The More You Hate!! The More You Love? #14
**Dj and Thea's Past **
Dj's Pov
Gaya ng iba, tao lang ako at nagkakamali rin. Hindi ako perpekto, nakasakit at nakakasakit ako at hanggang ngayon. Siguro nga nakalipas na yun pero... Malinaw pa rin ang lahat ng mga nangyari.
Galit siya saakin.. Oh baka nga kinamumuhiyan niya ako eh.
Pero nakaraan nalang yun at kung maaari lang ang gusto ko lang ay maitama iyon. Lahat naman siguro ng mga magkakaibigan na nagkaroon ng away or di pagkakaintindihan ay nararapat ding magkabati.
Kahit anung try kung makausap siya.. siya ang unang umiiwas. Kahit gustong gusto ko siyang makausap.
Pagnararamdaman niyang lalapitan ko siya lalayuan niya ako. O kapagkakausapin ko siya, susungitan niya ako.
Pano ko ba siya makakausap ng matino at masinsinan? Yung hindi siya magsusunget at lumalayo?.
Bakit ba napaka komplekado ng mga babae? Pagnasaktan talaga sila maaalala at maaalala pa din nila, yung pagkakamaling nagawa mo hinding hindi nila nakakalimutan.
"Asan si Thea?" Napataas ang kilay ko sa nagsalita.
"Hindi ako, hanapan ng taong nawawala." Sagot ko sakanya.
Pero napakunot din ang noo niya. "Ano bang ginawa mo sakanya at nag iba siya?" Tanong nito.
"Ginawa?" Nakangising sabi ko.
Ewan ko ba, kumukulo ang dugo ko sa isang ito. Hindi purket close sila ni Thea pwede na siyang umasta ng ganyan.
"Oo" tipid niyang sagot.
"Ano bang pakialam mo?" Tanong ko sakanya.
"May pakialam ako, dahil ayokong nakikita siyang ganun." Anito.
Hindi ko alam pero may guilt akung naramdaman. Alam ko naman na ng dahil sa akin kaya siya nagkakaganyan ngayon.
"Wag ka nalang makialam." Sabi ko sakanya.
"Wag makialam?" Nakangising sabi niya. "Hindi ko magagawang wag makialam lalo na kung si Thea ang nasasaktan." Anito.
"Hindi ko ginustong masaktan siya." Sagot ko.
Hinawakan niya yung kwelyo ng damit ko. "Pero ginawa mo." Mariin niyang sinabi.
"Pwede pa bitawan mo nga ako." Inis kung sabi at tinabig yung kamay niyang may hawak sa damit ko.
"Alam ko namang ng dahil sayo kaya siya nagkakaganun eh." Inis niyang sabi. "Nang dahil sa nakaraan na yun patuloy siyang nasasaktan."
Nagulat ako sa sinabi niya.. hindi kaya alam niya?
"Alam mo?" Nagtataka kung tanong pero ngumiwi lang siya. "Hindi niya sinabi sa akin, pero mula ng dumating ka yang nakaraan na yan ang palagi niyang bukam bibig." Anito at nakakuyom ang kanyang mga kamao..
Hindi ko alam kung anung sasabihin ko. Para bang na blangko ang isip sa mga sinabi niya.
"Sa tagal naming magkakilala at magkasama ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Masayahin siyang tao, madaldal pero ngayon." Huminga siya ng malalim. "Nag iba siya. Bihira nalang siyang ngumingiti, at magsalita ngayon. Dahil napaka lalim ng kanyang iniisip." Anito.
"Kasalanan ko ang lahat." Nakatungong sabi ko.
"Oo kasalanan mo ang lahat ng ito." inis niyang sabi. "Nang dahil sayo nagkakaganyan siya. Nang dahil sayo parang hindi ko na siya kilala." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
RandomThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____
