"Klyden!" sigaw ko sa anak namin ng makita kong nginangatngat nanaman ang pambahay na tsinelas ko.
Agad ko itong nilapitan at dinampot ang tsinelas. Nilagay ko ito sa lalagyanan at muling dinalohan si Klyden at binuhat.
Umupo ako sa malambot na sofa ng aming bahay at humiga, niyakap ko ito ng mahigpit naramdaman ko ang kanyang pagdila sa aking pisngi. Tumawa ako.
Hinalikan ko siya ngunit agad akong napangiwi dahil sa amoy ng kanyang bunganga.
"Kumain ka ba ng tae? Amoy tae ka!" binaba ko sa sahig at pinunasan ang aking bunganga gamit ang aking suot.
Tumakbo ito papunta sa pintuan dahil bahagyang bumukas ito, nakita ko si Aiden na bumaba at binuhat ang anak at sinulyapan ako, agad din niya binaba si Klyden at muling binuksan ang pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si London na nasa kanyang likuran, gulo ang buhok nito at parang wala sa kanyang sarili.
Agad akong tumayo at nilapitan sila. Niyakap ko si Aiden at hinalikan bago ko tinignan si London na ngayon ay nakatitig sa kawalan.
"Anong nangyari jan?" bulong ko na kami lang dalawa ang nakakarinig.
Pinulupot niya ang mga kamay sa aking baywang at iginaya sa aming sofa. Pina-upo niya ako habang si London ay umupo sa tabing sofa at hinilig ang ulo at pumukit.
"Sawi ata." natatawang pahayag ni Aiden.
Tinampal ko ang kanyang balikat at matalim siyang tinitigan bigla naman ito napatigil sa pagtaw at ngumiti sa akin. Ngumuso pa.
"London," tawag ko sa kanya.
Binuksan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin ngunit pumikit ulit. Narinig ko ang malalalim na paghinga niya.
"Okay ka lang? Anong nangyare sayo?" hindi ito sumagot ngunit dumilat ulit.
"Sabi ko sayo sawi yan e." kinurot ko sa tagiliran si Aiden ngunit tumawa lang ito.
Naramdaman ko ang kanyang paghinga sa aking batok, nakiliti ako doon at naramdaman ang pagtindig ng balahibo.
Nasulyapan ko si London na matalim ang titig sa amin.
"Talagang dito niyo pa ginawa sa harapan ko?" tumaaa ang kilay nito ngunit patuloy pa din si Aiden.
Lumayo ako sa kanya ngunit agad niyang nahuli ang aking baywang at muling pinalapit sa kanyang harapan.
Umirap si London.
"Tumigil ka nga anjan si London oh." nguso ko sa kaibigan niya ngunit wala itong naririnig.
"Hayaan mo 'yan. Hindi siya gusto ng gusto niya kaya ganyan 'yan." pahayag nito at naramdaman ko ang mga labi niyang dumampi sa aking likod.
Napapikit ako at kumawala ang mahihinang ungol sa aking bibig. Muling napatingin sa amin si London at sinamaan kami ng tingin.
"Doon nga kayo sa kwarto nyo!" galit na singhal nito kaya umayos ako ng upo.
Si Aiden ay tinigil na ang kanyang ginagawa. Tinanggal ang coat at nilagay sa tabi nito at muling tinignan si London.
"Ano ba nangyare, Bro?" he asked habang tinatanggal ang mamahaling relo.
Sumulyap siya sa amin at bumuntong hininga.
Mukha ngang sawi sa pag-ibig itong si London. Gulo ang buhok at halos lumitas na ang maling eyebags nito dahil ata hindi nakatulog ng ilang araw. Kanino ba ito sawi?
"Ang hirap niya pa-amohin. Ang ilap niya sakin pero sa iba halos mapunit ang labi kakangiti." malungkot na pahayag niyo.
Tumawa si Aiden kaya matalim ko siyang tinitigan kaya napatigil naman ito.
Ngumuso siya.
"Yung Bartender nanaman ba? Ano na ulit pangalan 'nun?" Aiden asked habang may ngisi sa labi.
Bartender? Saan? Sa The Camp? Noong nakaraan araw ba iyon? Yung lalaki na kausap ni London sa may Bar Counter? Siya ba ang tinutukoy nila?
"Cole," mahinang sagot nito.
Hindi din naman nagtagal si London at agad ng umalis sa aming bahay. May pupuntahan daw ito at tiyak kong pupunta nanaman siya doon sa Bartender na sinasabi ni Aiden, napailing na lang ako at tinabunan ng kumot ang aking sarili.
Bumukas ang pintuan at tumambad si Aiden na naka boxer shorts lang habang walang suot na pang-itaas. Ngumiti ito sa akin at tinabihan ako.
Hinalikan ako sa aking labi at niyakap ng mahigpit, inamoy niya ang aking leeg.
"Dadalo ba tayo bukas?" tanong ni Aiden habang ang leeg ko ay inaamoy pa din.
Tumango ako.
"Oo, birthday ni Denver bukas at inimbita tayo sa The Camp talagang dadalo tayo." sagot ko sa kanya.
Pag gising ko kinaumagan ay wala na si Aiden sa aking tabi, bumaba ako sa hagdanan at naamoy ko na ang mabangong longgamisa na niluluto nito.
Nang makita niya akong pababa ay ngumiti siya sa akin. Pinatay ang apoy at agad na pinulupot ang kamay sa aking baywang, hinalikan ako sa aking labi.
"Hindi pa ako nagtotoothbrush." saway ko sa kanya ngunit patuloy pa din ang paghalik sakin.
"Ang bangl nga ng bibig mo eh bagay sa ano ko." biro nito kaya agad ko siyang tinampal sa kanyang balikat ngunit tumawa lang ang loko.
"Kain na tayo, Love." ngumuso ako at pinigilan ang pag ngiti.
Tumango ako at umupo na sa kanyang tabi. Sabay kaming kumain na dalawa, pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagligpit habang si Aiden ay naligo at nagbihis na dahil pupunta kami ngayon sa puntod ni Leni, bibisitahin muna namin siya bago dumiretso sa The Camp dahil kakain muna bago mag party mamayang gabi.
Umupo ako at tinanggal ang mga tuyong dahon na nagkalat sa puntod ng aking kaibigan. Ngumiti ako at nangilid ang kaunting luha sa aking mga mata.
Kung sana andito si Leni ay nakikita niya ako ngayon na sobrang saya, madami sana akong ikwekwento sa kanya sa mga nangyari sa amin ni Aiden sa nagdaang taon, mga masasakit at masasayang pangyayari.
Naramdaman ko ang mga palan ni Aiden na hinahaplos ang aking likod, ngumiti lang ako at muling tinignan ang pangalan ni Leni na naka-ukit sa bato.
"I miss you, Leni." mahinang sambit ko at tumulo ang iilang butil ng luha sa aking mga mata at hinaplos ang lapida niyo.
"I hope your doing okay and your baby angel." ngumuso ako para pigilan ang pagluha.
Naramdaman ko ang pag-upo ni Aiden sa aking tabi. Pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking baywang at tinignan ang puntod ni Leni.
"Hi! Lagi ako inaaway ng bestfriend mo." sumbong nito na parang bata.
Pinalis ko ang mga luha sa aking mata at matalim itong tinitigan ngunit tumawa lang muli.
"Ako pala 'yung gwapong asawa niya. Siguro kilala mo naman ako noon pa, ako 'yung pinakagwapo sa Eskwelahan natin noon." mayabang na pahayag nito at tinignan ako.
He claimed my lips, tinugunan ko ang bawat halik na ginagawad nito sa akin. Naramdaman ko ang kanyang kamay na nakahawak sa akong ulo para iguide ako sa halikan namin.
Pareho kaming hingal na hingal pagkatapos ang halikan namin. Ngumiti ito.
"I love you." bulong niya bago ako muli siniil ng mga malalalim na halik.
**
THANKYOU FOR READING AND SUPPORTING OUR STORY.
SEE YOU ON BL SERIES 2. VOICE IS NOW UP SANA SUPPORT NIYO PA DIN ANG SUSUNOD NA SERIES.
TYSM 💕
BINABASA MO ANG
Clicked (BL Series 1)
Roman pour AdolescentsDahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalaking myembro ng kanilang basketball team. Sa gitna ng pandemic na ito may mabubuo kayang love story...
