Second Chance #26

11 2 0
                                    

Second Chance #26

**Best friend**

Anne's Pov

Sa sobrang pag iisip ko kagabi kung ano bang gagawin ko! Kung pupunta ba ko sa sinasabi ni Livie, na pumunta ko ng CCF basketball court oh hindi.. kinakabahan kasi ko kung anung maaaring mangyari mamaya.

Tinignan ko kung anung oras na sa side table ko.. 9:00 am na pala.. napag isipan ko nang bumangon at pumunta ng banyo para mag ayos ng sarili. Mamaya na ko maliligo tutal maaga pa naman, 11:00 am pa kami pupunta ng Church para sa Second Service.

Paglabas ko ng kwarto, walang maingay.. napakatahimik ng paligid..

Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko si Cris sa salas nakaupo habang nanonood ng t.v..

"Oh gising kana pala." Nakangiting sabi ni Cris.

"Ah oo." Sagot ko at nagpunta kung kusina para uminom ng tubig.

"Asan yung iba?" Tanong ko habang kumukuha ng tubig.

"Malay ko." Anito at tinuon lang ang atensyon niya sa panonood niya.

"San kaya sila nagpunta?" Bulong ko sa sarili ko, pero mukang narinig niya. Narito na din pala siya sa kusina.

"Ikain mo nalang yan" ani Cris at naglagay ng dalawang plato sa dinning table.

Hindi ko alam pero may kakaiba akung nararamdaman.. Pero kung ano man yun, yun ang hindi ko alam.

"Tara kain na." Ani Cris habang nakaupo na ito, bat ganun? nalulutang ata ang isip ko ngayon.. hindi ko maintindihan tung sarili ko. Hindi naman ako dating ganito.

"Hoy.. Anne" kinakaway kaway ni Cris yung kamay niya sa harap ko.

"H-ha?" tanong ko sa kanya.

"Maupo ka nga Anne!! Ikain mo nalang yan." Ani Cris at umupo ulit ito sa tapat ko..

Ibinaba ko nalang yung basong hawak ko at umupo na rin para makapag almusal na.

"Bat ba natutulala ka?" Tanong niya sa akin.

"Wala may iniisip lang ako." Sagot ko.

Habang kumakain lang kami parang yung masayang Cris na nabungaran ko kanina eh biglang lumungkot..

"Anung problema mo?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "May time pala na hindi mo maiintindihan ang isang tao, hanggang hindi mo nagagawang intindihin ang mga bagay bagay na nakapalibot sa inyo." Anito.

"Anung ibig mung sabihin?" Nagtataka kung tanong..

"Ngayon ko lang kasing naisip, kung makaasta ako akala mo Girlfriend na ko ni Chris.. oo sinabi niyang special ako sa kanya, na gusto niya ako.. pero hindi pa pala kami.. feeling ko tuloy nasasakal ko na siya." Nakatungong sabi nito.

"Cris! Hindi naman siguro yun yung nararamdan ni Tian, kasi pagnakikita ko kayong magkasama masaya naman siya at nakikita ko din yung pagiging kontento niya sayo.. malay mo! Kaya hindi ka pa niya tinatanong kasi inienjoy pa niya yung ligawan stage ninyo." Sagot ko.

Tumingin lang siya sa akin at hindi sumagot. "Magtiwala ka kay Tian.. alam naming mahal ka nun at hindi ka niya sasaktan.. Malay mo one of this day tanungin kana niya at maging official Boyfriend mo na siya."

Napangiti nalang siya sa sinabi ko..

*ding dong*

Napatingin kaming pareho sa pinto..

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon