MS. MALDITA MEETS MR. NICE GUY #1
**THE PAST **
MariCris's POV
Pagbabang pagbaba ko palang ng bus kanina siya agad ang nakita ko. Nakakainis lang na makita ulit ang pagmumuka niya. Pero hindi ko lang pinahalata dahil panigurado matatanong si Joy, at ayokong malaman pa niya.
Nag antay kami ng ilang minuto bago dumating si Livie andito kasi kami sa Bus Terminal, sabi kasi niya sabay sabay na daw kaming pumunta sa bahay na tutuluyan namin.
Natawa nga ako nung nalaman ko yung pangalan ng village eh.. akalain mo SASSY VILLAGE ang pangalan nun, oh san ka pa?. Pangalan ng grupo namin yun SASSY GIRLS. :))
Nagkwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa dumating na din sila Zik at Anne.. Sinundo pala ni Anne si Zik sa Airport kaya pala natagalan sila.
"Ano tara na?" Tanong ni Livie at tumayo na sa kinauupuan namin.
"Mabuti pa nga gusto ko na ding makita yung dalawa" excited na sabi ni Zik.
"Hahaha hindi ka masyadong excited Zik!!" Natatawang sabi ni Joy.
"Yeah first time to" aniya.
"Ano pa nga ba so tara na?" Tanong naman ni Anne.
"Yeah sure" sabay sabay nilang sabi.
Nagtayuan ang lahat at kanya kanyang dampot sa mga gamit nila.
"Girls mauna na kayo." Sabi ko.
Napatingin silang apat sa akin.
"Dang san ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Joy.
"May kailangan lang akung asikasuhen." nakangiting sagot ko..
May kailangan lang akung kausapin, dahil kanina pa niya ko tinitignan at kanina pa din ako naaasar.
"Sigurado ka ba jan? Samahan ka na namin!!" Ani Anne.
"No need, alam ko pagod kayo sa byahe kaya masmabuti pang puntahan na ninyo yung bahay natin, para makapag pahinga." Sagot ko. Ayoko kasi na pati sila maabala pa.
"Sure ka Dang?" Nag aalalang tanong ulit ni Joy.
Tumango nalang ako bilang sagot.
Sinabi sa akin ni Livie yung instructions papunta sa bahay namin. Hindi naman siya mahirap hanapin kaya napatango nalang ako habang pinapaliwanag niya.
Pumara kami ng Taxi para maka uwi na sila agad.
"Dang ikaw ng bahala sa mga bagahe ko." Sabi ko kay Joy.
"What?" Gulat niyang tanong.
"Hindi mo narinig?" Taas kilay kung tanong.
"Sabi ko nga" aniya. Pero makikita mo ang pagkairita niya.
Sorry couz alam ko mabigat yan pero kaya mo yan.. hahaha
"Sige alis na kami, mag ingat ka ha?" Ani Zik.
Tumango at ngumiti lang ako bilang sagot.
Pumasok silang apat sa Taxi pero hindi sila kasya dahil sa mga maleta kaya tumawag pa kami ng isang taxi.
Si Joy at Livie ang magkasama sa isang taxi at sa isa naman ay sila Anne at Zik..
Naunang umalis ang taxi na sinasakyan nila Livie at sinundan naman ng taxi na sinasakyan nila Zik.
BINABASA MO ANG
ROAD TO FOREVER
AléatoireThe 7 Faces of Love (Sassy Princesses Story) Written By: LivieGamit Date Started: September. 2015 Finished: ____
