Friendship and Love #6
**Anung Nangyari?**
Lou's Pov
Madali lang namang sabihin in love ka na eh, ang mahirap? Ang panindigan at patunayan ito. Kung sasabihin mung mahal mo ang isang tao, dapat patunayan mo ito at hindi yung puro salita ka lang. Dahil madaling sabihin pero mahirap gawin.
Sa Love nagiging masaya ka, pero sa huli masasaktan ka at mapapagod.
Yung feeling na!!
Ayoko na!
Tama na!
Pagod na ko!
Hindi ko na kaya..
Pero sa huli, makakapag Move on din tayo.
Pero saakin kung kailan unti unti ko na siyang nakakalimutan tska ulit siya magpapakita at magpaparamdam.
Parang nang aasar lang no?
Hanep si TADHANA gumagawa pa ng way para magkita ulit kami.
Para ano? Para ipaalala yung sakit at pagpapakatanga ko sakanya?
Tapos ang pinaka nakakatawa yung makikita ko ulit siya kasama ng mga kaibigan ko, at take note close pa sila. Pagkatapos ng ilang taon na iniwan niya ako ng walang closure, bigla niya akung guguluhin!!
Ano ba ang dapat kung maramdaman??
Maaaperktohan parin ba ako at masasaktan? Ang hirap naman kasi eh, kahit anung iwas ko. Kahit anung gawin ko hindi niya ako tinitigilan.
Kung maaari lang ayoko siyang makita o makausap manlang. Ayokong marinig yung mga paliwanag niya. Dahil natatakot ulit akung masaktan ng dahil lang sakanya. Ayoko na ulit maranasan yung sakit na naranasan ko nung una. Nakakadala at nakakapagod na.
Yung puso ko pagod na pagod na.
Sana lang makaya ko pa ang pag iwas sakanya.
***
Sabi nga sainyo, hindi nagkakalayo ang mga kwento naming magkakaibigan. Kung bakit ba kasi nauso pa yang salitang pag ibig eh. Ang daming nasasaktan dahil sa pag ibig na yan.
Kung pwede lang sana, hindi nalang siya nauso para walang sakit na nararamdan ang mga tao.
"Tulala ka"
Napatingin ako sa nagsalita. Nginitian ko siya "wala naman may iniisip lang." Sagot ko.
"Okay" aniya.
Tumingin siya sa ibang direksyon, at huminga ng malalim.
"Napapansin ko ngayong mga nakaraang araw, napakalalim ng iniisip mo." Aniya.
Tumingala ako, narito kami sa garden ngayon. Mejo makulimlim kaya dito ako pumunta. Para makapag isip isip.
"Mejo lang naman." Sagot ko.
"Tska napapansin ko, di kayo ganung nagpapansinan ni Joy" anito.
Napakunot ang noo ko sa narinig ko. "Yan ba ang nagagawa ng imagination mo?" Natatawa kung tanong.
"Hindi lang ako ang nakakapansin nun Lou." Seryoso niyang sabi "pagkatapos nung pangyayari na pumunta dito si Jesse at Nikko, parang ang cold ng pakikitungo ninyong dalawa." Ani Livie.
BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
RandomThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____