New Life #30
**I will do Everything**
Sam's Pov
Hindi ko pa din matanggap ang lahat ng naging desisyon niya, pero sino ba naman ako para pigilan siya sa mga plano niya? Ayokong mahirapan siya ng dahil sa akin. And i will do everything just for her. Kahit mahirap kakayanin ko, ganyan naman pag mahal mo ang isang tao, kahit sobrang hirap kayayanin mo. Para maipakita sa kanya kung gaano mo siya kamahal.
Dalawang araw nalang aalis na siya. Pero hindi ako papayag na umalis siya ng mag isa.
Madami na kaming problema na hinarap ng magkasama at kahit na magkalayo kami. Pero ngayon hindi na ako papayag na harapin niya ang lahat ng ito ng mag isa. Dahil ang gusto ko ngayon magkasama kaming haharap sa mga pagsubok na darating sa buhay ng bawat isa sa amin.
Kung tatanungin niyo kung nasaan ako ngayon papunta ako sa bahay nila Livie, yung bahay na kasama niya ang mga kaibigan niya. And i want to know them.
Wala si Livie ngayon umuwi sa probinsya para magpaalam sa pamilya niya. Gusto ko sanang sumama pero pinigilan niya ako. Babalik din daw siya bukas at tamang tama para sa mga plano ko.
Naalala ko nanaman yung usapan namin kahapon. Hindi ko mapigilang hindi malungkot. Hindi ko nakikitang umiiyak si Livie noon, kilala ko siya bilang isang masiyahin at makulit na babae. Pero sa nakita ko kahapon ibang iba siya.
Dun ko lang siya nakitang umiyak. Sa tingin ko palang sa kanya parang nadudurog na yung puso ko.
Ayoko siyang nakikita ng ganun. Hindi siya mahinang babae na basta basta nalang iiyak ng ganun. Wala lang akung nagawa kung hindi ang yakapin siya hanggang mailabas niya kung lungkot na nararamdaman niya.
Mabuting tao si Livie kaya nga sobrang mahal ko siya, at madami ding nagmamahal sa kanya. Dahil kakaiba siya sa lahat. Hindi niya ipinapakita na kahit nasasaktan na siya nagagawa pa din niyang ngumiti. Kahit sobrang naiinis na siya kaya pa din niyang kontrolin yung emusyon niya. Kahit nahihirapan na siya sige pa rin siya. Kaya niyang sarilihin yung mga problema niya na hindi humihingi ng tulong sa iba, malalaman mo nalang na may problema pala siya pero nagawan na niya ng solusyon ang problema niya. At dahil dun mumanga ako sa kanya ng husto.
Naaalala ko nga nung makilala ko siya, sobrang snob niya at napakasuplada. Ang akala ko hindi ko siya makakasundo pero mali ako.. sa una lang pala siya snob at suplada dahil ganun talaga siya sa mga hindi niya kilala. Pero pagnakilala mo siya ng husto sigurado akung magugustuhan mo siya ng sobra. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang tumawa at maging masaya. Ayaw kasi niya ng tahik or maybe pag may ginagawa or busy siya dun lang siya tahimik pero pagmagkasama kami sobrang ingay niya.
Napapangiti nalang ako habang naaalala ko ang mga bagay na yun.
Hindi ko napansin narito na pala ako sa tapat ng bahay nila.
Huminga ako ng malalim at lumabas ng sasakyan ko.
Saktong pagbaba ko ng sasakyan at sakto ding pagbukas ng gate ng bahay. Napatingin ako sa babaeng lumabas, kung hindi ako nagkakamali siya si Anne. Kilala ko silang lahat sa pangalan man at itsura, dahil naikwento na ni Livie sa akin ang mga kaibigan niya. At nagsesend din siya sa aking ng mga pictures nila, kaya wag na kayong magtaka kung bakit kilala ko sila.
Lumapit ako rito at mukang gulat na gulat siya nung makita niya ako.
"Teka! Sam ikaw ba yan?" Tanong niya sa akin.
Ngumiti lang ako at tumango bilang sagot.
"Teka wala dito si Livie. Kung siya man ang pakay mo dito." Aniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/48511439-288-k395449.jpg)
BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
CasualeThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____