A Nightmare
Livie's Pov
"Grabe naman kayo, hapon na pero gusto pa ninyong sumakay ng bangka para lang makita ang Sunset" sabi ko sa kanila.
"Maganda daw kasing pagmasdan ang Sunset pag nasa gitna ka ng dagat." Ani Thea.
Napataas naman ako ng kilay..
"Kailang ka pa nahilig sa mga ganyan?" tanong ko sa kanya.
"Eh basta.. tara na." Pagpupumilit niya.
Lumingun ako sa mga kasama ko at nagsingitian lang sila.
"Hay!! Ano pa nga ba." sagot ko.
Wala na din naman akung magagawa dahil kami nalang ni Sam ang narito sa baba ng bangka at nakasampa na silang lahat.
"Ayun oh."
"Oh Yeah."
"Tara na."
"Umakyat na kayong dalawa." Atat namang sabi ni Joy.
Ewan ko ba sa mga to, hapon na pero gusto pang pumalaot sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit eh.
Hay.. ewan.. bahala na nga.. sabi ko sa sarili ko. Tinignan ko tung katabi ko at tinanguaan at nginitian lang ako.
Inalalayan nalang niya akung umakyat ng bangka. Ng makaakyat na kaming dalawa ay pinagana na ring yung makena ng bangka.
Masaya ang lahat na nagkwekewentuhan habang nagtatawanan.. Medyo palubog na rin yung araw. Ang kulay ng kalangitan ngayon ay parang pink na medyo violet na parang orange ang gandang pagmasdan. Tama nga sila magandang panuorin ang Sunset dito sa gitna ng laot. Dahil nagrereflect yung Sunset sa dagat.
"Wow ang ganda" -Anne
"Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda" -Cris
"Sana wag na tung matapos" -Zik
"Hindi ko maipaliwanag tung sayang nararamdaman ko ngayon" -Lou
"Para kung nasa ibang planeta" -Joy
"Sabi ko sa inyo eh, magugustuhan ninyo." -Thea
"Oo na." Sabay sabay naming sabi.
"Hahahaha"
Sabay ding nagtawanan ang lahat. Hindi matangal yung ngiti naming lahat habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Katabi ko si Sam. At magkakatabi naman yung mga magkakasintahan.
Ang sayang pagmasdan na masaya ang lahat.
"Teka.. anung nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Lou.
Lumubog na yung araw at lumalakas yung alon ng dagat lumalakas na din yung hangin.
Tumingin ako sa mamang nagmamaneho ng bangka na sinasakyan namin.
"Manung may problema po ba?" Tanong ko.
"Ma'am, Sir.. nasira po yung bangka at mukang masama po yung lagay ng panahon." Anito.
"Ano?" Pasigaw na sabi ni Cris.
"Girls isuot ninyo tung mga life jacket." Ani Sam.
Hindi ko alam kung anung mangyayari sa amin ngayon. Lumakas pa ng husto yung paghampas ng alon sa bangka na sinasakyan namin. Maging yung hanggin sobrang lakas na rin. At isama mo pa na madilim na.
BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
AléatoireThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____