The Nurse #37

9 3 0
                                    

The Nurse #37




Zik's Pov





Love at First Sight?

Sabi nila bihira lang daw ang ganyan..

Yung bang magkakagusto ka sa isang taong ngayon mo lang nakilala o nakita.

Na mahuhulog agad ang loob mo sa taong wala pang ilang segundo..minuto.. oras o araw mo siyang nakikilala.

Pero sa akin nangyari yun.. hindi lang sa akin pero pati rin sa kanya..

Nakakatawa mang isipin pero mukang napaglaruan kami ni tadhana.

Si tadhana na mismo ang gumawa para magkita at magkakilala kami.

Sino bang makakapagsabi na yung isang aksidente naming pagkakabanggaan sa Church ay nasundan pa sa araw ding yun.. na siya pala ang apo ng matandang nakasundo ko sa ospital.

Siguro nga maliit ang mundo para sa aming dalawa..

Maliit ang mundo namin ni James kaya kahit ilang billion pa ang tao dito sa mundo, napagtagpo kaming dalawa sa iisang lugar.

Nung una aaminin ko natatakot ako sa nararamdan ko para sa kanya.. dahil baka paghanga lang to, kasi sobrang mahal na mahal niya ang lola niya, paghanga kasi nakakaattract ang mga lalaking ganun.

Pero habang tumatagal ko siyang nakakasama at nakikilala.. lalo lang akung napapalapit at napapamahal sa kanya.

Hindi ko maiwasang matuwa dahil alam kung pareho kami ng nararamdaman. Pareho kaming masaya kung anung meron sa amin ngayon.

Wala namang nagbabawal na maging masaya sa piling ng taong nagbibigay ng kasiyahan sa buhay nila.

Pag nagmahal ka kasi hindi utak ang ginagamit, kung hindi ang puso.

Na kahit anung dikta ng utak kung hindi naman pinapakingan ng puso wala rin. Kailangan pareho sila ng dinidikta para masabi mung MASAYA AKO, sa kung anung nararamdaman ko. :)

Ikaw ang gagawa ng sarili mung kasiyahan.. Dahil Choice mo yan kung magiging masaya ka oh magiging malungkot ka..Tandaan mo yan.. :)

"Where's the other?"

Napatingin ako sa nagsalita..

"May kanya kanyang agenda.." sagot ko.

Tumingin ako sa dagat at naramdaman ko naman siyang umupo sa tabi ko.

"Huh?"

Napatingin ulit ako sa kanya. Minsan may pagkaslow din ang isang ito eh..

Huminga ako ng malalim at ibinaling yung tingin ko sa langit then tinignan ko ulit siya ng nakangiti..
"Sila Christian at Cris nagpunta sa loob, sila Nikko at Joy ayun naglalaro ng volleyball, tapos sila Jesse at Lou mukang naglalakad lakad sa dalampasigan then sila Paul at Thea, ayun oh nakasalampak sa buhanginan ewan ko kung anung ginagawa.. sila Alden at Anne mukang may pupuntahan sila may hawak na gitara kasi si Alden eh.. sila Sam at Livie naman hindi ko napansin kung san nagpunta biglang nawala eh." Sagot ko.

"So tayo lang pala ang narito?" Aniya.

"Absolutely... Yes" sagot ko.

"So tara." Aniya at sabay tayo at inilahad niya yung kamay niya para maalalayan niya akung tumayo..

Kahit na nagtataka ako kung san kami pupunta, kinuha ko yung kamay niya para makatayo ako.. pagkatayo ko pinagpag ko muna yung short ko kasi may mga sumamang buhangin.

"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa.

Hinawakan niya yung kamay ko, kaya napatingin ako agad sa mga kamay naming dalawa. Tinignan ko siya at nakatingin rin siya sa akin.. bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.. ikaw ba naman ang ngitian ng lalaking to ewan ko nalang.

ROAD TO FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon