RTF * Start

54 4 0
                                    

Wahh "Welcome girls" masayang bungad ni Thea sa amin at kasunod naman niya si Lou habang palabas sila ng bahay para salubungin kami.

Nauna kasi silang dumating kesa sa amin.

Nagtinginan kami lahat, sabay baba ng mga dala naming gamit at sabay sabay tumakbo sakanila para yakapin.

"Oh my gosh!! i miss you Thea and Lou " masayang sabi ni Anne.

"Miss you girls" nakangiting sabi ni Joy.

"Grabe thanks God nakita ko din kayong lahat." Masayang sabi ni Zik with patalon talon pa.. (si Zik kasi sa social media lang namin nakakausap at minsan sa phone lang, masyado kasi siyang malayo sa amin eh.)

"Wah Zik baka umiyak ka niyan ha!!" Natatawang sabi ni Lou.

"Nako Girls, pumasok muna tayo sa loob ng bahay" singit ko sa kanila.

Humiwalay na kami sa pagkakayakap mula sa group hug..

Di pa kasi kami nakakapasok ng bahay baka mag iyakan pa tung mga to..

"Kj ka talaga Livie" Natatawang sabi ni Thea.

"Tama na yan pumasok na tayo, para makapagpahinga na rin kayo" ani Lou.

Mabuti pa nga..

"Teka asan si Cris?" Nagtatakang tanong Thea.

"Ah si Cris ba?" Ani Joy.

Tumango naman si Lou at Thea habang papasok ng bahay at inilapag ang mga gamit namin sa loob. Wow malaki at maganda tung bahay..

"Umalis, di ko alam kung saan pumunta." Aniya..

"Pero magkasama kayo kanina?" Tanong ni Lou.

Umupo kami sa sofa. Wah sobrang nakakapagod ang byahe ang sakit ng katawan ko..

"Oo, pero sabi niya may pupuntahan daw siya" ani Anne.

"Baka may inasikaso lang" Ani Thea.

Napatango nalang kami sa sinabi ni Thea.. Walang nakakaalam kung saan ba talaga nagpunta si Cris, mahirap ng magtanong lalo na kung si Cris ang tatanungin. Baka magmaldita lang yun..

Sandali lang kaming nagkwentuhan kasi nag aya ng umakyat sa taas si Zik dahil nga sa pagod kaming lahat sa byahe.

"Oh siya pahinga muna tayo girls ang sakit na ng katawan ko eh" ani Zik.. siya kasi ang may pinaka malayo ang byahe sa aming lima. Galing kasi siyang iligan kaya pagod na pagod.

"Mabuti pa nga, inaantok din ako eh" sagot ko, mejo malayo din ang byahe ko mula Nueva Ecija to Manila 5 hours din yun -_-

"Oh sige akyat na kayo sa taas" ani Thea.

"Hindi mo kami ihahatid?" gulat na tanong ni Joy.

"Hello Joy!! Bakit mawawala ka pa ba jan?" Natatawang sabi ko.

"Eh ang bigat ng dala ko" aniya.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon