Special Chapter

12 4 0
                                        

Special Chapter (Christian and Cris Love Story)

**Angels Brought Me Here**

Cris's Pov

Sobrang saya na makitang napakasaya ni Anne ngayon, kahit sabihin nating hindi ako ganung nakatulong.

Pero hindi ko maiwasang hindi malungkot ngayon. Nagtatampo pa kaya siya sa akin? Kaya ba wala pa din siya rito?. Parang gusto ko tuloy mainggit ngayon. Lahat ng narito may kapartner samantalang ako wala.

Sila Jesse at Lou..

Sila James at Zik..

Sila Paul at Thea..

Tapos sila Alden at Anne..

Pero teka wala din pala sila Nikko, Joy, Livie at yung taong pinakamamahal ko si Christian.

Sana naman bago matapos ang araw na to magkaayos na kami.. i miss him so much.. kahit sabihin na nating dalawang araw palang kaming hindi nagpapansinan. Kagaya kahapon, sobrang awkward ng pakiramdam ko. Kahit na gustong gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa. Kinakain kasi ako ng pride ko, kaya minsan naiinis nalang ako sa sarili ko, ng dahil sa mga inaasal ko eh. Pero kahit ganun pilit pa din niya akung iniintindi.. samantalang ako nagpapakaselfish. Parang gusto ko tuloy maiyak kahit na napakasaya ng mga nakapaligid sa akin..

Natapos na yung surprise na inihanda ng lahat pero wala pa ding unaalis, kaya napagpasyahan ko ng umalis nakakabitter kasi eh. Sobrang sweet ng lahat tapos ako nakatunganga ng mag isa. Kaya masmabuti pang makalayas nalang.

Tumalikod na ako at saktong pababa na ko ng hagdan ng biglang may nagtakit ng mga mata ko..

"Wahhh hanep tigilan ninyo ko sa patakip takip ninyo ng mata ko.. baka mamaya mahulog ako sa hagdan.." sabi ko habang hawak hawak yung panyong nakatakip sa mata ko. Pero wala pa din maslalo lang nilang hinigpitan yung tali at hinawakan yung dalawang kamay ko..

"Ano bang trip ninyo?" Tanong ko.. pero gaya kay Anne kanina walang ni isang sumagot sa akin..

Aba pinagkakaisahan ako ng mga lokong to ah.. "Makikita ninyo pag ako nakawala dito humanda kayong lahat." pagbabanta ko sa kanila pero, narinig ko lang silang pinagtatawanan ako..

Aba talagang nagawa pa nila kung pagtawanan ha..

"Bahala nga kayo jan kung ayaw ninyong sabihin kung anung trip ninyo." Sagot ko nalang.

Inalalayan lang nila akung maglakad papuntang elevator. At pagpasok namin ng Elevator may kaba akung naramdaman.. kaba at the same time excitement..

Hindi ko maipaliwanag kung ano ba tung nararamdaman ko ngayon.. Akala ko ba si Anne lang ang may ganitong drama? Eh bakit pati ako meron? Nakakahiya tuloy buti nalang walang ganung tao dito sa CCF sa ganitong oras kasi 3rd service na, kaya mangilan ngilan nalang ang mga tao dito sa labas, na makakakita sa pinaggagagawa ng barkada.

*ting*

Nagbukas yung elevator at inalalayan nalang nila akung lumabas.

Habang naglalakad kami biglang bumibilis yung tibok ng puso ko.. ganito din ba yung naramdaman ni Anne kanina? Na walang kaalam alam sa lahat ng nangyayari sa paligid?

Hindi ko namalayan nakahinto na pala kami.. feeling ko asa labas na kami ng CCF dahil nararamdaman ko na yung hangin na dumadampi sa balat ko..

Dahan dahan nilang tinangal yung takip sa mga mata ko, unti unti kung idinilat yung mga mata ko, nung una hindi ko pa maaninag kung ano ba yung nasa paligid ko.. pero ang unang una kung nakita eh yung taong akala ko nagtatampo pa din sa akin. Pero nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Yung ngiting tutunawin ka habang nakatitig siya sayo.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon