New Life #32
**The Present**
Mahalaga? Yes.. sobra.. kaya nga natatakot akung iwan silang lahat. Pero kailangan eh, ganun ata talaga sa buhay. May darating sa buhay mo pero hindi pangmatagalan kung hindi pangmabilisan. Pero para sa akin, dumating sila sa buhay ko kasi may dahilan. Siguro para matuto sa mga kwento ng bawat isa. Makisama sa iba't ibang ugali ang meron ang lahat. Pero kahit ganun nagkasundo kaming lahat.
"Ay oh si Thea kanina pa kumakain." Mapang asar na sabi ni Paul.
Napalingon ako kay Thea at oo nga kanina pa siya kumakain.
"Ano bang pakialam mo?" Mataray na sabi nito kay Paul.
"Hahaha Thea oo nga kanina ka pa kumakain" sabi naman ni Lou habang natatawa pa.
"Bakit ako nanaman ang nakita ninyo? Eh ayan si Cris ko, kumakain din naman siya ah." Anito at nag pout pa.
Napatingin naman ako kay Cris, hahaha tama nga si Thea kumakain pa nga siya.
"Wag nga ako si Livie din naman kanina pa kumakain." Ani Cris at itinuloy lang ang pagkain.
Medyo nagulat ako sa sinabi niya kasi ang alam ko galit at pa din siya sa akin. Pero dahil dun napangiti nalang ako. Medyo awkward kasi yung nararamdaman ko nung makita ko siya, dahil nga sa hindi pa kami nagkakausap ng maayos mula nung nagalit siya sa akin.
"Sa nagugutom ako eh." Nagpout nalang ako.
"Hmfff Ang tatakaw ninyo.." natatawang sabi ni Nikko.
Napatingin kami nila Thea at Cris kay Nikko.
"Woww hiyang hiya naman kami sayo." sarkastiko naming sabi sa kanya.
"Ikaw pa talaga ang nasabi niyan ha." Ani Joy na nasa tabi ni Nikko.
"Hahaha yang muka mo Nikko para kang bata kung kumain." Ani Jesse.
Ang kalat kasing kumain eh... hahaha
.
.
.
Pagkatapos naming kumain nagpristinta ng magligpit sila Anne, Zik, Lou at Thea ng pinagkainan namin. Kahit gusto kung tumulong ay pinigilan nila ako, magpahinga daw muna ako dahil alam nilang pagod ako sa biyahe.. hindi na din ako nagpumilit kasi medyo pagod pa nga ako.
Narito ako ngayon sa may ilalim ng puno ng niyog. Pinagmamasdan ang dagat, ang ganda parang may mga kristal na kumikislap kislap dito. Dahil sa sikat ng araw kaya ngayon makikita mo yung ganda ng paligid, maging yung mga buhangin parang may mga kristal ang ganda lang pagmasdan..
"Livie." Napalingon ako sa tumawag sa angalan ko.
"Cris" Nagtataka kung sabi.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya.
"Sure." Sagot ko.
Umupo siya sa tabi ko.
Tumingin siya sa dagat at ganun din ang ginawa ko.
"Sorry ha!"
Napalingon ako sa kanya ng wala sa oras.
Tumingin din siya sa akin at nagsalita ulit. "Sorry kasi hindi ko pinakingan yung mga paliwanag mo, siguro hindi ko lang natangap nung una na iiwan mo kami ng basta basta, alam mo namang tulad mo mahalaga din sa akin ang pagkakaibigan nating lahat. Mahalaga kayo sa akin, kaya sorry ha! Kung nung una hindi kita pinakingan." Aniya nakikita ko sa mga mata niya ang pagkalungkot.

BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
AléatoireThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____