y tipikal na kwento ng isang PANGET. Si Aya Saavedra, 22 y/o, ay laki sa yaman pero sa kabila ng yaman na yun ay ang "di kanais-nais" niyang itsura. Pero paano kung nawala na sa kanya lahat ng yamang yun? Ano na lang ngayon ang tingin sa kanya...