Second Chance #25

8 2 0
                                        

Second Chance #25

**Heart to Heart talk**

Anne's Pov

Pahinga ko ngayon at masminabuti ko nalang na wag lumabas ng bahay.. dahil hanggang ngayon naguguluhan pa din ako sa nararamdaman ko..

Sometimes the bad things that happen in our lives put us directly on the path to the best things that will ever happen to us.

"Anne anjan ka ba?" Napahinto ako sa pag iisip dahil sa kumakatok.

"Ah oo." Sagot ko at bumangon ako ng kama para pagbuksan ng pinto yung kumakatok.. hindi ko kasi nabosesan kung sino ba yung kumakatok eh..

Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko ng makita ko si Livie.. For the first time, kumatok siya sa pinto ko at narito siya sa bahay.. sabi ko nga sa inyo halos hindi ko na siya naaabutan dito sa bahay at hindi ko din siya madalas makita.

"Parang nakakita ka ng multo" anito.

"Nagulat lang ako kasi narito ka.."

"Gusto kasi kitang makausap." Anito.

"Oh sige.. halika pasok ka." Sabi ko sabay papasok sa kanya sa kwarto ko..

Bakit ba parang napakaseryoso ng pag uusapan namin..

Umupo siya sa kama ko at ganun din ako.. ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.

"I know may problema ka." Bungad niya kaya napatingin agad ako sa kanya..

"Pano mo nalaman?" Nagtataka kung tanong..

Ang pagkakaalam ko wala siyang balita sa lahat ng nangyayari sa loob ng bahay na ito dahit palagi siyang wala.

"Just answer my question Anne" anito ng nakatingin parin sa akin.

Huminga nalang din ako ng malalim.. at mukang sa kanya ko lang mailalabas ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.

"Yeah.. may problema ako, at hindi ko alam kung papano haharapin ang lahat ng to." Sagot ko.

"Naguguluhan ka lang Anne." Anito.

Napatingin ako sa kanya at napangiti ng mapait.

"Yeah maybe naguguluhan lang ako.. Pero alam mo yung mahirap dun.. Ang hirap magpretend na wala kang alam sa lahat ng nangyayari." Napayuko nalang ako dahil feeling ko anytime tutulo na yung luha ko..

"Alam kung nahihirapan ka Anne.. pero bakit pinipili mung masaktan kesa maging masaya?"

Natigilan ako sa tanong niya.. bakit nga ba? tanong ko sa sarili ko.

"Maybe natatakot akung sumugal.. Na mawala siya sa akin." Sagot ko.

"Alam mo sa tingin ko pareho kayong natatako sumugal.. na natatakot kung ano ang mangyayari in the near future.. pero isipin mo Anne.. bakit kailangan mung pigilan yung nararamdaman mo kung alam mo namang mahal ka din naman niya?"

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ganito ba talaga ang mga Writer/Author? Nahahalata nila yung nararamdaman ng isang tao dahil sa simpleng magtingin o kaya pagmamatiyag sa isang tao?.

"Hindi ganun kadali yun.. Kung maaari ayokong maging kami ni Alden kasi ayokong itapon yung friendship namin.. ayokong masayang yung pinagsamahan namin dahil hindi magwowork yung relationship namin sa bandang huli."

"Bakit yun agad ang iniisip mo? Na hindi magwowork yung relationship niyo? Bakit hindi mo siya bigyan ng SECOND CHANCE na mahalin ka hindi bilang best friend.. at bakit hindi mo bigyan ng SECOND CHANCE ang sarili mung mahalin ang best friend mo! Para hindi kanalilito ng ganyan."

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon