The Writer #39

5 2 0
                                        

The Writer #39

Livie's Pov


Masayang magkaruon ng mga kaibigan na silang tatayo bilang pangalawa mung pamilya. Na kahit malayo ka sa pamilya mo hindi ka nag iisa. Kasama mo ang mga kaibigan mo sa saya o drama ng buhay mo. Sila ang mga matatakbuhan mo sa lahat ng pagkakataon.

Masaya ako na masaya sila sa piling ng taong mahal nila. Nakikita ko yun ngayon sa muka ng bawat isa.

"Masaya 'ko at masaya ka ngayon" anito habang nakayakap mula sa likuran.

Narito kami sa veranda ng bahay at tanaw namin mula dito kung ano ang pinaggagagawa ng mga kaibigan ko.

"Salamat" sagot ko..

Kinalas ko yung pagkakaakap niya sa akin at humarap sa kanya.

"Alam mo kung hindi dahil sa kanila malamang bago ka dumating nabaliw na ko." Pag uupisa ko. "Akala ko kasi nung una kaya kung malayo mula sayo" hinawakan ko yung kaliwang pisnge niya "pero hindi pala, hindi ko pala kaya.. pero mukang mauulit nanaman ang pangyayaring yun" ngumiti ako ng mapait. Ayokong makita niya kung mahina at nasasaktan. "Pero wag kang mag alala kakayanin kung malayo ulit sayo Sam" hindi ko na napigilan yung luhang kanina pa gustong kumawala mula sa mga mata ko "alam kung mahirap pero mag titiis ako." Pinili kung ngumiti.

Pinunasan niya yung luhang pumatak mula sa aking pisnge.

"Alam kung nahihirapan ka." Aniya at hinawakan ang kanang pisnge ko. "Pero tandaan mo, hindi ka nag iisa" nakipagtitigan siya sa akin at ngumiti. "Kung nuong una nakaya nating magkahiwalay, pero sa ngayon? hindi na ko papayag na isakripisyo nanaman natin tung relasyon natin ng magkalayo." Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anung ibig niyang sabihin. "Madami na tayong napagdaanan, pero tignan mo! Hanggang ngayon matatag pa din tayo. Hindi na ko papayag na malayo ka ulit sa akin."

"Anung ibig mung sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Sasama ko sayo Livie. Hindi ko na hahayaang magkahiwalay pa tayo, hindi ko hahayaang haharapin mo ang lahat ng 'to ng nag iisa. Dahil gusto ko, haharapin natin ang bukas ng magkasama."

Natulala nalang ako sa mga sinabi niya. Para bang di makapasok sa utak ko lahat ng sinabi niya.

Dahil hindi ko alam kung anung sasabihin ko niyakap ko nalang si Sam ng mahigpit.

"Sasama ka sa akin?" Paninigurado ko.

Humiwalay siya sa pagkakaakap ko sa kanya at hinawakan yung dalawa kung kamay at tumango ng nakangiti.

Kung kanina kumawala yung luha ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko kanina, ngayon kumawala yung luha ko sa sobrang saya.

"Pero pano? Tska bukas na ng gabi ang alis ko? Pano ka?" Nagtatakang tanong ko.

Hinawakan niya ang nagkabilang pisnge ko at pinunasan ulit ang mga hula ko. "Wag ka ng mag alala naayos ko na ang lahat. Kaya sabay tayong aalis." Anito.

Sa sobrang tuwa ko niyakap ko nalang ulit siya. Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdan ko ngayon.

Masasabi kung napakaswerte ko, dahil siya ang lalaking minahal ako at minahal ko.

Sinung makakapagsabing ang isang gaya niya ay kayang magsakripisyo makasama lang ako. Na kayang isuko ang lahat para sa isang gaya ko.

Napakaswerte ko at dumating siya sa buhay ko.

"Salamat Sam" nakangiting sabi ko.

"Ayoko ng sumugal ulit, sumugal na magkahiwalay ulit tayo. Gusto kung makasama ka Livie, at maging masaya naman tayong dalawa." Anito.

Naghiwalay kami mula sa pagkakaakap at hinawakan niya yung magkabilang pisnge ko at unti unting lumapit ang muka niya sa muka ko, hanggang sa maglapat ang labi niya sa noo ko. Napangiti nalang ako.

Humarap ako sa dagat at yumakap ulit siya mula sa likuran ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko at sabay naming pinagmasdan ang mga kaibigan ko, namin na masayang nagkakagulo sa dalampasigan..

Sana sa pangalawang buhay makasama ko ulit sila.

Sa mga gulo ng buhay maslalo kaming tumibay.

Kung wala sila hindi ako magiging masaya ng ganito.

Ang pangalawa kung pamilya..

Ang aking mga kaibigan.

At ang lalaking kayang isakripisyo ang lahat para sa akin.

Ang lalaking nagbibigay ng kulay sa buhay ko.

Ang lalaking gagawin ang lahat para sumaya ako.

Madami man kaming napagdaanan pero heto kami ngayon, nakatayo at matatag na humaharap sa hamon ng buhay.

Si Sam!!

Ang lalaking nagpakita sa akin kung gano ba ako kahalaga.

Kung ano ang silbi ko sa mundong ito.

Ang lalaking pinakamamahal ko.

My Everything :)

My Happiness

My Love

And

My Life..

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon